Chapter 1: Bitter Day ~

106 6 0
                                    


SCARLETT.

"Tsk! Yang couple shirt na yan. Pagsasawaan din nila yan at gagawing basahan." sabi ko ng makita kong may dumaan na couple dito sa tambayan namin. Well, may bago pa ba? Ofcourse it's Valentine's kaya magkasama lalo ngayon ang magjowa.

"Ang bitter mo, Scar!" Raine said and just rolled her eyes. Raine Kim, isa sa mga bestfriend ko na kasama ko din ngayon dito sa tambayan.

"Totoo naman kasi e. Tapos yan." turo ko naman sa lalaking may dalang bulaklak at binigay ito sa babae, jowa niya siguro.  "Yang mga bulaklak na yan. Malalanta din yan." dagdag ko pa. Ano siya patay para alayan ng bulaklak? Sana nagdala na din siya ng kandila!

"At isa pa yang mga balloons na yan. Puputok din naman yan at mawawalan ng hangin." sabi ko pa ng may nagbigay na naman ng mga balloons. Bitter ko na ba? Tss. Pake ko! Totoo naman kasi lahat ng sinasabi ko.

"At yang pagkalaki laking teddy bear na yan. Masisira at masisira din yan." dagdag ko pa ng makakita ako ng malaking teddy bear na binigay nung lalaki sa isang girl. Oh edi sila na masaya, ako na bitter!! Magbebreak din kayo, uy!

Nagulat naman ako ng batukan ako ni Sharlene. Sharlene Pangilinan, isa din sa mga bestfriend ko.

"Aray. Para saan naman yun?" asar kong tanong sa kanya. I pouted. Ang sakit kaya!

"Para sa sobrang pagkabitter mo. Sobra na uy." sabi pa niya. I just rolled my eyes. Whatever!

"Seryoso? Bestfriend ko ba talaga kayo ni Raine ha?" tanong ko sa kanila. Tinawanan lang naman nila ako.

"Oo naman kaya ka nga namin ginigising sa katotohanan e." sagot naman ni Raine habang busy sa phone nya. Nagtitwitter kasi e. Oh well, wala namang bago diyan. Laging tambay sa mga socmed niya kahit nagkaklase.

"Oh kumain ka nalang ng tumaba ka naman." sabi ni Sharlene sabay abot ng Carbonara and Chicken.

"Nahiya naman ako sayo. Ang taba mo e." I said it in a sarcastic tone. Eh payat lang din naman siya tulad ko. Not literally payat naman. Sexy is the right term I guess?

"Omaygash!!" nagulat kami ni Shar ng biglang sumigaw si Raine. Koreanang to! Ang ingay!

"Oy koreana? Napano ka?" tanong ko sa kanya. Baka mamaya napano na eh!

"Read this girls." excited nyang sabi at pinabasa nya sa amin yung nasa cellphone nya.

"@itsadrianlee see you tomorrow in our new school, Hayward University." pagbabasa naming dalawa ni Shar.

"Oh tapos?" tanong ko kay Raine. Sino ba kasi yun? Sobrang halaga ba ng tao na ito para ipagkalat pa kung saan siya mag-aaral?

"Anong tapos?!" sabi niya ta inirapan pa ako. Tignan mo 'to! Nagtatanong lang naman ko, iiripan pa ko.

"Duhh!! Dito na mag-aaral sa Hayward ang ACES. Im really excited." dagdag pa ni Raine at tuwang tuwa siya. Edi siya na masaya?

"Tss. Akala ko naman kung ano na. Sana yung BTS nalang yung mag-aral dito." sabi naman ni Shar. Isa pa ito! Sino ba mga pinagsasabi ng mga 'to? Eh ni isa wala akong kakilala. Tao naman siguro mga yun no?

"Psh. Kaya di umaasenso Pilipinas e. Lagi nalang KPOP iniisip mo." iritadong sabi ni Raine at nagcrossed arms pa.

"Wow. Nahiya naman ako sayo. Parang di ka koreana dyan e. Paalala lang ha. Half korean ka po." pag papaalala ni Shar sa kanya.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon