Regina's Text Conversation with her Mama
Regina: Ma, umalis po ako ah. Hindi na po ako nakapagpaalam kasi tulog pa po kayo kanina.
Mama: Ha? San ka pumunta, anak?
R: Sa Naga.
M: Bakit? Anong gagawin mo sa Naga? Hanggang kelan ka jan?
R: May kailangan lang po akong malaman.
M: Anak, alam kong hindi ka okay ngayon. Sana sinabihan mo ako para nasamahan kita.
R: Ma, ok lang po ako. At alam ko po na busy po kayo sa pag-aasikaso ng papers niyo pabalik ng Dubai.
R: At kailangan ko po itong gawin, Ma. Kailangan ko rin po munang mapag-isa.
M: Anak, alam mo namang i-hohold ko lahat ng ginagawa ko para masamahan ka.
R: Ma, wag po kayong mag-alala. Ok lang po ako. At promise po, mas magiging okay pa po ako pagbalik ko dyan.
R: Sorry po, Ma, kung pinag-alala ko po kayo. Tatawag po ako lagi sa inyo para di po kayo masyadong mag-worry.
M: O, sige, anak. Tawagan mo ako pagdating mo ng Naga ah.
R: Ok po, Ma. Love you po.
M: Love you rin, Anak.REGINA
Hapon na nang dumating siya sa Naga.
Nasa tapat siya noon ng gate ng isang pamilyar na mansion sa Naga. Kahit saglit lang siyang namalagi dito noon, maganda ang alaala na dulot nito sa kanya. Alaala nina Yvonne at Yannah... At ni Nathan.
Ilang minuto siyang nakatayo sa tapat ng gate nang may makita siyang lumabas galing sa mansion.
Namukhaan ni Regina ang may edad nang babae nang lumapit ito sa gate. Nginitian niya ito.
"Ms. Regina? Kayo po ba yan?", tanong sa kanya ni Aling Pacita.
"Magandang hapon po, Aling Pacita. Opo ako po ito."
"Naku, tuloy ka" sabi nito sabay bukas ng gate. "Pinadala ka ba ulit dito ni sir Ben? Kasama mo ba si Sir Nathan?"
"Ay hindi po. Ako lang po. At hindi rin po ako pinadala ni Mr. Avena," sabi niya at pumasok na siya sa loob.
"Ah, eh, kung ganoon, anong kailangan mo dito sa Naga?", tanong ni Aling Pacita. Tuloy tuloy silang naglakad hanggang sa nakapasok na sila ng mansion ng mga Avena.
"Ah, nagbakasyon lang po ako dito. Naisip ko lang po na dumaan rito," pagsisinungaling niya. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan dahil naisip niya na mahihirapan siyang ipaliwanag na ang rason kung bakit siya nandito ay dahil sa mga panaginip niya.
"Ganoon ba? O sya, sige. Diyan ka lang muna at ipagluluto kita ng makakain ah. Alam kong gutom ka na dahil sa biyahe."
"Ay sige, salamat po," sabi niya. "Aling Pacita, pwede po ba akong maglibot-libot dito sa mansion?"
"Sige, ok lang. Tawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," sabi nito saka nagtungo sa kusina.
Umakyat si Regina sa second floor. Sa totoo lang, isang kwarto lang naman ang gusto niyang puntahan. Nang makarating siya sa kwartong iyon, chineck niya kung nakalock ba. Laking pasasalamat niya nang bumukas ito.
Nakita niya ang kabuuan ng silid, ang silid na laging laman ng panaginip niya. Nang buksan niya ang pinto, inasahan niya na makikita niya si Ysabelle sa kama nito kagaya ng nasa panaginip niya, ngunit wala ang yumaong dalaga sa kama.
Pumasok siya at nagtungo sa pintuan ng library. Bukas din ito kaya pumasok na siya dito.
Agad niyang tinanggal ang mga libro sa shelves para tingnan kung mayroon ngang secret compartment maliban doon sa nakita nila dati ni Nathan.
Ilang minuto pa ay may nakapa siyang kakaiba sa likod ng shelves. Nang katukin niya ang parteng iyon ay napansin niya na tila hollow ang tunog ng kahoy.
Tinanggal niya ang brown wallpaper na nakatakip dito at noon niya nakita na isa nga itong compartment.
Binuksan niya ang compartment. Inasahan niya na magigising siya dahil ito lagi ang moment na nagigising siya kapag napapanaginipan niya ito. Napapikit siya. Nang binuksan niyang muli ang kanyang mga mata, kaharap niya ang napapanaginipan niya. Sa wakas, malalaman na rin niya kung ano ang gustong ipahiwatig sa kanya ni Ysabelle.
Sinilip niya ang compartment at nakita niya ang isang leather-bound journal. Kinuha niya ito at binuksan.
Doon niya napagtanto na ito ang diary ni Ysabelle noong nabubuhay pa siya sa mundo.
Binuklat niya ang mga pahina ng journal. Tumigil siya nang makita niya sa isang pahina ang pangalan ni Simon. Gusto na niyang basahin ang journal sa mga sandaling yun kaya lang, naisip niya na baka mahuli siya nina Aling Pacita sa kwarto ni Ysabelle gayong wala na siyang permisong pumasok doon.
Ipinasok niya na lamang sa kanyang bag ang journal at dali-daling lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa sala at doon naghintay na tawagin ni Aling Pacita.
Di kalaunan ay inanyayahan na siya ni Aling Pacita para kumain. Gusto na ni Regina na magmadaling kumain nang makapagtungo na siya sa bayan at makapagcheck-in sa hotel sa gayon ay mabasa na niya ang journal ni Ysabelle. Ngunit, nahiya siya kay Aling Pacita kaya kinain niya ang mga hinanda ng matanda na ayon sa nararapat na bilis lamang.
Pagkatapos kumain ay nakipagkwentuhan saglit sa kanya si Aling Pacita. Bahagya siyang nakikinig sa kwento ng matanda ngunit hirap siyang mag concentrate gayong ang isip niya ay pumupunta sa kung ano ang maaring nakasulat sa journal na nasa loob ng bag niya.
Kinalaunan, nagpaalam na si Regina kay Aling Pacita.
"Aling Pacita, kailangan ko na pong umalis. Maghahanap pa po ako ng mapagchecheck-in-an sa bayan eh. Baka gabihin po kasi ako," paalam niya.
"Check-in sa bayan? Bakit pa? Dito ka na matulog, Ms. Regina."
"Ho? Naku, wag na po. Nakakahiya po," pagtanggi niya.
"Ano ka ba, bakit ka ba mahihiya? Atsaka nasabi ko na kay Sir Ben na nandito ka at ibinilin niya na dito ka patuluyin habang nandito ka sa Naga," sabi ni Aling Pacita.
"Ho? Bakit niyo pa po sinabi sa kanya?"
"Aba eh, tumawag kasi itong si Sir Ben sa akin kanina habang nagluluto ako. Kinumusta niya ang kalagayan dito sa mansion. Eh, ayun, nabanggit ko na na nandito ka."
"Nakakahiya po. Doon na lang po ako sa bayan."
"Wag mo nang tanggihan, Ms. Regina. Dumito ka na. Hindi ka pamilyar sa bayan, hindi ba? Mahihirapan ka pang maghanap ng matutuluyan doon."
"Pero..."
"Naku, wala nang pero-pero. Dumito ka na. O sya," sabi ni Aling Pacita sabay tayo, "ipapahanda ko na ang magiging kwarto mo."
"Sige po," mahina niyang sabi.
Nang paalis na si Aling Pacita, bigla itong tumigil at lumingon sa kanya. "Siyanga pala, may nakakapagtakang sinabi si Sir Ben eh. Sabi niya, sabihin ko raw sayo na binibigyan ka niya ng permiso na pumasok sa kwarto ni Ysabelle". Umalis na si Aling Pacita sa dining area.
Nagulat si Regina. Bakit parang alam ni Mr. Avena na si Ysabelle ang dahilan kung bakit siya nasa Naga?
Kinagabihan noon, binuklat ni Regina ang journal ni Ysabelle at sinimulan niyang basahin.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...