Chapter 26

2.2K 117 48
                                    

REGINA

Naglakad si Regina papunta sa kinaroroonan ni Nathan pero hindi siya masyadong lumapit.

Tila naramdaman naman ni Nathan ang presence niya kaya lumingon ito sa kanya. Nang makita siya nito, ngumiti ito at tumayo.

Humakbang si Nathan papunta kay Regina pero kasabay ng paghakbang nito ay ang pag-atras ni Regina. Kaya naman, tumigil si Nathan at pilit tumawa.

"I'm sorry. Nakalimutan ko na iniiwasan mo nga pala ako," sabi nito.

"Bakit ka naglasing?", malamig na tanong ni Regina.

"Hindi ako lasing."

"Kahit medyo madilim ngayon, kitang-kita ko ang pamumula mo," sabi niya.

Tumawa si Nathan. "Why do I hear a bit of concern in your accusations? Or gusto ko lang bang isipin na concern ka sa akin?", sabi nito.

Bumuntong hininga si Regina. "Bakit ba gising ka pa?"

"I could ask you the same question. And I might add asking why are you even talking to me? Akala ko ba gusto mo na akong iwasan?", tanong ni Nathan.

"Dahil itinuturing pa rin naman kitang kaibigan", sabi niya.

"Kaibigan. Right", sabi ni Nathan na may kasamang pagtawa. Pagkatapos ay humarap ito sa may dagat.

Gustong lumapit ni Regina pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang nakikita si Nathan nang ganito.

"Nathan, I'm sorry."

Hindi nagsalita si Nathan at nakatingin pa rin sa dagat.

"Sorry kung ako yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan," sabi pa niya.

Tumawa si Nathan. "Bakit mo naman inisip na ikaw ang dahilan? I drank because I'm just having fun with the group."

"Still. I'm sorry. Hindi ko gusto na nakikita ka nang ganyan."

"What, drunk? Miserable?", sabi nito na may bahid ng galit sa kanyang tinig. "It's not your fault. He's your boyfriend, of course you will be sweet with him", sabi nito. "And of course, you will choose him", dagdag pa nito.

Hindi na nagsalita si Regina at nakatingin lang siya sa binata. Hindi niya maiwasan na mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Si Nathan naman ay nakatingin lang din sa kanya. Ilang segundo bago ito ulit nagsalita.

"Can I come closer?"

Hindi sumagot si Regina.

"Don't worry, malayo pa ang sunrise. Wala akong gagawing masama," patawang sabi nito.

Bahagyang ngumiti si Regina. Pero imbes na sumagot, kusa siyang lumapit kay Nathan.

Nang konting distansya na lamang ang pagitan nila, nagsalita na si Nathan. "You are so beautiful", sabi nito habang titig na titig sa mga mata ni Regina.

"Nathan --"

"Please, don't say anything", pagputol nito sa sasabihin ni Regina. "Please let me look at you for a while," sabi nito na may malungkot na ngiti sa labi.

Nakatitig din si Regina sa mga mata nito pero hindi rin siya nagsalita.

"I don't know kung bakit ganito ang epekto mo sa akin, Reg. I don't know how you can stir these deep emotions inside me. All I know is you do. Alam kong mali, alam kong may mga masasaktan, pero, honestly, I really don't care as long as you're with me."

Mayroon ng mga luha na pumapatak mula sa mga mata ni Regina.

Dahan-dahang inangat ni Nathan ang mga kamay nito at dinampi sa mga pisngi ni Regina, sabay punas sa mga luha nito.

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin