Chapter 43: Sadness ~

18 1 0
                                    


( Sheena's POV )

It's been a week na din since makalabas ako sa hospital. Okay na yung katawan ko, pero yung puso ko hindi pa rin nakakarecover sa lahat ng sakit.

Bakit ganun? Mahal namin ang isa't-isa pero bakit hindi parin kami pwede?

Siguro nga hindi sapat ang pagmamahal lang para makatuluyan mo ang taong mahal mo. Minsan kailangan mo ding isipin ang mga taong nakapaligid sayo.

At siguro ganun talaga kapag hindi kayo destined sa isa't-isa.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng favorite kong libro ng may kumatok sa pinto ko.

"Pasok." sabi ko at nakita ko si Ate Sisa.

"Bakit Ate?" tanong ko sa kanya

"Hmm. Babygirl may bisita ka." sabi niya

"Diba ate sinabi ko na sayo na ayaw kong tumanggap ng bisita." sabi ko sa kanya at pinagpatuloy na ang pagbabasa. Since makalabas kasi ako sa hospital ayaw ko na muna ding makihalubilo sa iba kahit na close friends ko pa.

"Pero babygirl ayaw kasi talagang umalis e." sabi ni Ate Sisa. Tss. Sino ba yun? Istorbo!!

"Sige Ate papasukin mo nalang dito." sabi ko kay ate. Siya naman lumabas na ng kwarto ko.

Pinagoatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Maya maya naman ay bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Yeri. Tss. Si Yeri lang pala.

"What brings you here?!" cold kong tanong sa kanya

"Sheena we need to talk." sabi niya

"For what? May kailangan pa ba tayong pag-usapan?" tanong ko

"Marami. Sheena please pakinggan mo ako." sabi niya

"Alam mo Yeri tama na. Hindi pa ba sapat sayo yung nasaktan ako ng sobra at naaksidente ng dahil sa pesteng engagement na yun?! Gusto mo na ba talaga akong patayin ha?!" sigaw ko sa kanya

"Sheena hindi lang naman ikaw yung nahihirapan dito e. Ako din naman." sabi niya

"You know what. Hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan ko ang isang tulad mo e. That's the worst decision that I made in life. Ang maging kaibigan ka Yeri." sabi ko

"Ang sakit sakit lang kasi e. Sa lahat ng pwedeng iengage si Brace bakit sayo pa? Bakit sa bestfriend ko pa?" dagdag ko at tuluyan na akong naiyak. Sayang e. Sayang din yung friendship namin.

"Sheena maniwala ka sa akin. Hindi ko ito kagustuhan. Wala kaming kinalaman dito ni Brace. Nang dahil lang ito sa business ng mga papa namin kaya kami na engage." sabi niya at hinawakan ako sa braso. Nagulat naman siya ng tinabig ko ang kamay niya.

"Hindi ko alam kung paano kita paniniwalaan. Baliw na baliw ka kay Brace noon, at baka nga hanggang ngayon e. Kaya hiniling mo sa dad mo na maengage sa kanya. Myghad Yeri!! Ginamit mo pa si Joaquin para lng dito. Manggagamit ka Yeri!! Manggagamit ka!!" sigaw ko sa kanya

"Yan ba talaga ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba kaya kitang saktan?" tanong niya

"Oo naman. Nasaktan mo na nga ako e." sarcasm kong sabi.

"You know what, umalis ka na Yeri!! Wala ng patutunguhan ito." sabi ko sa kanya

"No Sheena. Please." pagmamakaawa niya

"No Yeri!! LEAVE!!" sigaw ko sa kanya

Palabas na siya ng kwarto ko ng muli akong magsalita.

"One more thing, sana ikaw nalang ang na coma at hindi na si Carla.... Makakaalis kana." sabi ko at tuluyan na siyang umalis.

Sadness. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Bakit pa ba kailangang mangyari ito sa amin? Masaya naman kami dati, then all of sudden bigla bigla nalang mangyayari ito?

Sayang din friendship namin ni Yeri e. I treated them like my sisters. Nakakapanghinayang lang na lahat ng yun, napunta sa ganito.

Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin ngayon.

Basta ang alam ko sa ngayon, masyadong masakit ang lahat.







***

"Carla, gising ka na. Ang dami mo ng namiss na mga pangyayari. Ikaw nalang din kasi yung taong alam kong tapat sa akin e. Alam mo bang engage na si Yeri... Kaso kay Brace pa e. Kay Brace na mahal na mahal ko." sabi ko. Nandito kasi ako ngayon sa hospital dinalaw ko si Carla. Wala na kasi talaga akong mapagsabihan ng nararamdaman ko e. At ngayon para naman akong ewan dito na kinakausap ang taong naka comatose.

"Ang sakit lang kasi mahal ko yun e. Pero bakit kinuha pa niya? Diba kung mahal niya ako bilang isang kaibigan, diba dapat hindi niya ginawa yun? Kaso wala e. Mukhang hindi naman din ako importante sa kanya. Kaya please lang Carla, gising ka na. Ang tagal mo na ding tulog. Miss na kita." umiiyak kong sabi.

Nabigla naman ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko sina Nash at Brace. Agad ko namang pinunasan ang luha ko.

"Nandito ka rin pala." sabi ni Nash

"Yah. Dinalaw ko lang ang bestfriend ko. Actually paalis na din naman ako. Sige bye." sabi ko at kinuha ko na yung bag ko sa may side table. Saktong paglabas ko naman ay umiyak na naman ako.

Ang sakit. Sakit. Hindi ko pa rin pala kayang makita si Brace ngayon.

Sa sobrang sakit ng pakiramdam ko umupo muna ako dun sa mga upuan malapit sa room ni Carla. Feel ko kasi anytime parang babagsak na din ang katawan ko.

"Sheena." nagulat naman ako ng tawagin niya ako. Hay. Kailan mo ba ako titigilan?

"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin.

"Sorry Sheena. Sorry." and this time pati siya umiiyak na din.

"Brace naman diba napagusapan na natin ito? Okay lang ako." sabi ko at bumitaw na sa pagkakayakap niya.

"Pero diba hihintayin mo naman ako?" sabi niya

"Kailangan ko ng umalis." ngunit hindi pa man ako nakakaalis hinawakan niya na ako sa braso.

"Hintayin mo ako please." pagmamakaawa niya. Tinignan ko lang naman siya at tuluyan ng umalis.






------------------------

Author's Note xx

So ayun I need to revise yung ibang chapters dahil nawala bigla yung nasa draft. Kaya ang ending na writers block na ako dito. Juicecolored. Hindi ko na gaanong alam plot ng bawat chapter nun. Hays.

Pero para sa mga readers and kay Brace. I will do it. Kaya ko ito. Haha pagcheer ba naman daw sarili ko. Hehe :))

So please sa lahat ng mga readers nito. Vote and comment ;))

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon