Chapter 6: Happy Lang ~

33 3 0
                                    


Sheena's Point of View.

Ilang weeks na din ang lumipas magmula ng maging ayos kami ni Brace. Sa ngayon medyo nawala na mga bashers ko sa school ipinaliwanag kasi sa kanila ni Brace na kaibigan niya lang ako, syempre hindi naman lahat naintindihan yun meron pa ding iba na ayaw sa akin kasi malapit nga ako sa idol nila. Pero sa ngayon, wala na akong paki. I can't please everyone naman kasi.



Saturday ngayon. Kaya heto nasa bahay lang ako. Forever Alone as always. Sina Raine at Caela kasi family day nila kaya hindi ko mayayang mag mall. Si Ate Sisa naman nakaleave may sakit kasi yung kapatid nya e. Yung parents ko naman laging wala dito sa bahay. Si Brace naman busy sa career nya. Artista kabigan ko e.


Since wala akong magawa kinuha ko nalang yung laptop ko at inopen ang twitter ko. Yes, inactivate ko na din again ang mga social media accounts ko.


Scroll.

Scroll.

Scroll.

Favorite.

Retweet.

Favorite.

Retweet.


Hays. Pati ba naman sa twitter wala ng bago. Madaming mga nagdm sa akin at nagtatanong tungkol sa amin ni Brace pero hindi ko nalang sila pinansin. Katamad magreply e. Tapos yung mga iba haters lang.


What to do? Im so damn bored!!



*ting* ( bright idea sounds )



Tinignan ko yung twitter ni Brace at inistalk nalang ito. Pagkatingin ko naman sa mga tweet niya may recent tweet palang sya. So it means online siya? Loko to ha. Sabi nya may taping sila. Tss.



Pagkatingin ko naman sa isa nyang tweet may hashtag na #AskBraceA. Ah kaya naman pala. Para pala sa mga fans nya kaya siya online. Binasa ko naman yung mga reply nya sa mga tweet ng mga fans nya sa kanya.



(A/N: Kapag naka italized it means tweet ni Brace. Kapag bold naman it means yun yung mga tweet ng mga fans ni Brace sa kanya. Gets? Hehe)


Why so hot Brace? #AskBraceA

-Cause Im not cold. Haha


Fries or Cake? #AskBraceA

-pancakes :)



Hindi mo ba naririnig? Sinisigaw ng puso ko itong pangalan mo. #AskBraceA

-naka earphones ako.


Pink or purple?

-yellow ako.


Sinong last mong tinext? #AskBraceA

-8888


Seriously? Buti nalang at madami pang fans itong Arquiza na to? Halos ata lahat e pamimilosopo ang mga reply nya. Tsk. Tsk. Pero ang nonsense din kasi ng mga tinatanong ng mga ibang fans niya. Parang tenge leng!



@ItsBraceArquiza Oy! Ayusin mo naman mga sagot mo sa mga fans mo.

Tweet sent!



Maya maya naman ay nakatanggap ako ng notif. Pagkatingin ko galing pala kay Brace.



@ItsSheenaSantos Online ka pala. Hello. And by the way joke lang naman mga yun hehe



If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon