Chapter 27

3.8K 133 72
                                    

REGINA

Isang buwan na ang nakalipas mula nang umalis si Nathan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung babalik pa ba ito o hindi na.

Halos gabi-gabing umiiyak si Regina. Ayaw man niyang ipahalata sa mga taong nasa paligid niya ang dalamhati niya, hindi siya nagtagumpay sa pagtatago nito. Lagi siyang tinatanong ng Mama niya kung ano ang problema niya ngunit hindi siya nagbibigay ng totoong sagot at sinasabi na lamang niya na marami kasi siyang iniisip sa work.

Si Megan naman ay lagi siyang inaayang lumabas pero hindi siya sumasama dahil wala siya palagi sa mood. Isa pang rason ay dahil alam niya na kukulitin lang siya ni Megan tungkol kay Nathan, ang topic na iniiwasan niyang pag-usapan nitong nakaraang buwan.

Si Joshua lamang ang sa tingin niya ang hindi nakakahalata sa nararamdaman niya. Marahil dahil nagbubulag-bulagan ito o marahil dahil masaya ito sa pagkawala ni Nathan sa buhay nila.

Mas naging extra sweet pa si Joshua kumpara dati. Lagi siyang sinusundo nito ay lagi silang lumalabas para mag-date. Si Regina naman ay sinusubukang panindigan ang choice na ginawa niya kaya pinipilit niyang maging masaya kapag kasama si Joshua.

Regina's Text Conversation with Megan

Megan: Bes? Kumusta? Kailan ka magpapakita sa akin? 😑
Regina: Sorry, Bes. Busy lang ako.
M: Busy or umiiwas? Kilala kita, Bes. Alam ko kung bakit ayaw mong makipagkita sa amin nina Caitlin at Liz. Siguro natatakot ka na baka kulitin ka namin about Nathan.
M: See? Hindi ka nagreply. And I assume that's a yes.
R: Sorry. Ayaw ko lang talagang pag-usapan si Nathan.
M: Eh hindi naman siya ang reason kung bakit tayo magkikita eh. Hindi ba pwedeng na-miss ka lang talaga namin? And malapit na ang binyag ni baby Sophia, BTW.
R: Kelan?
M: Next week na.
R: Okay.
M: So, kumusta ka na ba?
R: Okay lang ako, Bes.
M: Eh bakit ako tinext ni Beth na lagi raw namumugto yang nga mata mo kapag pumapasok ka sa office? Nag-aalala na raw siya sayo.
R: Si Beth? Magkatext kayo?
M: No. But she texted me anyway. We exchanged numbers way before noong pumunta ako jan sa office niyo ang nagkachikahan kami.
M: Sa sobrang pag-aalala niya sayo ay tinext na niya ako kahit hindi naman talaga kami magkaibigan.
R: I'm fine.
M: Really??
R: Oo nga.
M: May narinig ka na ba about kay Nathan?
R: Akala ko ba hindi mo ako kukulitin about him?
M: Regina Montez, wala akong choice kundi kulitin ka. Dahil alam ko na he is the reason kung bakit ka bagkakaganyan.
M: See? Hindi ka na naman nagreply.
M: I asked Kent, btw. Wala raw siyang balita kay Nathan. Hindi raw nagpaalam si Nathan sa kanya nung umalis ito.
M: Hindi ito one-sided conversation lang ah. Pwede kang magreply sa akin. 😑
R: Nagpaalam sa akin si Nathan bago siya umalis.
M: Talaga? Bakit ba siya umalis?
R: Ang sabi niya ay para raw sa Avena. Bumalik siya sa New Jersey.
M: Nandun yung gf niya diba?
R: Yes.
M: So ano ang nangyari?
R: He told me he loves me before he left.
M: Really??? And? Ano sabi mo?
M: Alam mo, dapat talaga nagkita tayo eh. Ang hirap maglabas ng emotion sa text.
R: This is better for me. Ayokong ikwento ito ng personal.
M: So ano nga ang sabi mo, Bes?
R: Wala.
M: Wala?
M: But wait, why did he left kung mahal ka pala niya? Bakit siya bumalik sa GF niya?
R: I chose Joshua.
M: 😵
M: Okay, I get why you chose Joshua. But really, WHY? Sigurado ka ba na hindi mo mahal si Nathan?
R: Kahit sabihin kong mahal ko siya, wala na rin naman siya dito.
M: So mahal mo nga?
R: It doesn't matter.
M: It does.
R: Its the wrong kind of love, anyway.
M: WHAT? May mali bang love?
R: Yes, kung may masasaktan kayong iba.
M: Alam mo, pag mga ganitong line of thinking, I know that it would be useless to argue with you. But I just want to say this, SERIOUSLY REGINA??? Mahal mo siya pero pinakawalan mo siya?
R: May girlfriend siya at may boyfriend ako. Basta, you wouldn't understand.
M: Alam mo, gets ko naman eh. Ako pa nga ang nagsasabi sayo dati na layuan siya dahil sa situation niyong dalawa. But when I realized na you had feelings for him, sabi ko sa sarili ko, kahit sino ang piliin mo sa kanilang dalawa, okay lang basta masaya ka.
M: Eh masaya ka ba?
R: Bes, kasi kahit naman pinili ko si Nathan, I don't think I can ever trust someone who cheated on his girlfriend even if its because of me. Because I would always doubt and think, what if gawin din niya sa akin yun?
R: And hindi ko rin alam kung kaya ko pang pagkatiwalaan ang sarili ko na magmahal ng buo when nagawa kong ipagpalit si Joshua for somebody else.
M: Haaayy. 😔 I do understand you, Reg. And I can't actually think of something to counter that because it actually makes sense.
M: Basta, Bes, wish ko lang talaga maging masaya ka na talaga balang araw.
R: Thank you, Bes.
M: But, one more question, Bes. Will you stay with Joshua? Mahal mo pa ba siya?
R: I do. Pero hindi kagaya ng pagmamahal ko sa kanya dati.
M: So hindi mo siya hihiwalayan?
R: I don't know. 😔

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin