Will edit this later
REGINA
"Salamat talaga, Nathan, ah. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung hindi ko nakita si Ally," pasasalamat ni Regina kay Nathan.
"Wow. That would be the 6th time na nagpasalamat ka sa akin", natatawang sabi ni Nathan.
"Eh kasi, sobrang thankful talaga ako na nahanap mo si Ally."
Nakaupo sina Regina, Nathan at Ally sa isang ice cream store sa mall. Habang nag-uusap sina Regina at Nathan, abala naman si Ally sa paglalaro sa mga pinamili nilang laruan, na binalikan pa nila sa department store.
"Ang weird noh," biglang sabi ni Regina.
"Ang alin?", tanong ni Nathan.
"Ang weird kasi sa dinami-dami ng pwedeng makakita kay Ally, ikaw talaga. I mean, sa movies or teleserye lang kasi nangyayari ang mga bagay na to," sabi niya.
"Maybe its destiny," nakangiting sabi ni Nathan. "I'm kidding," bawi nito nang tiningnan ito ni Regina habang nakakunot-noo. "It was just a conincidence. I happen to be at the right place, at the right time."
Binaling ni Regina ang tingin kay Ally. Nag-iisip siya noon ng malalim. Bakit nga ba lagi silang pinagtatagpo ni Nathan?
"Or maybe, I was meant to meet this little miss here," nakangiting sabi ulit ni Nathan sabay lapit kay Ally.
Nakipaglaro si Nathan kay Ally. Si Regina naman ay hindi pa rin nagsasalita at nakatingin lamang sa dalawa habang naglalaro.
"Are you okay?", tanong ni Nathan sa kanya.
"Hmm? Oo, may iniisip lang."
Tiningnan siya ng matagal ni Nathan bago ito nkipaglaro ulit kay Ally.
Di kalaunan ay nagpasya silang maglakad-lakad muna sa mall. Sinamahan na din ni Regina si Nathan na bumili ng ireregalo nito para sa kaibigang babae.
Nagpunta din sila sa National Bookstore dahil may pinapabili ang kapatid ni Regina na si Rachel.
"Ano yan?", tanong ni Nathan sa kanya.
"Ah. Book na pinapabili ng kapatid ko. 'Christian and Anne' by Dolce Amore," sabi niya.
"Tungkol saan yan?", tanong ulit ni Nathan.
"Hmm. Hindi ko alam eh. Basta ang alam ko, book ito na nilaunch nung kina-aadikan niyang textserye group sa Facebook. Kikodora ata yun or something," sagot niya.
"Ah okay," sabi ni Nathan, though tila hindi nito naintidihan ang ibig sabihin ng textserye.
Pagkagaling nila sa National Bookstore ay naglakad-lakad sila sa mall.
"Sigurado ka bang hindi kami nakakaabala sayo?", tanong ni Regina kay Nathan.
"No. Wala din naman akong ginagawa sa bahay. So might as well spend it with you and this little miss," karga-karga nito si Ally dahil nagpakarga ang bata.
"Ako nalang ang kakarga kay Ally, nakakahiya na kasi talaga sayo", sabi ni Regina.
"Reg, its fine. And ang liit ng katawan mo, di mo kayang kargahin si Ally. And isa pa, mas gusto ako ni Ally kaysa sayo. Di ba, Ally?"
"Yet", sagot ng bata.
"Aba! Kakakilala mo lang sa Tito Nathan mo pero mas love mo na siya?", kunwaring nalulungkot na sabi ni Regina.
"But, I love you more, Tita Reg," sabi ng bata sabay reach out ng kamay nito kay Regina.
Natawa naman si Regina. "Blood is thicker than water, after all," at hinalikan niya sa pisngi ang pamangkin. "I love you too, baby!"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...