Chapter 12

335 14 1
                                    

NATHAN

Hindi nakatulog si Nathan ng maayos dahil iniisip niya si Regina. Naguguilty siya dahil mukhang nasaktan talaga niya ang damdamin ni Regina.

Medyo tinanghali ng gising si Nathan dahil nga hindi siya nakatulog agad kagabi. Pagbaba niya, sinabi ng katulong na pumunta ng bayan sina Yvonne at Yannah. Sinabi din nito na lumabas din ng bahay si Regina.

Nasa sala siya nang pumasok si Regina. Tila nagulat ito nang makita si Nathan.

"Reg--"

"Sorry dun sa outburst ko kahapon", sabi ni Regina. "Sir." dagdag nito.

At nag akma itong aalis papunta sa hagdanan.

"Saan ka galing?", tanong ni Nathan.

"Maaga akong nagising kaya naglakad-lakad ako. At kinausap ko din ang mga kasama sa bahay ng Avena tungkol sa pagkakakilala nila kay Ysabelle. Naglakad-lakad din ako sa village at it turns out, medyo madami din pala ang nakakakilala kay Ysabelle," sagot ni Regina.

"And?", tanong ni Nathan.

Nakakunot ang noo ni Regina. "And? Ano?"

"Were you able to get the information you need?", tanong ni Nathan.

"I think so," sabi ni Regina. "Sige, Sir, akyat na po muna ako," paalam nito kay Nathan, at tumalikod na ito ulit.

"Aren't you going to ask me about her? I think, my insights about her will be essential," sabi ni Nathan.

Hindi sumagot si Regina.

"So ano? Aren't you going to ask me?", tanong ulit ni Nathan.

"Okay. Sige po. Ano ang pagkakakilala mo kay Ysabelle?"

"She is one of a kind," tanging nasabi ni Nathan.

Tumaas ang kilay ni Regina. "Yun lang? Po?"

"She's hard to describe, actually."

Nakatingin lang sa kanya si Regina na tila nag aantay ng kadugtong ng sasabihin ni Nathan. Pero nang hindi na nagsalita ulit si Nathan, "Okay. If that's it, aakyat na po ako", sabi ni Regina at tumalikod na ulit ito.

"Actually, I want to bring you sa favorite spot ni Ysabelle dito sa Naga. It might help you."

Tila nag-dadalawang isip si Regina. Pero sa huli ay sinabi nito nag magbibihis daw muna siya nang makaalis na sila.

REGINA

Dinala siya ni Nathan sa may malapit sa Mt. Isarog. Buti nalang at sinabihan siya nito na magsuot ng rubber shoes bago sila umalis ng bahay dahil mukhang magt-trekking pa sila bago makapunta doon sa sinasabing spot ni Nathan.

Habang naglalakad sila sa medyo matarik na daan, walang nagsasalita sa kanilang dalawa, kaya malayang naglakbay ang isip ni Regina.

Inisip niya ang mga naging conversations niya at ng mga taong nakakakilala kay Ysabelle. Dahil maaga siyang nagising kanina, naglakad-lakad siya at nagkaroon siya ng pagkakataon ng makausap ang mga kasambahay ng mga Avena. Ilan sa kanila ay bago at hindi kilala si Ysabelle at nakilala lang nila ang dalaga base sa mga kwento ng mga kasama nila. Pero may ilan din na kilala personally si Ysabelle.

Ayon sa mga nakausap niya, mabait na amo si Ysabelle. Minsan din ay tumutulong ito sa kanila sa mga gawain sa bahay. Masayahin din daw ito bago siya nagkasakit. Si Ysabelle daw ang klase ng tao na madaling pakisamahan at madaling makagaanan ng loob.

May mga oras daw na nagsstay lang si Ysabelle sa room nito para magpinta. Minsan, lumalabas din ito dala-dala ang mga gamit sa pagpipinta para maghanap ng inspirasyon o subject na pwedeng ipinta.

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin