Chapter 15

335 12 1
                                    

"Ano?", gulat na tanong ni Regina.

"I'm sorry, Reg, pero yun lang ang naiisip kong paraan. My place is just around the corner. We are nowhere near in finding a street na pwede nating daanan papunta sa inyo," sabi ni Nathan.

"Wala bang ibang paraan? Kahit mag-hotel nalang ako or inn or kahit ano," sabi niya.

"There was one hotel na nadaanan natin, pero imposible ding makabalik tayo doon dahil sobrang traffic. Iikot pa tayo and I'm not sure kung ok bang daanan ang streets papunta doon," sabi ni Nathan.

Nakahinto noon ang kotse ni Nathan dahil sa matinding traffic.

Tiningnan ni Nathan si Regina sa mata. "Reg, if there is any other way, I would not suggest it."

Hindi agad nakasagot si Regina at nakatingin lang din siya sa mata ni Nathan. In the end, bumuntong hininga siya at tumango.

Kahit malapit lang ang condominium ni Nathan, nahirapan pa rin silang makarating doon dahil sa baha at sa matinding traffic. Pero makalipas ng isang oras ay nakarating din sila sa building.

Nang pumasok sila ni Nathan, agad niyang napansin ang ayos ng unit nito. Malinis ang loob ng unit. Walang makikitang kalat. Pagpasok sa unit ay makikita agad ang sala.

"Upo ka," pag-aya ni Nathan.

Umupo naman si Regina.

"Do you want juice, coffee or tea?"

"Hindi, sige, okay lang ako," sabi Regina. Halatang di siya mapakali.

"Ok," papasok na sana si Nathan sa kwarto pero lumingon uli ito kay Regina. "Reg, don't worry. As Kent said, harmless ako," nakangiting sabi nito.

Natawa si Regina sa sinabi nito. "Okay," nakangiting sabi niya.

Pumasok si Nathan sa kwarto nito para magbihis. Ilang saglit ay lumabas din ito na may dalang unan at kumot.

"You sleep in my bed, dyan nalang ako sa sofa," sabi nito.

"No. Dito na lang ako, nakakahiya na masyado sa abala," pagtanggi ni Regina.

"Reg, it's okay. I can't sleep there knowing na nandito ka sa sofa natutulog. Bisita ka kaya you should be comfortable."

"Hindi, okay lang. Comfortable naman dito eh," sabi ni Reg.

Tumabi sa kanya si Nathan. "Or if you really want to stay here sa sala, we can both sleep here," sabi nito na may kasamang pilyong ngiti.

Agad namang napatayo si Regina. "Hindi, okay na pala ako sa kwarto."

Natawa si Nathan.

"You can take a shower if you want, may t-shirt at towel akong nilagay sa kama," sabi ni Nathan.

"Sige. Salamat," nakangiting sabi ni Regina bago siya pumasok sa kwarto.

Pagpasok niya sa kwarto ay umupo muna siya sa kama ni Nathan at nag-isip. Dapat ba niyang sabihin kay Joshua kung nasaan siya?

Ayaw niyang magsinungaling ulit kay Joshua. Ayaw din naman niyang mag-away silang dalawa, pero pakiramdam niya, kapag hindi niya sinabi kay Joshua ang tungkol sa gabing ito, somehow ay parang niloloko niya ang kasintahan niya.

In the end, nag-desisyon siyang sabihin ito kay Joshua.

Regina's Text Conversation with Joshua

Regina: Bi?
Joshua: Hi bi! Hindi ka na galit sa akin?
R: Hindi ako galit bi. Bi, may sasabihin ako.
J: Ano yun bi?
J: Bi? Ano yun? Parang kinabahan ako bigla.
R: Bi, please wag kang magalit.
J: Ano ba yun bi?
R: Nasa unit ako ni Nathan. I'm so sorry Bi. Na stranded kami sa traffic and baha. Wala na kaming madaanan pauwi. Wala ding malapit na hotel or inn, so wala talaga akong choice kundi mag stay dito sa unit niya. Pero promise, Bi. Wala naman kaming gagawing masama. Ayokong gawin to, but wala na talaga akong choice.
R: Bi? Please say something.
J: Kayong dalawa lng?
R: I'm sorry, bi. Wala talaga akong choice.
J: Bat hindi ka nalang nag stay kina Cate kung baha?
R: Hindi ko kasi alam na ganun na pala kataas ang tubig. Hindi ko inakala na hindi kami makakadaan pauwi sa bahay.
J: Bakit siya ang naghatid sayo?
R: Bi, iba kasi ang way namin ni Meg. Si Liz naman ay nauna nang umuwi. Same way kasi kami ni Nathan. Mag-tataxi sana ako pero ayaw naman pumayag nina Cate.
R: Bi??? 😔😔😔
R: Bi, sorry hindi kita marinig. Sobrang choppy. Baka dahil sa ulan. Sorry bi. Hindi ko naman sayo sasabihin to kung may gagawin akong masama, bi. Kaya kahit na alam kong magagalit ka sa akin, sinabi ko pa rin dahil ayaw kong magsinungaling sayo. I'm really, really sorry bi.
R: Bi?? Reply ka naman o. 😩😩😩
R: Josh? Sorry talaga. 😢

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin