Chapter 24

1.5K 72 23
                                    

REGINA

Nagmamadali si Regina sa pagligpit ng mga gamit. Buti na lamang at malapit nang mag 5 pm at pinayagan siya ni Maam Mariz na umuwi ng maaga para makapunta siya sa ospital.

Pumasok na siya sa elevator nang biglang dumating si Nathan. Tila nagmamadali din ito.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago pumasok ng elevator si Nathan.

"Hi," bati nito.

Ngumiti naman si Regina.

"Kent texted me about Caitlin. Doon ka ba papunta?"

"Oo," sagot niya.

Hindi na sila nag-usap sa buong duration ng elevator ride.

Pagdating nila sa ground floor at pagkalabas ng elevator, agad na nagpaalam si Regina kay Beth at sinabing mauuna na siyang umalis dahil nga manganganak na ang kaibigan niya. Tinaasan siya ng kilay ni Beth nang mapansin nito na sabay sila ni Nathan.

Sabay hanggang sa labas ng building si Nathan at Regina.

"Where are you going?", tanong sa kanya ni Nathan nang makita nito na patungo si Regina sa direksyon papunta sa sakayan ng taxi.

"Sasakay ng taxi," sagot niya. Umiiwas siya sa tingin ni Nathan.

Bumuntong hininga si Nathan. "Seriously? Sumabay ka na sa akin."

"Hindi na. Magtataxi na lang ako", sabi niya, sabay lakad papunta sa sakayan.

Biglang siyang hinawakan sa kamay ni Nathan at hinila siya papunta sa kotse nito.

"Nathan, ano ba!"

Tiningnan siya ni Nathan. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkainis.

"Can we forget about us for a moment? Pwede bang hindi muna ako si Nathan at ikaw si Regina? Pwede bang kaibigan lang muna tayo nina Caitlin at Kent?", sabi nito.

Nang hindi sumagot si Regina, hinila na siya nito nang tuluyan papunta sa kotse nito.

Tahimik lang sila sa biyahe at pilit na nag-focus si Regina sa thought and excitement na manganganak na si Caitlin. Ngunit mahirap mag-focus dahil ramdam na ramdam pa rin niya ang pakiramdam ng mga kamay ni Nathan nang hawakan siya nito.

Ramdam din niya na lagi siyang sinusulyapan ni Nathan, ngunit hindi niya ito tiningnan. Hindi rin naman nagsalita si Nathan.

Pagdating nila sa ospital ay agad nilang hinanap ang Delivery Room. Hindi rin naman sila nahirapang hanapin yun dahil agad nilang nakita ang mga kaibigan nila sa labas nito. Nandoon ang mga kaibigan ni Kent na sina Alvin at Migs, kasama sina Megan at Liz. Nagulat si Regina sa isa pa nilang kasama -- si Joshua.

Nakita sila ng mga kaibigan at agad na lumapit sa kanila, sabay balita sa kanila na ipinasok na sa delivery room si Caitlin pero hindi pa nanganganak. Pero si Regina ay nakatitig sa tanging tao na hindi natuwa nang makita sila ni Nathan.

Si Nathan naman ay hindi din nagsasalita. Hindi man nakikita ni Regina ang mukha nito, alam niya na nararamdaman din nito ang tensyon.

Humakbang si Regina palapit kay Joshua pero biglang nagsalita ang boyfriend niya.

"Megan, pakisabi na lang pala kay Caitlin na congratulations. Kailangan ko nang umalis," sabi nito. Pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa exit. Dinaanan lang nito si Regina pero hindi siya nito kinausap o tiningnan.

Tila doon lamang naramdaman ng ibang mga kasama nila ang tensyon.

Nang medyo makalayo na si Joshua ay sinundan ito ni Regina. Tinatawag niya ito pero hindi nagsasalita.

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin