Chapter 22

1.5K 74 24
                                    

Regina's Text Conversation with Joshua

Joshua: Bi, may surprise ako sayo.
Regina: Ano yun bi?
J: Basta... Malalaman mo din this week.
R: Hmm. Ano kaya yan?
J: Basta bi. Matutuwa ka. Love you!

REGINA

Magkasama silang naglunch ni Beth sa isang kainan na madalas nilang kinakainan at ng iba nilang officemates.

Nagkukuwentuhan silang dalawa nang biglang pumasok si Tina at ang mga kaibigan nito. Nakita agad siya ni Tina at inirapan siya nito.

Umupo ang grupo nina Tina sa table na katabi nila. Binati siya ng mga kasama nito at ngumiti naman siya sa kanila.

Medyo dinig ni Regina ang kwentuhan nina Tina at ng mga kasama niya. Pinag-uusapan nila ang naudlot na promotion ng isa nilang kaibigan.

Nang nagsalita si Tina, unusually malakas ang boses nito na tila ba gustong iparinig kina Beth at Regina ang sinasabi niya.

"Eh Beh, kailangan mo kasi ng kapit. Ganyan talaga sa trabaho, hindi ka basta-basta mapopromote. Bukod kasi sa dapat magaling ka, dapat ay close ka din sa boss. Try mong landiin si Sir Nathan, baka sakaling mabigyan ka din ng malaking project." Nang sinabi niya ang huling sentence ay umirap ito sa direction nina Regina.

Narinig din ni Beth ang sinabi ni Tina kaya tila naging interesado ito sa mga sasabihin ng babae.

"Oi grabe ka, hindi naman yata ganun si Sir Nathan. Mukha naman siyang disenteng tao. Saka maganda ang girlfriend nun, hindi mo siya basta-basta malalandi," sabi ng isa sa mga kasama ni Tina.

"Sigurado ka doon? Hindi mo ba alam ang saying na 'Looks can be deceiving'? Minsan akala mo ang disente ng isang tao; mahinhin, mabait, tahimik. Pero yun pala, may tinatago palang kulo," sabi ni Tina. "And how sure are you na hindi nalalandi si Sir Nathan kung meron na palang nakagawa nun sa atin?". At umirap ulit siya sa direksyon nina Regina.

Halatang gustong sumagot ni Beth at sumabat sa usapan nina Tina pero pinigilan niya ito.

"Beth, tara na!", sabi niya sabay tayo.

Tiningnan siya ni Beth at sumunod na din ito sa kanya.

Nang makalabas na sila ay saka palang nagsalita si Beth. "Ano yun? Anong sinasabi ni Tina?"

"Hayaan mo na siya."

"Ikaw ba tinutukoy niya na nilandi si Sir Nathan? Kung makairap siya sayo wagas eh," inis na sabi ni Beth.

"Hayaan mo na siya Beth. Wala namang mawawala sa atin kung hindi natin papansinin ang mga sinasabi ni Tina," sabi niya.

"Sumosobra na kasi siya eh. Beh, siya din yung narinig kong nagsabi noon sa CR na nagiging super close na daw kayo ni Sir Nathan," sabi nito.

"Beth, kung doon siya masaya, ang pag-usapan ako at si Sir Nathan, wala na tayong magagawa. Basta, hayaan nalang natin siya."

"Alam mo, naiinggit lang ang babaeng yun eh kaya ka ginagawan ng issue. Kabago-bago niya sa office kung makaasta siya parang senior na. Hindi naman siya magaling. Hindi ba niya alam na kaya ka nabibigyan ng projects ay dahil you're on top of your game?", sabi pa din ni Beth.

Hindi na sumagot si Regina.

"Basta Reg, sabihan mo lang ako pag ginugulo ka ng babaeng yun. Sasabunutan ko siya para sayo," sabi ni Beth.

Ngumiti si Regina sa kaibigan. Naisip niya na sana lang ay deserving siya sa tiwala na binibigay sa kanya ng kaibigan niya.

Regina's Text Conversation with Nathan

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin