Chapter 8: Back to normal ~

31 0 0
                                    

Yeri Cheon on multimedia :)

Sheena's Point of View.

Its been one week na din since nung magkita kami ni Brace. After kasi nung nagpunta kami sa Enchanted Kingdom naging super busy na siya. Ang dami kasi nilang ginagawa. Like rehearsals, tapings and photoshoot. Ang hirap pala pag artista ka.



Miss ko na tuloy si Brace. Kailan kaya kami magiging masaya ng walang pinoproblemang iba? Hays. Pero ang tanong, ano na nga kami? Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko din alam.



Papunta na ako ngayon sa room namin and to tell you honestly, wala akong ganang pumasok kasi for sure wala naman dun si Brace.



Pagdating ko naman dun sa room yung mga classmate ko halos nandun sa may bulletin board.



"Hey. Dems anong meron?" tanong ko dun sa isa kong kaclassmate.



"Ahh. Yung mga Team para sa School fest pinost na ni Sir sa may bulletin." sagot naman ni Dems. Oo nga pala next week na yung school fest namin.



"Ah osige. Thanks." sabi ko naman at tumuloy na ako dun sa seat ko. Wala kasi akong ganang tignan kung saang team ako nabibilang. Nagearphones nalang ako para naman hindi ako mainip. Wala kasi yung mga teachers sa morning may meeting daw.



Nang magbreak time naman ay kasabay kong kumain sina Raine and Shar sa cafeteria.



"Oy Shee. Kwento ka naman about sa inyo ni Brace." sabi ni Raine.



"Hindi pa nga kami nagkikita since pumunta kami last week sa Enchanted Kingdom." sabi ko naman.



"WHAT?! PUMUNTA KAYO SA EK NG KAYO LANG?!" sabay nilang tanong. Okay? Dapat ba talaga sabay pa sila? Tss.



"Oo. Friendly date lang yun." depensa ko naman sa kanila.



"Ayiiie. Lumalovelife na ang lola nyo." pang-aasar naman ni Shar.



"Shut up. Baka may makarinig." sabi ko naman.



"Hay naku girl. Kalat na sa campus na gusto nyo ni Brace ang isa't-isa." sabi naman ni Raine. Sabagay tama siya, dami ko ngang naging haters ng dahil dun e. Pero keri lang. Wala na akong pakialam.



"Uy. Raine kayo ni Joaquin? Kamusta naman?" tanong ko kay Raine. Sa pagkakaalam ko kasi mas naging close na din sila ngayon.



"Were doing good naman." sagot naman ni Raine.



"Para namang may kayo no?!" pang-aasar naman ni Shar sa kanya.



"Malapit na. Wag kang bitter dyan. Palibhasa yung mahal mo hindi ka mahal." sabi naman ni Raine.



"Uy Shar. Sino yung mahal mo?" tanong ko kay Shar. Hindi na kasi ako updated sa kanila since last week kasi hindi ko sila nakakasama. Si Brace halos kasi kasama ko nun kapag pumapasok siya. Okay lang naman yun sa kanila kaya sumasama ako kay Brace.



"Sino pa ba. Edi si Donny." sagot naman ni Raine.



"Seriously Raine? Kailan kapa naging ako?" sarcasm na sabi naman ni Shar kay Raine.



"Pero seriously Shar? Sa kanya nga?" tanong ko naman. Eh sa pagkakaalam ko kais hate na hate ni Shar yun e. So how come na si Donny nagustuhan niya?


"Yeah. Wala ganun talaga ang love e. Parang ulan. Bigla bigla nalang bumubuhos, ang nakakalungkot lang kung kailan kana nag-eenjoy. Dun naman biglang titila at mawawala." hugot na sabi ni Shar.


"Whoooaa! #HUGOTPAMORE!!" sabi ko sa kanya.


"Haha. Sakit nun girl. Nang makahanap na ng iba bigla ka nalang iniwan. Pasalvage ko na ba?" sabi naman ni Raine.



"Wag mo na. Hayaan mo na siya. If that what he wants? Fine. Go lang. Hindi mo naman kasi mapipilit ang isang tao sa isang bagay na ayaw niya." sabi pa ni Shar.



"Hala. May hugot queen na tayo." pagbibiro ni Raine. Pero tama naman si Shar e, kailan man hindi mo mapipilit ang isang tao sa ayaw niya.



"Hayy. Tigilan nyo na nga yan. By the way saang team kayo sa school fest?" tanong sa amin ni Shar.


"Ako sa jail booth. Ka team ko nga si Joaquin and John e. Oh diba ang saya." masayang sabi naman ni Raine.



"Buti kapa masaya. Samantalang ako iritang irita dun sa kateam mate ko. Peste kasi yung Donny na yun e. Bakit classmate ko pa. And worst sa dedication booth pa kami. Pairings pa naman dun sa pagdi DJ." iritadong sabi naman ni Shar.



"Okay lang yun. Hayaan mo nalang siya. Ikaw Shee, saang booth ka?" tanong ni Raine sa akin. Saan nga ba ako?


"Hindi ko alam. Hindi ko pa tinignan." walang gana kong sabi.



"Osige. Una na ako. May gagawin pa kami sa next subject e." sabi ni Raine tapos lumabas na siya ng Cafeteria. Kami naman ni Shar inubos lang yung pagkain namin then after nun bumalik na din kami sa mga rooms namin.



Pagkabalik ko sa room wala pa masyado yung mga classmates ko. Nilagay ko muma yung bag ko sa upuan ko tapos pumunta dun sa may bulletin board para tignan kung saang team ako.



And guess what?! OMG.





MARRIAGE BOOTH

Rodriguez, Mary Grace

Simbulan, Maica Ann Joy

Sagum, Micaella

Lulu, Crissa Jenna

Aguas, Nash

Vallespin, Kier

Dimabuyu, Sam

Santos, Sheena Irah


and




























































Arquiza, Brace Henry

-------------------------

Author's Note xx

Hello :) Haha naganahan mag-update kasi may inspiration. Lol. Ang dami kasing scene ni Brace sa Ang Probinsyano. Tas naka batman pa siya. Omg. He's so Handsome.

Hi nga pala dun sa mga friends ko na extra yung mga names for this chapter. Hehe. Sana nagustuhan nyo yung update. Vote and Comment. Keep reading~

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon