Chapter 16

336 11 1
                                    

REGINA

Tahimik lang si Joshua nang hinatid siya nito sa bahay niya. Sinubukan niya itong kausapin pero sabi nito na wag muna silang mag-usap. Hiningi nito na bigyan niya muna ito ng panahong mag-isip.

Nang makita niya sa pintuan ng unit ni Nathan si Joshua, kinabahan siya. Akala niya ay susugurin nito si Nathan. Sa halip ay mahinahon nitong sinabi na sinusundo lang siya nito.

Pagkatapos ay matiyaga siyang naghintay sa labas ng unit ni Nathan habang nililigpit ni Regina ang kanyang mga gamit.

Ang lakas ng kabog sa dibdib ni Regina. Ramdam na ramdam niya ang tension sa paligid.

Ramdam din siguro ito ni Nathan kaya hindi na ito nagsalita. Hindi din nito inalok si Joshua na pumasok sa unit dahil marahil alam nito na pointless iyon.

Ngunit nginitian nito si Regina bago ito lumabas. Reluctantly, ngumiti din si Regina.

Huminto si Joshua sa tapat ng bahay nina Regina. Hindi muna bumaba si Regina at tiningnan muna ang boyfriend niya.

"Gusto mo bang pumasok muna?", tanong niya dito.

"Hindi na", sagot ni Joshua.

"Josh, mag-usap naman tayo, please", pagmamakaawa niya kay Joshua. Hindi na niya napigilan ang sarili na maiyak. "Hindi ko talaga--"

"Reg, wag muna ngayon," sabi ni Joshua.

"So kelan? Pag mahirap na tong ayusin?", tanong niya.

Napabuntong-hininga si Joshua. "Ano pa ba ang sasabihin mo? Nakapagpaliwanag ka na sa text. Nasabi mo na na wala kayong choice kundi ang magstay ka sa bahay niya. And nangyari na ang lahat. Wala na akong magagawa doon", halatang pinipigilan ni Joshua ang galit nito.

"Josh, naiintindihan ko kung bakit ka galit--"

Kunwaring natawa si Joshua. "Talaga? Naiintindihan mo? Look, pag tinuloy pa natin ang pag-uusap na to, habang mainit pa ang sitwasyon, baka may masabi ako o masabi ka na pagsisisihan natin sa huli. So mas mabuti nang wag muna nating pag-usapan, okay?"

"Josh.."

"Sige na, hinihintay ka na ni Tita," pag dismiss nito sa kanya.

Tiningnan niya ng matagal ang boyfriend bago siya bumaba ng kotse nito. Tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Pagpasok niya ng bahay ay agad siyang nakita ng mama niya.

"O, si Josh ba yun? Bakit hindi siya--", naputol ang sasabihin ng Mama niya ng mapansin nito ang kanyang mga luha. "Anong nangyari sayo?"

Hindi sumagot si Regina at umupo lamang sa sofa habang pinupunasan ang mga luha.

"Nag-away ba kayo?", tanong nito.

Dahan-dahan tumango si Regina habang patuloy na umiiyak.

"Dahil ba sa boss mo?"

Noon lang niya tiningnan ang mama niya. Pero hindi siya nagsalita.

Tumabi ang mama niya sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Anak, alam ko naman na hindi mo lolokohin si Josh. Pero maski ako ay nagulat nang sabihin mo sa akin na kina Sir Nathan ka matutulog."

"Pero Ma, wala po kasi talaga akong choice."

"Alam ko. And naniniwala ako sayo. Kaya nga hindi na ako nagpumilit sayo na umuwi ka dito kasi ako bilang nanay mo, mas gusto ko na safe ka. So kahit na ayaw ko, pumayag ako na doon ka muna kina Sir Nathan mo ikaw matulog. Kahit na nag-alangan ako at nag-alala, mas inisip ko ang kaligtasan mo sa daan.

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin