Will edit this later.
Regina
Naging busy sina Regina and Nathan sa paggawa ng presentation. Lagi siyang nasa office ni Nathan dahil tinutulungan siya nito, at dahil si Nathan din kasi ang main na magppresent sa Board of Directors ng Avena.
Dahil sa napapadalas ang pananatili niya sa office ni Nathan, hindi maiwasan ang maissue sila.
Conversation with Beth
- Beh, may narinig ako tungkol sayo.
- Ha? Ano yun?
- Close na close daw kayo ni Sir Nathan ah.
- Sino may sabi niyan?
- Pinag-uusapsn ka nina Tina at Marie kanina sa CR. Narinig ko lang.
- Hayaan mo sila.
- Lagi ka daw nakatambay sa office ni Sir. At lagi daw kayong nagtatawanan. Para daw may something.
- Anong tambay? Hindi naman ako basta lang na nakatambay doon. Gumagawa kami ng presentation para sa Ysabelle.
- At hindi kami nagtatawanan lang. Nagtatatrabaho kami. And walang something, okay?
- Okay okay! Sinabi ko lang sayo ang narinig ko. Wag ka na magalit.
- Hindi ako galit, Beth. Nakakainis lang na binibigyan ng kulay ang mga bagay bagay.
- Beh, hayaan mo na sila nina Tina at Marie. Wala ata silang ginagawang trabaho kaya puro chismisan lang ang inatupag.
- Anyway, gusto lang talagang sabihin sayo dahil ayoko naman na hindi mo alam na pinag-uusapan ka na pala nila behind your back. Para lang aware ka, ganun.
- Thank you, beth. Hayaan nalang natin sila kung doon sila masaya.
- Dahil, close naman kayo ni Sir Nathan, sabihan mo nalang siya na dagdagan ng trabaho sina Tina at Marie para hindi ka na nila mapagchismisan. Haha. Joke lang beh!
- Haha!Regina
Nakaupo siya sa cubicle niya at nakasandal. Hindi siya makaconcentrate sa ginagawa niya dahil medyo naapektuhan siya sa sinabi ni Beth sa kanya.
Binuksan nalang niya ang kanyang drawer para kunin ang cellphone niya.
Nakita niya ang planner na bigay sa kanya ni Joshua. Napangiti siya.
Okay na sila ni Joshua. Nag-usap na sila kahapon nang lumabas sila para mag dinner. Although pakiramdam niya ay may konting galit pa rin si Joshua sa mga nangyari, naappreciate naman niya na sinusubukan ng kasintahan niya na kalimutan ang mga nangyari.
Nagbrowse siya sa planner. Wala itong masyadong laman dahil hindi naman siya laging nagsusulat dito. Hanggang sa makarating siya sa present week. At nakita niya ang nakaschedule sa friday.
(Picture of planner with joshua's graduation)
Shoot! Nakalimutan niya ang graduation ni Joshua sa friday. Sinulat niya ito sa planner 3 weeks ago pa. At naalala niya ngayon na nabanggit nga pala iyon ulit ni Joshua sa kanya.
Bakit niya makakalimutan yun?
Naiinis siya sa sarili niya. Supposedly ay magfi-file siya ng leave para sa graduation ni Joshua. Pero imposible na yun ngayon dahil sa friday afternoon din nakaschedule ang presentation nila ni Nathan.
Conversation with joshua
- Bi?
- Hi bi!
- Bi, may sasabihin ako. Pero please wag kang magalit.
- Kinakabahan na ako sa mga ganyan mo Bi.
- Sorry, Bi, pero hindi ako makakapunta sa graduation mo bukas. May presentation kasi kami para sa bagong book cafe na itatayo ng Avena.
- Ha? Eh di ba ang tagal ko nang sinabi sayo yung date? Akala ko nag-leave ka na para dun?
- Sorry talaga bi. Kasi hindi talaga ako pwedeng mag leave.
- Babawi ako, promise.
- Akala ko pa naman andun ka. Darating kasi si Mama, Reg. May konting salo-salo siyang hinanda.
- Sorry talaga, Bi.
- Susunod nalang ako. Pag natapos na kami, pupunta ako sa salo-salo.
- Wag ka nalang mangako, Reg. Baka umasa pa ako tapos di ka din naman makapunta.
- Sino kasama mo sa presentation? Si nathan ba?
- Oo, bi.
- Sabi ko na nga ba.
- Bi, walang kinalaman si Nathan dito. Wag naman nating idamay yung tao.
- Ok, sabi mo eh.
- Akala ko ba okay na tayo tungkol kay Nathan?
- Akala ko din eh.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...