REGINA
"Anak, buksan mo naman tong pinto. Usap tayo, Nak," pakiusap ng Mama niya na kanina pa kumakatok sa pintuan.
Ngunit, hindi pa rin ito pinagbuksan ng pinto ni Regina. Wala muna siyang gustong kausapin nang mga panahong iyon dahil gulong-gulo siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Hindi niya alam kung tama ba ang mga naging desisyon niya.
Kanina pa rin nag-ri-ring ang telepono niya ngunit hindi niya rin ito sinagot o binasa ang mga mensahe.
Di kalaunan ay tumigil na ang Mama niya sa pagkatok sa pinto niya at tila nagpasya na itong hayaan na muna siya.
Kinabukasan, nagising si Regina na may matinding sakit ng ulo. Idinulot yata ito ng magdamag niyang pag-iyak. Nang tingnan din niya ang salamin ay nakita niyang mugtong-mugto ang kanyang mga mata.
Kumatok ulit ang Mama niya sa pinto niya. Sa pagkakataong ito, pinagbuksan na ito ni Regina.
"Anak, dinalhan kita ng breakfast mo", sabi ng Mama niya.
"Hindi po ako gutom," aniya.
"Anak," umupo ang Mama niya sa tabi niya sa kama, "ano ba talaga ang nangyari? Nag-away ba kayo?"
Hindi siya sumagot.
"Nagpunta dito kagabi si Joshua at lasing na lasing. Gusto ka raw niyang kausapin. Hindi na kita tinawag kasi ayaw ko naman na mag-usap kayo na ganoon ang kalagayan niya."
Hindi pa rin siya nagsalita.
"Anak, ayusin niyo muna ito. Mag-usap kayo nang sa gayon ay maliwanagan kayong dalawa at nang mapag-usapan niyo kung ano man ang dahilan ng away niyo."
"Break na po kami," biglang sabi niya.
Ang Mama naman niya ang hindi makapagsalita.
"Nagpropose siya kagabi, Ma, pero I said no. Akala ko kaya kong ibalik ang pagmamahal ko sa kanya gaya ng dati, pero hindi. Hindi na ganoong klase ng pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya.
"Dati, naiimagine ko pa ang sarili ko na kasama siya habang buhay. Siya lang ang lalaki na naiimagine ko na mag-aantay sa akin sa altar. Pero nawala ang lahat ng iyon.
"Bigla kong narealize na mali pala ako na pinilit ang sarili ko na mahalin siya ulit. Narealize ko na ang sama ko dahil pinaasa ko siya na maaayos pa ang relasyon naming dalawa. Naging unfair ako sa kanya, Ma. Ang sama ko sa kanya," humahagulgol na siyang muli.
Niyakap siya ng kanyang Mama. "Anak, tahan na. Hindi mo naman sinasadyang saktan siya eh. Tahan na, Anak."
Ngunit hindi na mapatahan si Regina. Iyak na siya ulit nang iyak habang yakap-yakap ng Mama niya.
Regina's Text Conversation with Megan
Megan: Bes, ok ka lang ba?
M: Bes, bat hindi mo sinasagot ang tawag ko? Please sagutin mo. Nag-aalala na ako.
M: Bes, tinawagan ako ni Tita. Sinabi niya sa akin na iyak ka raw ng iyak. Ano ba ang nangyari?
M: Bes??? Hoiiiii! Ano bang nangyayari???
M: Bes, nakausap ko si Joshua. Sinabi na niya sa akin ang nangyari. Wasted na wasted siya nung nakausap ko siya kaya hindi malinaw lahat. Ok ka lang ba?REGINA
"Anak, may mga bisita ka," sabi ng Mama niya pagkatapos kumatok. "Papasukin ko na sila ah", dagdag pa nito nang hindi siya sumagot.
Pagkatapos ay pumasok na ng kwarto niya ang mga kaibigan niyang sina Megan, Liz at Caitlin. Niyakap nila agad si Regina at hindi naman niya napigilan na umiyak muli.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...