Chapter 12: Best Day of My Life ~

32 2 0
                                    


Brace and Sheena on multimedia.


[ Sheena's POV ]

"Babygirl! Gising kana dyan!" pangungulit ni Ate Sisa. Kanina pa ako ginigising e.

"10 minutes pa Ate. Wala naman pong pasok e." inaantok kong sabi. Pano ba naman napuyat ako kay Brace kagabi. Magkausap ba naman kami sa skype hanggang 1:30 am. Wala miss nya daw ako e. Lol

"May bisita ka kasi babygirl e. Kaya tumayo ka dyan. Dali na." sabi ni Ate Sisa.

"Arrgghh!! Sino ba yun?" asar kong sabi. Inaantok pa kasi talaga ako e -________-

"Tignan mo nalang para surprise." sabi naman ni Ate Sisa tapos lumabas na siya ng room ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang bumaba at tigan kung sino yung bisita ko daw. Baliw ba yun? Ang aga aga namang bumisita.

"Sino ba kasi bisita ko Ate Sisa *yawn*" sabi ko ng makababa ako sa living room namin.

"Ako." I was shocked ng marinig ko yung boses na yun.

"Brace!!" gulat kong sabi. Seriously? Si Brace binisita ako ng ganito kaaga?

"Bakit ang aga mo naman atang bumisita?" tanong ko sa kanya at tinabihan siya sa sofa.

"Diba nga sabi ko sayo miss na kita. Kaya ito. Maaga akong pumunta dito sa inyo." sabi nya naman

"By the way. Nice shirt ha." sabi nya sabay tawa. Napatingin naman ako sa shirt na suot ko. Suot ko pala yung binigay niyang shirt na may nakasulat na Brace ♥ Sheena. Naaalala nyo pa yun? Yung binigay niya sa akin ng pumunta kami sa EK. Gabi gabi kasi ito yung suot ko kapag matutulog na ako e. Pero syempre araw araw din itong nilalabhan.

"Hay naku babyboy. Kung alam mo lang gabi gabi nyang suot yan." sabi ni Ate Sisa. Tinignan ko naman siya ng Bakit-mo-sinabi look.

"Ay hehe. Sorry babygirl." sabi ni Ate Sisa

"Aww. Natouch naman ako. Lagi mo palang sinusuot yan." sabi naman ni Brace

"Tsk. Bakit ka nga nandito?" pagchichange topic ko. Alam ko kasi na aasarin pa ako ni Brace e. Kaya mas mabuti pang umiwas nalang. Lol.

"Magdedate tayo." sabi naman nito

"Are you drugs Brace? Ganito kaaga magdedate tayo? 7 am palang oh." sabi ko sa kanya sabay turo sa may wall clock.

"Pumayag kana please. Please." sabi niya at nagpout pa. Gosh. Ang gwapo talaga ng manliligaw ko. Hahaha

"Sige na nga. Hintayin mo nalang ako diyan. Maliligo lang ako. Ate Sisa pahanda naman po siya ng breakfast." sabi ko

"Sure babygirl." sabi ni Ate Sisa tapos pumunta na siya sa may kitchen namin.

So ayun ginawa ko na yung morning rituals ko. After that kumuha ako ng black na high waisted shorts, blue na off shoulder and blue na Keds. After kong magbihis ay nag-apply lang ako ng light make-up at finish tail ko yung hair ko sa baba.

"Ate Sisa pahingi namang strawberry ice cream." sabi ko kay Ate Sisa ng makababa ako. Si Brace naman parang nakakita ng multo. Nakanganga e.

"Isara mo nga yan. Baka pasukan ng insekto." sabi ko naman tapos isinara ko yung bibig nya.

"Ang ganda mo talaga." sabi nya

"Don't state the obvious Mr. Arquiza." sabi ko naman. Natawa naman siya.

"Babygirl ito na ice cream mo." sabi ni Ate Sisa at iniabot yung ice cream sa akin. Nagulat naman ako ng agawin ni Brace sa akin yung ice cream.

"Brace ano ba!! Bigay mo nga yan. Kung gusto mo ikukuha nalang kita." sabi ko at pilit na kinukuha yung ice cream sa kanya.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon