REGINA
Sa buong 8-9 hours na biyahe nina Regina at Nathan, bihirang bihira lang sila nag-usap. Kung may conversations man silang dalawa, tipid na tipid lagi ang mga sagot ni Nathan.
Pakiramdam tuloy ni Regina ay ayaw talaga siyang kasama ni Nathan. Naisip niya na kung ayaw pala talaga siyang kasama nito, sana pinostpone nalang nila ang lakad nila ay hinintay na makasama si Stella. Hindi ko din naman ginusto to!, nasa isip ni Regina.
Buti na lamang at nakatulog ng ilang oras si Regina habang nasa byahe sila. Nagising na siya noong huminto si Nathan sa tapat ng isang malaking bahay.
"Nandito na tayo", sabi ni Nathan.
Bumaba na sila ng sasakyan. Namangha si Regina sa laki at ganda ng bahay.
Biglang may tumakbo mula sa pintuan ng bahay papunta sa kanila.
"Nathan!!", sigaw ng batang babae habang tumatakbo papunta kay Nathan. Pagkatapos ay niyakap na nito si Nathan ng mahigpit. Sa tantya ni Regina ay nasa mga 12-13 years old na siguro ito.
Nakatingin lang si Regina sa kanila.
"As far as I remember, I'm still Kuya Nathan for you little miss," nakangiting sabi ni Nathan sa bata nang maghiwalay na sila mula sa pagkakayakap.
"I will be 18 soon. I don't need to call you "kuya". Once I'm 18, I will be your wife", sabi ng batang babae.
Medyo tumaas ang kilay ni Regina pero natawa siya. Hindi niya nakita ang side na ito ni Nathan.
"Soon? You still have 6 years bago ka maging 18 years old, Yannah," sabi ni Nathan sabay gulo nito sa buhok ni Yannah.
Napansin ni Regina na may papunta din sa kanila na isang magandang babae na sa tantya niya ay parang kaedad lang niya.
"Nathan!" At niyakap din nito si Nathan.
"Hello Yvonne! Kumusta ka na? Hindi ko actually alam na nandito pala kayo", sabi ni Nathan.
"Ah oo. Actually, kakarating lang namin ni Yannah the other day. Pero babalik din kami ng San Francisco in 5 days time. Tumawag sa akin si Daddy kahapon about your visit kaya we were actually expecting you". Nakita nito si Regina na nuon ay gulong-gulong nakamasid lang sa kanila. "And this must be Regina. Hello, I'm Yvonne. And this is my younger sister, Yannah."
Nakipagshake hands din si Regina sa kanya.
"Daddy, called about your visit. And I'm so glad na pumunta kayo on the same time na nandito kami ni Yannah. I can tell you a lot about ate Ysabelle," sabi pa ni Yvonne.
"Ate Ysabelle?", takang tanong ni Regina.
"Yeah, that's the reason why you're here diba? Para sa concept ng restaurant na ioopen ni Dad para kay ate?", sabi ni Yvonne.
Nakakunot noo si Regina.
"Sila ang mga kapatid ni Ysabelle", paliwanag ni Nathan.
"Ahh okay." Ang hindi nalang niya ma-grasp ngayon ay kung bakit close si Nathan sa kanila.
"Tara pasok na tayo. We prepared something for you. Alam kong gutom na kayo," pag-aaya ni Yvonne. "Or kumain ba kayo on the way?"
"Hindi," sagot ni Nathan.
Bago sila pumasok ay hinawakan ni Regina ang braso ni Nathan. "Kilala mo si Ysabelle?"
Tumango si Nathan. "Family friends namin ang mga Avena. Why?"
"Di mo kasi nabanggit sa akin. Sir."
"Dapat ba binanggit ko sayo?"
"Well, maganda po kasi sana kung nabanggit niyo sa akin. Eh di po ba ang purpose ng pagpunta natin dito ay para makilala ko si Ysabelle at makagawa ng concept para sa restaurant? Eh bakit kelangan pa nating umalis ng Manila eh pwede naman pala kita kausapin about sa kanya?"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...