REGINA
Buong araw na hindi nakita ni Regina si Nathan simula nung ipasa niya ang kanyang proposal. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit galit sa kanya ang boss niya.
Hindi siya masyadong makaconcentrate sa trabaho dahil sa kakaisip kung may nagawa siyang mali.
Hinihintay din niya ang feedback ni Nathan sa proposal na ginawa niya kaya gusto niya itong makita.
Lagi niyang sinusulyapan ang direksyon ng office ni Nathan, nagbabakasakali na makita niya ang boss niya, ngunit bigo siya.
Kinabukasan, wala pa ring balita si Regina tungkol sa proposal niya. Hindi din niya napansin kung pumasok na ba si Nathan ng office nito.
Regina's Conversation with Stella
REGINA
Mag-aalas singko na ng hapon kaya nagliligpit na ng gamit niya si Regina, nang biglang may nagsalita sa likod niya na kinagulat niya.
"Do you have plans tonight?", biglang tanong ni Nathan.
Nagulat si Regina kaya napahawak siya sa dibdib niya bago magsalita. "Uhmm. Wala naman po."
"Good. Mr. Avena wants to meet you", sabi ni Nathan.
Nanlaki ang mata ni Regina. "Ho?"
"Pinabasa ko na sa kanya ang proposal mo."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...