Chapter 37

612 44 13
                                    


Tahimik si Regina sa buong biyahe nila pabalik sa mansion. Tila naintindihan naman ni Nathan ang katahihimikan ng dalaga kaya hindi na din nito kinausap muna si Regina hanggang sa makarating sila sa mansion.

Bago mabuksan ni Regina ang pinto niya palabas ng kotse ay hinawakan ni Nathan ang kamay niya. "Are you okay?"

Tumingin si Regina kay Nathan. Binigyan niya ito ng malungkot na ngiti saka siya umiling.

"It's going to be fine," pag comfort sa kanya ni Nathan sabay ang pagdiin ng mga hawaak nito sa kamay ni Regina.

"Nakakalungkot lang. After all ng pagpaparamdam ni Ysabelle para maparating kay simon ang nararamdaman niya, si Simon din pala ang aayaw," malungkot na sabi ni Regina. "Pakiramdam ko kasi nabigo ko si Ysablle."

"No," madiin na sabi ni Nathan. "Don't say that. You did everything you could. I think Ysabelle is very grateful towards you. Wala man siya dito para magpasalamat, alam ko na gusto niyang magpasalamat sayo. Now its up to Simon. It's his choice. And if he chooses to let go of Ysabelle's memories, then we can't do anything about it."

"Alam ko naman yun. And somehow, naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ni Simon. It's just that maybe masyado akong nag expect sa pagmamahalan nila kaya inakala ko na kahit wala na si Ysabelle, hindi pa rin papakawalan ni simon ang mga alaala nilang dalawa." Pinunasan ni Regina ang mga luha niya. "Ano ba yan, masyado na talaga akong nagiging emosyonal these days."

Nginitian siya ni Nathan at pinunasan nito ang nalalabing luha sa pisngi ni Regina. "That's one of the million reasons why I love you," sabay halik sa noo at yakap kay Regina.

Malungkot man si Regina para kay Ysabelle, di naman niya pinigilan ang sarili niya para maramdaman ang kaligayahan sa piling ni Nathan. Sa loob-loob niya, kahit pakiramdam niya ay nabigo niya si Ysabelle, tila tinulungan pa rin siya ng yumaong dalaga para makasama niya ang taong minamahal niya. Si Ysabelle ang naging daan para makapiling niyang muli si Nathan.

Naging abala nag dalawa sa pamamasyal sa Naga City. Ipinasyal siya ni Nathan sa mga magagandang tanawin sa Naga. Nagpunta sila sa mga hot springs, falls, museums, at sa mga makasaysayang simbahan. Masaya man, hindi pa rin mawala sa isip ni Regina si Ysabelle at Simon.

Regina's text conversation with Nathan:

Regina's text conversation with Nathan:

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Nagulat si Regina nang hindi na nagreply si Nathan sa text niyo

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Nagulat si Regina nang hindi na nagreply si Nathan sa text niyo. Hindi ba siya seryoso?, tila pag-aalala niyang tanong sa sarili.

Ilang minuto pa, may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.

Nang pagbuksan niya ito, nagulat siya nang makita si Nathan na may daladalang 3 red roses. "Hi, Love".

"San mo nakuha yan?", natatawa ngunit kinikilig na tanong niya.

"Sa garden ni Yaya Pacita. I would have given you a bouquet but I don't think may open pang shop sa bayan ngayon", nakangiting sagot ni Nathan.

Tiningnan ni Regina ang relo niya. 12:01 am na.

"I know its an ungodly hour and I know you wanted to sleep, but I just couldn't let this moment pass by without doing something. I know you're not the kind of girl who wanted a courtship thru text messages. I want us to feel this moment and remember this forever."

"Nathan... yung sinabi ko sa text..."

Nag-iba ang facial expression ni Nathan. "Are you regretting what you said?", malungkot niyang tanong.

Nakangiting hinawakan ni Regina ang kamay ni Nathan na hawak-hawak pa ang mga rosas. "I meant every word I said," pag-assure niya sa binata. "I lo.."

"Wait..."

"Bakit?"

Biglang lumuhod sa harap niya siya Nathan. "Ms. Regina Montez, will you allow me to love you and be with you always? Will you be my girlfriend."

Nakangiti ngunit naluluha si Regina sa ginawa ng binata. Ramdam na ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib na tila gusting kumawala ng puso niya sa kinalalagyan nito na tila umaapaw ang pagmamahal para sa lalaking nakaluhod sa harap niya. "Yes," tugon niya.

Tumayo si Nathan at niyakap ng mahigpit ang dalaga na ngayon ay nobya na niya. Parehas silang nakangiti at naluluha habang yakap yakap ang isa't isa. Nang bumitaw sila sa pagkakayakap, hinawakan ng magkabilang kamay ni Regina ang mga pisngi ni Nathan. Hawak-hawak naman ni Nathan ang baywang ng dalaga.

"Ngayon, pwede ko na bang sabihin sayo?", nakangiting tanong ni Regina.

Tumango si Nathan.

"I love you Nathan. And gusto kong malaman mo na I fell in love with you the first time we met."

Hinalikan ni Nathan sa labi ang bago niyang kasintahan.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello loves! Short update muna for now ha. Will try my best to post another update within the week. 

Thank you to those who patiently waited for the update! :)

-Maj G.


Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Nov 19, 2019 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin