Chapter 23

1.4K 63 9
                                    

REGINA

"Bi, kanina ka pa tahimik ah..", sabi sa kanya ni Joshua. Pauwi na sila noon galing sa meeting nila nina Nathan, sakay ng kotse ni Joshua.

"Hmm? Wala lang, Bi. May iniisip lang ako," sabi ni Regina.

"Nagustuhan mo ba ang surprise ko? Magkakatrabaho na tayo sa Ysabelle's. Mas magiging madalas na tayong magkasama. These past few days kasi ay parehas tayong busy. Halos hindi na tayo nagkikita."

Nginitian lang siya ni Regina.

"May problema ba, Bi?", tanong ni Joshua.

"Wala naman. Medyo nagulat lang ako," sagot niya.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

"Syempre gusto ko naman, Bi, na magkasama tayo," sabi niya. Actually, hindi niya alam kung bakit parang nalungkot siya noong nalaman niya na kasama niya si Joshua.

"Eh bakit ka tahimik?," tanong ulit ni Joshua. "Dahil ba kay Nathan?", dagdag nito, na may kasamang panlalamig sa boses.

"Bakit naman nadamay si Nathan? Masaya ako, Bi. May iniisip lang talaga ako."

Hindi na sila nagsalita pareho hanggang sa maihatid na nito sa bahay si Regina. Nagpaalam sila sa isa't-isa ngunit halatang medyo malamig ang pakikitungo ni Joshua sa kanya.

Regina's Text Conversation with Joshua

Regina: Bi, sorry. Sorry kung feeling mo hindi ako masaya na involved ka din sa Ysabelle's. Masaya ako, Bi. Promise. Naisip ko lang kasi na dahil sa selos mo kay Nathan ay maapektuhan ang mga trabaho natin.
Joshua: Bi, hindi naman na ako nagseselos kay Nathan. Dahil wala naman akong dapat ipagselos di ba?
R: Oo, Bi.

Regina's Text Conversation with Nathan

Nathan: Are you okay?
Regina: Oo naman. Bakit?
N: About Joshua.
R: Bakit naman ako hindi magiging okay na kasama na siya sa Ysabelle's? Masaya ako na mas madalas ko na siyang makakasama.
N: Ah okay...

Regina's Text Conversation with Megan

Regina: Bes.
Megan: Yes, Bes?
R: May problema ako.
M: Ano yun?
R: Naalala mo yung kinuwento ko sayo na project? Yung Ysabelle's? Yung para sa anak ng CEO ng Avena?
M: Oo naman, Bes. Anong problema? Napapanaginipan mo pa din yung Ysabelle?
R: Oo, Bes. Pero hindi yun ang problema ko. Si Joshua ang isa sa mga architect ng Ysabelle's.
M: What??? 😱
R: 😑😩
M: Hala! Paano yan? Hindi kaya gulo lang maidulot niyan? Involved din si Nathan sa Ysabelle's di ba?
R: Oo. 😖
M: Hala, Bes! Ano gagawin mo?
R: Anong magagawa ko? 😖
M: Ano ba yan! Mas nagiging komplikado ang buhay mo.
R: Alam kong dapat masaya ako na mas madalas ko nang makakasama si Joshua. Pero bakit ganun? Bakit hindi ako masaya?
M: Naku Bes, kailangan mo nang mafigure out yang mga nararamdaman mo. Kung hindi, pare-parehas kayong masasaktan. Kumusta sina Joshua at Nathan nung nagkita sila?
R: Ok lang naman. Civil.
M: At least civil. Sana lang di magkagulo lalo pa at selos na selos tong si Joshua mo kay Nathan. 😖

Regina's Text Conversation with Nathan

Nathan: Reg, may meeting tayo with the contractors. May changes daw. Punta ka dito sa office.
Regina: Okay.

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin