Regina's Text Conversation with Joshua
Joshua: Bi, sorry na. Mahal na mahal kasi kita eh. Di ko kaya na mawala ka sa akin.
J: Bi? Sorry na o. Reply ka naman. Wag ka na magalit.
Regina: Di naman ako mawawala josh eh. Nakakainis lang kasi hindi ka kasi nagtitiwala.
J: Sorry na. I trust you bi. Mahal na mahal kita. Hindi na mauulit. Promise. Ayokong mag-away tayo.
R: Ok.
J: Yun lang reply mo? Galit ka nga talaga. 😔Regina's Text Conversation with Nathan
Nathan: Reg, ok ka lang ba? I'm really sorry about Dess.
Regina: Ok lang ako.
N: Hindi ko alam na hindi pala alam ni Josh na magkakilala na tayo dati.
R: Hindi ko na nasabi.
N: I see.
R: Ayokong mag-away kami kaya hindi ko sinabi.
N: I'm really sorry if I've caused you two a problem.
R: Wala ka namang kasalanan, Nathan.
N: It feels like it's my fault. Reg, if you want me to stay away from you, I will understand. And I will try my best to stay away.
R: Bakit naman? Wala naman tayong ginagawang kasalanan. Sa trabaho lang naman tayo nagkikita. At tungkol sa trabaho lang naman ang mga pinag-uusapan natin. And boss kita Nathan, kaya imposible yang sinasabi mo.
N: Okay. :) Sige na, matulog ka na. May pasok pa tayo bukas. Good night, Reg.
R: Goodnight. 😊REGINA
Hindi makatulog agad si Regina. Iniisip
niya si Joshua.Nainis siya dito dahil pakiramdam niya ay wala itong tiwala sa kanya. Pero naisip din niya: karapat-dapat nga din ba siyang pagkatiwalaan?
Naguguilty siya dahil may nilihim siya kay Joshua. Hindi niya nasabi dito ang totoong namagitan sa kanila ni Nathan sa Palawan. Pero sa mga nangyari ngayong gabi, naisip niya na kapag sinabi niya yun kay Joshua, mauuwi yun sa mas matindi pang away.
Naisip din niya si Nathan at ang offer nito na layuan siya para hindi sila magkaproblema ni Joshua.
Pinag-isipan niya ng matagal ang reply niya kay Nathan.
Ayaw man niyang masaktan si Joshua, ayaw din niyang bumalik sa dati ang turing sa kanya ni Nathan noong iniiwasan at sinusungitan siya nito dahil magkatrabaho sila, at mahirap kapag may iniiwasan ka sa trabaho lalo pa at boss niya ito.
Pero yung nga ba talaga ang dahilan?
Kinumbinse niya ang sarili niya na yun lang ang dahilan, dahil nangako siya sa sarili niya na buburahin na niya ang kung ano mang iba pang nararamdaman niya kay Nathan alang-alang kay Joshua.
Regina's Text Conversation with Beth
Beth: Beh! Ang ganda mo talaga!
Regina: Huh??
B: Ang sweet talaga ng jowa mo!!
R: Huh ano ba yun?
B: Baba ka dito, may flowers ka!! And chocolates.REGINA
Bumaba si Regina sa may reception area para kunin ang mga bulaklak at chocolates.
Sandali siyang nagstay doon para makipagkwentuhan kay Beth pero umakyat din siya pagkatapos.
Binasa niya ang card ng flowers.
"I'm sorry. I love you. -Bibi"
Binabasa niya ang note nang magbukas ang elevator. Pag-angat niya ng mukha niya ay nakita niya si Nathan.
Saglit nagtama ang mga mata nila. Pagkatapos ay nabaling ang tingin ni Nathan sa hawak niyang bulaklak at chocolates. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya.
"Ok na kayo?", tanong ni Nathan.
Ngumiti din si Regina. "I think so."
Lumabas na nga elevator si Regina samantalang sumakay naman si Nathan.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...