Chapter 7

443 18 3
                                    

REGINA

Isang araw pagkatapos ng meeting nila tungkol sa Ysabelle's, maagang pumasok si Regina para tapusin ang business plan ng bubuksang restaurant. Nag-aabang siya sa may elevator para umakyat ng 35th floor.

Kadalasan, kapag maaga siya pumapasok ay naghahagdanan siya para magsilbing exercise din niya. Pero sa umagang ito, pinili niyang sumakay ng elevator dahil puyat siya sa paggawa ng business plan para sa Ysabelle's at baka di niya kayaning mag hagdan.

Nagbukas na ang elevator at sumakay siya. Siya lamang ang lulan nito dahil alam niya na wala pang ibang tao sa office o papasok na ng office nila.

Pasara na ang elevator nang biglang may humarang na kamay sa pinto nito -- si Nathan.

Nagulat si Regina pero halatang nagulat din si Nathan nang makita siya nito.

"Good morning," bati sa kanya ni Nathan nang sumakay na din ito sa elevator.

"Good morning," bati din niya kay Nathan.

Kumakabog na naman ang dibdib ni Regina, na para bang gustong kumawala ng puso niya sa ribcage niya.

Tahimik lamang sila habang magkatabing lulan ng elevator. Hindi huminto ang elevator sa ibang floors ng building at tuloy-tuloy ito paakyat. Pero pakiramdam ni Regina ay yun na ang pinakamatagal na elevator ride niya sa buong tatlong buwan na nasa Avena siya.

Nakahinga ng maayos si Regina nang magbukas na ang elevator sa 35th floor. Agad siyang lumabas ng elevator. Kasunod  naman niya si Nathan.

"Reg!", biglang tawag ni Nathan sa kanya.

Napapikit saglit si Regina at bumuntong hininga. Hindi agad siya lumingon kay Nathan.

Sa wakas ay lumingon siya kay Nathan pero hindi siya nagsalita.

"Can we talk?", tanong ni Nathan.

Ayaw sana ni Regina na makausap si Nathan dahil hindi niya alam ang sasabihin dito. Pero wala naman siyang magawa dahil ito ang boss niya kaya tumango siya.

"How -- how are you?", tanong ni Nathan sa kanya. Tila hindi din nito alam ang sasabihin sa kanya.

"Ok lang," tipid na sagot ni Regina.

"Listen, a year ago... Alam kong medyo hindi maganda ang circumstance ng paghihiwalay ng path natin. What happened at Palawan that morning --"

"--is a mistake," pagtuloy ni Regina sa sasabihin ni Nathan.

Hindi agad nagsalita si Nathan. "Yes. Its a mistake. This is a long overdue apology but, I'm sorry."

"Wala na yun. Matagal na yun," tugon ni Regina. "What happens in Palawan, stays in Palawan."

"Right," sabi ni Nathan.

"Kalimutan na lang natin na nangyari yun," sabi ni Regina.

Tumango si Nathan.

Tumalikod na si Regina para iwanan si Nathan nang biglang tawagin siya ulit ni Nathan.

"Reg..."

Lumingon ulit si Regina.

"I hope whatever happened between us will not affect our working relationship. I mean, we cannot afford to jeopardize Ysabelle's because of this."

"Of course," sabi ni Regina. "Sir," dagdag niya. At nginitian niya si Nathan bago pa siya tumalikod ulit.

Pagdating niya sa cubicle niya ay umupo na si Regina. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Natutuwa siya na nalampasan na niya ang pakikipag-usap kay Nathan pero sa hindi niya malamang dahilan ay may nararamdaman siyang kurot sa kanyang puso.

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin