Regina's Text Conversation with Joshua
Joshua: Reg, thank you. :)
Regina: Para saan?
J: Para sa pagdalaw mo kay Mama.
R: Wala yun. Napamahal na rin sa akin mama mo kaya I care for her. Sana maging ok na siya.
R: Thank you din sa paghatid.
J: No. Thank you for giving me time. Dati routine lang kapag hinahatid kita or sinusundo. Kanina, it was special. Because it meant na makakasama pa kita kahit saglit lang.
J: Hindi ka na naman nagreply. Sorry.
R: No. Ako dapat mag sorry. Sinaktan kita. Sorry talaga, Josh.
J: Di na ba talaga pwede?
R: Sorry, Josh.
J: Okay. Hindi ko lang talaga mapigilan na ipaglaban tayo. Mahal na mahal kasi kita, Reg. Basta, tandaan mo na nandito lang ako at naghihintay sayo.
R: Josh, please. Wag mo namang gawin yan. Mas lalo lang akong nakokonsensya. Wag mo na akong hintayin.
J: Mahirap gawin yan, Reg. All those 8 years ay kasama kita lagi. Hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko.
R: Nandito pa rin naman ako eh. Bilang kaibigan mo.
J: Alam mo naman na higit pa riyan ang gusto ko.
R: Sorry, Josh.Regina's Text Conversation with Beth
Beth: Beh, nagkita ba kayo ni Sir Nathan?
Regina: Huh?
B: Sabi kasi ni Maam Stella pumunta siya sa opening kahapon eh. Di ba kayo nagkita?
B: Reg???REGINA
Nang mabasa ni Regina ang text ni Beth na pumunta si Nathan sa opening, hindi na siya nag-isip at parang kusang kumilos ang katawan niya na umalis ng bahay at pumunta sa condo ni Nathan.
Pero nang nasa harap na siya ng building ng condo, natigilan si Regina. Ano ang sasabihin ko? Bakit ba ako pumunta dito?
Tila natauhan siya kaya tumalikod na siya at naglakad paalis. Ngunit tumigil ulit siya.
Hindi. Kailangan ko siyang makita. Kahit saglit lang. Bahala na.Pumasok siya sa building ng condo. Lumapit siya sa may reception area.
"Good morning po," bati niya sa receptionist. "Kaibigan po ako ni Nathan Roque. Nandyan po ba siya?"
"Naku maam. Umalis po siya. May mga dala po siyang maleta," sagot ng receptionist.
"Ho? Alam niyo po ba kung saan siya pumunta?"
"Naku, hindi po, Ma'am, eh."
"Kanina pa po ba siya umalis?"
"Opo, eh. Siguro po mga 1 hour and 30 minutes na po."
Napabuntong-hininga siya. Siguro nga hindi na kami dapat magkita.
"Sige po. Salamat po," maluha-luha niyang sabi sa receptionist. Pagkatapos ay lumabas na siya ng building.
Naisip niya na nagbalik na marahil si Nathan sa girlfriend niya sa New Jersey.
Regina's Text Conversation with Megan
Regina: Bes, wala na siya. 😔
Megan: Ha? Sino, bes?
R: Si nathan. Umalis na siya.
M: Ha? Eh di ba nasa New Jersey naman siya?
R: Bumalik siya. Pumunta siya sa opening ng Ysabelle kahapon. Pero hindi kami nagkita. Pumunta ako sa condo niya kanina, pero wala na siya.
M: Pumunta ka sa condo niya? Bakit?
R: Oo. Hindi ko rin alam. Gusto ko lang siyang makita ulit. 😢
M: Bessss!! Huuuug.. 😢
R: Ang sakit bes... Alam ko dapat hindi ko dapat siya pinuntahan kasi ikakasal na siya sa gf niya. Hindi ko talaga alam kung bakit ako pumunta. Hindi na ako nag-isip. 😥
M: Bes, mahal mo kasi siya...
R: Feeling ko ang sama ko... Sinaktan ko si Joshua.. Tapos ngayon, kung nakita ko si Nathan, baka nakasira ako ng isa pang relasyon. Ang sama ko.
M: Bes, nagmamahal ka lang talaga.
R: Naisip ko mas mabuti na hindi ko siya inabutan. Pero masakit, Bes, eh. :(
M: 😢😢😢 Bes, pupuntahan kita mamaya. Kami ni Liz.
R: Thank you, Bes.REGINA
For the first time ay buong puso na ni Regina na inilahad sa mga kaibigan niya ang nararamdaman niya. Inamin na niya sa kanila na mahal nga talaga niya si Nathan.
Sabi naman ng mga kaibigan niya na matagal na raw nilang ramdam na mahal niya si Nathan. Kinomfort nila siya lalo pa at halos hindi siya matigil sa kakaiyak. First time niyang mag-breakdown sa harap ng mga kaibigan niya.
Halos hatinggabi na nang umalis ang mga ito sa bahay nila nang kumalma na si Regina. Pinatulog muna nila ito bago sila umalis.
Kinabukasan, nagising si Regina na kapos ang hininga dahil nanaginip na naman siya. Ganoon pa rin ang laman ng panaginip niya -- si Ysabelle. Ang pinagkaiba lang ay sa pagkakataong ito, nakita na niya ang laman ng secret compartment. May isang black na journal doon. Ngunit noong kukunin na sana niya ito, bigla na lamang siyang nagising.
Tiningnan niya ang kanyang relo at nakita niya na 4 am pa lang.
Nakaupo siya sa kama niya habang iniisip ang panaginip niya. Ngayon lang niya napagtanto na hindi ordinaryo ang mga panaginip niya, na tunay ngang may ipinapahiwatig sa kanya si Ysabelle sa panaginip niya.
Naisip din niya na ito na ang tamang pagkakataon para alamin kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niya.
Dali-dali siyang bumangon at nag-impake. Pagkatapos ay naligo at nagbihis na siya.
Bandang 5:30 ng umaga ay umalis ng bahay si Regina.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...