Chapter 6

443 17 0
                                    

NATHAN

Isang araw pa lamang ang nakalipas mula nang bumalik sa Pilipinas si Nathan galing sa New Jersey. 7 months siya sa New Jersey bilang assistant manager ng Avena Office doon.

Ilang araw pagkatapos ng kasal nina Kent at Caitlin, pinadala ng Avena si Nathan sa office nila sa Malaysia dahil nagkaproblema sila doon. Nanatili siya doon ng limang buwan para ayusin ang problema.

Nang sa wakas ay naresolba ang gusot sa Malaysia, bumalik siya ng Pilipinas. Ngunit, saglit lamang ito dahil pinadala naman siya sa New Jersey nang biglaang mag resign ang assistant manager doon. Kinailangan siya doon dahil may mga problema ding hinarap ang office doon. Isa pa, ayaw ipagkatiwala ng pamunuan ng Avena ang position dahil bago pa lamang ang Avena office sa New Jersey.

Natuwa naman si Nathan sa assignment na ito dahil nagkataon na ang manager ng New Jersey office ay ang kanyang girlfriend na si KC.

Ngunit, 4 days ago ay nakatanggap siya ng tawag mula sa main office sa Pilipinas. Pinapabalik siya sa Pilipinas para pamunuan ang Makati Office dahil nasisante ang manager doon.

Kung si Nathan lang ang masusunod ay ayaw sana niyang umalis ng New Jersey dahil ayaw niyang iwanan si KC. Ngunit ayon sa tawag, ang CEO daw mismo ng Avena ang nagrequest na siya ang pumalit sa pwesto bilang manager sa Makati office.

Ang rason kung bakit siya ang gusto ilagay sa posisyon na yun ay dahil mayroon daw restaurant na gustong ipatayo ng Avena sa BGC area. Mahalaga daw ito sa CEO kaya ayaw nitong ipagkatiwala ito sa kung sino lang.

Napilitang bumalik ng Pilipinas si Nathan. Mas nalungkot siya noong maramdaman niya ang lungkot ni KC sa pag-alis niya.

Unang araw ngayon ni Nathan sa office nila, at nakilala niya ang assistant manager na si Mariz. May kaedaeran na ang babae at nalaman niya na ilang taon na din pala itong nagtatrabaho sa Avena. Sa unang pagkikita nila ni Mariz, hindi matantya ni Nathan kung gusto ba niya ang babae o hindi.

Ipinaliwanag ni Mariz sa kanya ang pasikot-sikot sa kompanya. Ipinaliwanag nito na ang office nila ay nasa 35th floor ng isang building na pag-aari din ng Avena.

Pagkatapos siyang ma-brief ni Mariz tungkol sa kompanya, nagmungkahi ito na ipakilala siya sa mga empleyado ng office. Pumayag naman si Nathan.

Pagdating nila sa kinaroroonan ng empleyado, tinawag ni Mariz ang atensyon ng mga ito

Ipinakilala siya ni Mariz sa mga empleyado. Hindi naman siya nagsalita bukod sa simpleng "good morning" sa kanila. Hinayaan na lamang niya si Mariz sa pagpapakilala sa kanya.

Sinuyod niya ng tingin ang mga empleyado ng Makati office. Nagawi ang tingin niya sa isang cubicle kung saan nakatayo ang isang empleyado na may pamilyar na mukha.

Halos sa mismong pagkakataon na nagkatinginan sila sa mata, umiwas agad ng tingin ang babae at yumuko.

Si Nathan naman ay titig na titig sa babae dahil ilang saglit lang ay nakilala niya ito. Kahit pagkalipas ng isang taon, kahit saglit lamang sila nagkasama, hinding hindi niya makakalimutan ang mukha ni Regina.

Regina's Conversation with Beth

Regina's Conversation with Beth

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin