Chapter 52: Destined ~

23 2 0
                                    


( Sheena's POV )

Kakatapos ko lang maligo ng magring ang phone ko na nasa side table. Tinignan ko naman yung caller.

Paul Salas calling. . .

Si Beb pala. So sinagot ko yung tawag.

"Hello beb."

[ Hi Beb. Kamusta kana? I miss you. ]

"Namimiss na din kita Beb. Okay lang naman ako. Ikaw kamusta kana dyan?"

[ Ito malungkot kasi wala ka dito. ]

"Don't worry Beb. Saglit lang ako dito. Wala naman sigurong 1 month."

[ Basta uwi ka kaagad ha. ] natawa naman ako sa sinabi niya lalo na sa boses niya. Para siyang bata na namimiss yung nanay. Haha

"Opo Beb."

[ Ano nga palang ginagawa mo nyan? ]

"Ito nag-aayos. Ngayon kasi yung signing ng contract e."

[ Ah ganun ba. Osige I need to go na din. May trabaho pa ako e. Bye. I love you. ]

"I love you too." then I ended the call.

After that nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili ko. Ngayon na kasi yung signing ng contract ko sa Candy Mag.

Pagkatapos kong mag-ayos pumunta na ako sa parking lot at pumunta sa office ng Manager ng Candy Mag. Hindi ko kasama si Manager kasi nandun na siya. Pinauna ko na kasi kanina.

"Good morning Mam." bati nung mga staff sa Candy Mag sa akin ng makadating ako sa dun. Yung iba naman nagpapicture. After naman nilang magpapicture tumuloy na ako sa office ng Manager.

"Goodmorning po." bati ko dun sa manager ko. At ang manager ko nandito na din.

"Goodmorning din Irah. Im so glad dahil pumayag ka sa alok namin." sabi nung manager ng candy mag sa akin.

"Mas natutuwa po ako kasi inalok niyo sa akin yung offer na yun. Besides, gusto ko din po talagang maging model." sabi ko

"Ohh. Well bagay naman talaga sayo ang maging model. sabi nito. I just smiled.

"So ito na ang contract. Basahin mo nalang ang rules. Then pag nabasa mo na pirmahan mo nalang dito sa baba." dagdag niya at inabot sa akin ang envelope. Kinuha ko naman ito at binasa. Wala naman gaanong important rule except dun sa pag nagsign ka na dito, wala ng atrasan. Go naman ako dun kaya naman pinirmahan ko na.

"Thank you Ms. Irah Shey. And welcome to the Candy Mag." sabi nung manager at niyakap ako.

Nagpicture picture muna kami. After that hindi muna ako pinaalis nung manager dahil ipapakilala niya daw ako dun sa magiging pair ko sa photoshoot. Yung manager ko naman umalis na dahil may kailangan pa siyang gawin.



( Brace's POV )

"Oh Brace saan ka pupunta?" tanong ni Mama ng makita akong nakabihis.

"Pinapatawag lang po ako nung manager sa Candy Mag ma. Ipapakilala niya daw yung magiging ka pair ko." sagot ko

"Ahh ganun ba. Osige mag-ingay ka." sabi ni mama

"Sige po. Alis na ako." sabi ko at sumakay na ako sa kotse ko at pumunta dun sa office ng Candy Mag. Kinuha kasi nila akong model dun. Last week nagsign na din ako ng contract. Kaya wala ng atrasan pa ito.

Pagkadating ko dun pinark ko yung kotse ko at pumasok na.

"Goodmorning Mr. Brace." greet sa akin ng mga staff dito. Yung mga iba naman nagpapicture pa.
Pagkatapos naman nun pumunta na ako sa office ni Manager Lee.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon