Chapter 37: Santos Fam ~

17 2 0
                                    



( Sheena's POV )

"Sino yung lalaking yun?" galit na tanong ni Dad.

"Boyfriend ko po." sagot ko

"WHAT?!! May boyfriend kana and yet hindi namin alam?!!" galit na sabi ni Dad

"Dad, sasabihin ko naman dapat e. Kaso..." naiiyak kong sabi

"Kaso ano?! Ank yung dahilan mo ha!!" sigaw ni Dad sa akin

"Kaso wala naman po kayo parati dito. Hindi ko na nga po alam kung kailan yung last day na nakabonding ko kayo e. Lagi nalang kayong nagtatrabaho. Buti pa nga yung trabaho naaalala nyo lagi e. Eh ako!!" sabi ko nabigla naman ako ng sampalin ako ni Dad.

"Arthur stop this!!" sigaw ni Mom sa kanya

"You shut up Celine!!" sabi naman ni Dad sa kanya. Nilapitan naman ako ni Mom at niyakap.

"Ikaw bata ka!! Anong klase kang anak para pagsabihan kami ng ganyan!! Nagpapakapagod kami para sayo. Tapos ano?! Ito ang igaganti mo?!" sigaw ni Dad sa akin.

"ARTHUR!!" sigaw ni Mom ulit sa kanya

"Kausapin mo yang anak mo." sabi ni Dad at pumunta na sa room niya.

"Mom I'm sorry." umiiyak kong sabi kay Mom habang yakap pa din siya.

"Shhh. Okay lang naman sa akin yun anak e. Nasa wastong edad ka na. At may tiwala ako sayo. Pagpasensyahan mo na ang dad mo. Pagod lang yun." sabi ni mom

"Sorry ulit ma." sabi ko

"Sige na. Magpahinga kana." sabi ni Mom at iniwan niya na ako sa sala. Ako naman pumunta na din sa room ko. Nagulat naman ako nung bumukas yung pinto ng room ko.

"Babygirl are you okay?" tanong ni Ate Sisa. Niyakap ko naman siya.

"Ate bakit ganun? Masama ba talaga akong anak? Sasabihin ko naman talaga sa kanila e. Pero kilangan ba talaga akong saktan ni Dad." umiiyak ko na namang sabi. First time kasi akong sinaktan ni Dad physically.

"Shhh babygirl tahan na. For sure bukas maayos nyo na ito. Intindihin mo nalang Dad mo. For sure pagod lang yun sa work niya." sabi Ate Sisa

"Thank you Ate Sisa. Kasi nandito ka lagi para sa akin." sabi ko

"Anytime babygirl. Sige tulog kana. Goodnight." sabi ni Ate Sisa at lumabas na sa room ko.

Sana nga. Sana nga bukas ayos na ito.

***

"Babygirl gising ka na. May sasabihin daw ang mama mo." panggigising ni Ate Sisa.

"Sige Ate. Sunod na po ako." sabi ko. Tumuloy na ako sa CR at ginawa ang morning rituals. After that bumaba na din ako.

"Goodmorning po." bati ko kina mom and dad at hinalikan ko sila sa pisngi. Pero si Dad hindi pa din ako kinikibo.

"Hmm. Mom sabi ni Ate Sisa may sasabihin daw po kayo?" tanong ko kay Mom.

"Ah oo. I just want you to invite your boyfriend mamayang dinner." sabi ni mom

"Are you insane Celine!!" sabi naman ni Dad sa kanya.

"Arthur!! Para nga makilala natin e." sabi naman ni mom

"Bahala kayong mag-ina." sabi ni Dad at umalis na sa dining.

"Pagpasensyahan mo na talaga dad mo anak. Pero papuntahin mo pa din boyfriend mo ha. Gusto ko siyang makilala." sabi ni mom.

"Sige po. Sasabihin ko sa kanya. Mauna na ako mom." sabi ko at lumabas na ng bahay at sumakay sa kotse. May class kasi ngayon.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon