Chapter 9: Preparing for School Fest ~

26 1 0
                                    


Sharlene San Pedro on multimedia :)

Sheena's Point of View.

Halos lahat ng second year ngayon ay busy dahil bukas na yung School Fest namin. All year levels kasama dun pero kaming second year college ang mga naka assign sa mga booths.


Kami naman ng mga kateam mates ko inaayos na namin yung booth namin for Marriage Booth.


Yung leader naman namin which is Sam ay dinistribute nya na yung mga gagawin namin.



Sina Maica and Mica sila yung mag-aayos ng mga susuotin nung mga fake na magpapakasal.


Si Jenna naman yung sa mga rings.


Sina Mary Grace and Nash naman sa registration.


Si Kier naman is yung parang wedding singer.


While Sam is the priest.


Well, kami naman daw ni Brace yung ikakasal. Joke. Haha kami yung naassign sa paghahanap ng mga magpapakasal.


Speaking of Brace. Nasaan na yun? Tinext niya ako kanina sabi niya papasok siya. Pero hanggang ngayon wala pa din siya.


"Hey Nash! Papasok ba si Brace?" tanong ko kay Nash.



"Oo nandito na siya sa school. Nasa office ata nagtetake ng mga special quizzes. Nauna kasi ako sa kanya e. Kaya siya hindi pa tapos." sabi naman ni Nash.


"Ahh." yan lang yung tangi kong nasabi. Haha ang dry ko ba pag hindi si Brace kausap ko? Bias si ateng!



"Girl!!" sabay na tawag sa akin nina Raine and Shar habang tumatakbo papunta sa direksyon ko.



"Hey. Napano ba kayo? Bakit kayo tumatakbo?" tanong ko sa kanila



"Si......Si..... anoo.." sabi ni Raine habang hinahabol pa din ang paghinga.



"Sino ba?!" medyo nairita kong tanong. Pasuspense pa e.



"Si Brace. Pinagkakaguluhan sa may gymnasium." sabi naman ni Shar. I was shocked ng dahil naman sa sinabi niya. Tinawag ko naman sina Sam and Kier para magpatulong na puntahan si Brace. Hindi ko na pinasama si Nash baka kasi mas lumala pa yung sitwasyon imbes na maayos.



Nang makadating na kami sa gymnasium ay halos puno ito ng mga students. I saw Brace naman sa may stage at hirap na hirap bumaba doon. Ang dami kasing mga students na nakapalibot sa kanya.



"All of you. Bumalik sa mga rooms nyo kung ayaw nyong maoffice!!" maawtoridad na sabi ni Sam sa mga students. I forgot, siya nga pala yung Student Council President. So ayun yung mga students naman mukhang natakot at bumalik na sa mga rooms nila. Agad ko namang nilapitan si Brace.



"Are you okay?" tanong ko kay Brace.



"Ay Sheena. Malamang hindi okay yan. Ikaw ba naman dumugin ng ganun kadaming students." pamimilosopong sagot naman ni Kier. Inirapan ko lang naman siya.


"Tara. Dalhin na natin siya sa clinic ang dami niyang mga pasa oh." sabi naman ni Sam. At dinala na namin si Brace sa clinic. Pagkadating namin sa clinic nagpathank you na ako kina Sam at Kier tapos pinabalik ko na sila sa booth namin baka kasi kailangan na sila dun e. Besides nandito naman yung nurse. Nanghingi naman ako ng yelo dun sa nurse and a piece of cloth. At umupo ako sa may harapan ni Brace.


"Masakit pa din ba?" tanong ko sa kanya habang patuloy parin sa paggamot sa mga pasa nya.



"Medyo okay na. Pero ang sakit pa din ng dito ko oh. Parang kailangan ng gamot." sabi naman niya sabay turo sa may lips niya.



"Sapak gusto mo?" sabi ko naman. Nabugbog na nga lahat lahat nagagawa pang magbiro.



"Joke lang. Wag ka ng mag-alala. Okay na ako." sabi nya tapos tinanggal niya yung ice and cloth sa kamay ko tapos hinawakan nya yung dalawa kong kamay.


"Thanks for saving me." seryoso nyang sabi.



"You're always welcome Mr. Arquiza." sabi ko tapos niyakap ko siya. Nagpaalam naman ako sa kanya na kakausapin ko lang si Sam then babalik ako dito sa clinic mamaya para dalhan siya ng pagkain. Pinaiwan ko muna kasi siya sa clinic para makapagpahinga.


"Sam can I talk to you?" tanong ko kay Sam ng makabalik na ako sa booth namin.


"Sure. About ba saan?" tanong niya naman.


"About kay Brace. Can I have a favor? Diba SC President ka naman? Pwedeng parequest sa Dean na wag ng pagkaguluhan si Brace dito sa school ng mga fans niya? Kawawa kasi yung tao e. Minsan nalang pumasok ganito pa yung nangyayari." sabi ko sa kanya.


"Actually nasabi ko na kanina sa Dean natin yan. And pumayag siya. Infact kaninang nasa clinic kayo pinatawag niya lahat ng students para doon. Para naman daw kahit lang dito sa school maranasan ng Gimme 5 ang freedom." sabi ni Sam na natawa pa dun sa last niyang sinabi.



"Thanks God kung ganun. Sige punta lang akong cafeteria. Thanks." sabi ko tapos pumunta na ako ng cafeteria para bumili ng makakain namin ni Brace.



Nang makabalik na ako sa clinic nakita ko naman si Brace na nakaupo dun sa may sofa habang nanunuod.


"Captain America?" tanong ko ng makita ko yung pinapanuod niya.


"Yeah. Favorite ko ito e." sabi niya naman. Seriously Brace? Pfft. Para kang bata. Lol.


So ayun kumain na kami then after nun pumunta na kami sa booth para tumulong sa pag-aayos.











--------------------------

Author's Note xx

Sorry kung ganyan itong chapter na ito. Dapat talaga hindi ito yung laman ng chapter na ito kaso nadelete yung una kong tinype kaya ayun. Pasensya talaga. Sana magvote and comment pa din kayo. Love you BU :)

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon