Chapter 21

565 18 1
                                    

Will edit this later

Conversation with Nathan
- Good morning, Regina!
- Did you sleep well last night?
- See you at the office. :)
- Reg, nakauwi ka na?
- Are you avoiding me?
- When you saw me at the office kanina, you immediately turned away. Actually, I was going to ask you sana if you left your phone at home because you never answered my texts all day but it was too obvious na iniwasan mo ako so di ko na tinuloy.
- Is this about what you said last night?
- Please answer me, Reg.
- Yes. And sorry kung iniwasan kita. Nahiya kasi ako sa mga sinabi ko kagabi. Di ko alam kung ano sasabihin sayo pag nakaharap na kita.
- Bakit ka nahihiya? Sinabi mo lang ang nararamdaman mo. There's nothing wrong about it.
- Are you going to continue avoiding me? Or disregard my texts?
- Yes.
- Why?
- Dahil naguguluhan ako. Basta.
- Tinetext ka ba ni Megan or ni Liz or ni Caitlin?
- Yes. Bakit?
- Nagrereply ka?
- Oo naman. Bakit ba?
- See. We're friends, right? Why can't we have phone/text conversation when you can have it with your other friends?
- Ang kulit mo talaga. Babae sila, lalaki ka.
- So?
- Wala ka bang kaibigan na lalaki?
- Meron. And I see where you're going with that. Nakikipagtext ako sa mga kaibigan kong lalaki pero iba yun.
- Anong iba dun? I'm a guy, and I'm your friend.
- Basta. Ang kulit mo na, Nathan.
- I just don't want to lose you.
- As a friend, I mean.
- Iba sila kasi hindi naman sila pinagseselosan ng boyfriend ko. Hindi naman nila ginugulo ang utak ko.
- Sorry if I'm confusing you. Wala akong intensyon naguluhin kayo ng boyfriend mo. I just really want to be your friend.
- So please don't avoid me, Reg. We work in the same office. We work with the same project. That would put us in a very awkward position if you continue to avoid me.
- I'll try to refrain from texting you too much para hindi ka maguluhan.
- But please, stop avoiding me.
- Sorry, Nathan. Okay sige, hindi na kita iiwasan. Pero wag mo i-bbring up yung sinabi ko sayo kagabi ah. Kalimutan mo na lang na sinabi ko yun, okay?
- Okay. 

Conversation with Josh
- Bi, ok ka lang ba?
- Oo naman bi.
- Parang wala ka kasi sa mood nung kausap kita sa phone.
- Ok lang ako, bi. May mga iniisip lang kasi akong trabaho kaya ganun.
- Ah okay.
- Si tita nga pala, kumusta?
- Malungkot pa din. Iyak siya nang iyak nung nilibing si lolo.
- Ayoko munang iwanan agad siya dito, Bi. Babalik na sana ako dyan next week pero ayoko talagang iwan si mama. Buti nalang mabait ang taga Belleza. Sinabi nila na pwede pa akong mag-extend ng another week dito bago ako magsimulang magtrabaho sa kanila.
- Talaga? Buti naman pinayagan ka, Bi.
- Pero namimiss na kita, Bi.
- Miss na din kita.
- Magbakasyon ka kaya dito?
- Naku, eh sinisimulan na kasing gawin yung ginawa kong proposal kaya kailangan nila ako dito, Bi. Gusto din sana kitang puntahan dyan pero hindi talaga pwede eh. Sorry, Bi.
- Ok lang. Naiintindihan ko.
- Wag kang masyadong magpakapagod dyan ah.
- I miss you, Bi. I love you.
- I love you, too.

Conversation with Megan
- Bes, san ka?
- Sa office syempre.
- May gagawin ka ba mamaya?
- Wala naman. Bakit?
- Malapit na off mo diba?
- Oo. Bakit ba?
- Antayin mo kami jan ah. Daanan ka namin ni Liz. Labas tayo.
- Wow. Napakaspontaneous naman.
- Eh yung mga ganung lakad ang natutuloy eh. Hehe. Antayin mo kami ah.
- Ok, sige.

REGINA

Pumunta sila nina Megan at Liz sa isang cafe na madalas nilang pinupuntahan noon. Marami silang kwento para sa isa't isa lalo na ang madaldal na si Liz.

"Hay naku, kailangan ko nang mauna, mga beh," biglang sabi ni Liz nang ibaba niya ang kanyang cellphone. Mayroon kasing tumawag sa kanya at mukhang ito ang nagbigay kay Liz ng rason para mauna nang umalis.

"Agad? Bakit? Sino ba yung kausap mo?", tanong ni Megan.

"Sino pa eh di yung atribidang kong boss. May in-email daw sa akin at may pinapagawa siya sa akin. Nakakainis nga eh. Daig ko pa ang nag-overtime sa office," paliwanag nito. "O sya, sige na, mauna na ako. Wag niyo akong i-babackstab ah."

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin