Chapter 4

613 19 0
                                    

REGINA

Nasa airport na sila Regina at Megan nang inusisa ni Megan ang pagiging tahimik ni Regina.

"Bes, ok ka lang ba? Kinakabahan ka pa rin bang sumakay ng eroplano?", tanong ni Megan sa kanya.

"Hmm? Ah oo. Sana makatulog ako mamaya sa eroplano."

"Iinom ka naman ng gamot diba?", tanong ni Megan.

Tumango si Regina.

"Bes, everything will be fine. Besides, nandito naman ako eh. Di ka na mag-isa kagaya nung papunta ka dito sa Palawan," pag-comfort ni Megan sa kanya.

"Di naman ako mag-isa noon eh. Nathan was there, remember?", sabi ni Regina.

"Yes, pero di mo naman siya kilala that time eh. At least ako, bestfriend mo ako. Kaya wag ka nang matakot ok? Di tayo pababayaan ng Diyos."

Nginitian niya si Megan.

Kinalaunan ay hindi na nakatiis si Regina. "Bes, may sasabihin ako sayo."

Nasa pila sila noon papasok sa departure area.

"Ano yun?", tanong ni Megan sa kanya.

"Nathan... And I, kissed kanina."

Natigilan si Megan at bahagyang napanganga. Hindi ito gumalaw hanggang noong sinita sila ng guard dahil nakacause sila ng delay sa pag-usad ng pila.

"Wait, what did you say?? You kissed? You and Nathan KISSED??", malakas ang boses ni Megan nang tinanong siya nito.

"Ssshh! Wag kang maingay! Abot resort ata ang lakas ng boses mo!", sita sa kanya ni Regina.

"Regina Montez, anong inaasahan mong maging reaksyon ko?", tanong ni Megan. "You and Nathan kissed!"

"Believe me, alam kong mali ang ginawa namin. Hindi ko din alam kung bakit nangyari yun. It was... A moment of weakness, I guess.", paliwanag ni Regina.

"Yun ba ang rason kung bakit ang aga nating nag-alsa balutan sa resort at ni hindi natin hinintay na magising si Caitlin at Kent?"

"Yes, I'm sorry. Hindi ko lang talaga kayang harapin ulit si Nathan."

"Wait. I am really having a very hard time processing lahat ng sinasabi mo. I mean, I know gwapo si Nathan, matipuno, very accomplished, but what about Josh? And his girlfriend?"

"It was just a kiss. Wala namang malalim na ibig sabihin yun."

"Bes, kilalang-kilala kita. You are not the kind of woman who will dismiss a kiss as just a kiss," sabi ni Megan.

"Di ko alam kung bakit ko nagawa. Ang alam ko lang ngayon, nakokonsensya ako sa nangyari, para kay Josh at sa gf ni Nathan. Okay?"

Bumuntong hininga si Megan. Magsasalita pa sana ito nang biglang i-announce na ready for boarding na ang eroplano.

Regina's Conversation with Joshua

Regina's Conversation with Joshua

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin