Chapter 14: Quality Time ~

29 3 0
                                    


  [ Sheena's POV ]

Hi Love, Sorry kung halos hindi na tayo magkita. Basta mag-iingat ka palagi ha. I love you and I miss you -Brace ♥

Pagbabasa ko dun sa sticky note na nakadikit sa may lampshade ko. Ano yun? Galing si Brace dito kagabi?

"Goodmorning babygirl." bati ni Ate Sisa sa akin ng makababa ako.

"Goodmorning din Ate." sabi ko

"Hmm Ate? Galing ba si Brace dito kagabi?" dagdag na tanong ko kay Ate Sisa.

"Ah oo. Hinahanap ka niya kaso tulog kana e. Kaya pinapasok ko nalang siya sa kwarto mo. Pano mo pala nalaman?" sabi naman ni Ate Sisa.

"May iniwan po kasi siyang note." sabi ko

"Aww. Sweet. Babygirl kayo na ba?" nabilaukan naman ako ng dahil dun sa tinanong niya. Inabutan niya naman ako ng tubig.

"Okay ka lang babygirl?" tanong nya

"Yeah ate. Nagulat lang ako dun sa tanong mo." sabi ko naman

"So kayo na nga babygirl?" halos pasigaw nyang tanong. Tumango lang naman ako.

"Omayghad!! Dalaga na ang babygirl ko." sabi niya naman habang kinikilig.

"Ate wag nyo muna pong sabihin kina mom and dad ha." sabi ko

"Sure babygirl. Quiet lang ako. Promise." sabi niya. Yan din ang gusto ko kay Ate Sisa e. Mapagkakatiwalaan.

"Sige Ate. I need to go. Bye." sabi ko tapos lumabas na ako. Nagulat naman ako pagkalabas ko.




O___________________________O













"Brace? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Brace na kasalukuyang nakasandal sa may kotse niya.

"Ihahatid kita sa school." sabi niya

"Seryoso ka?" tanong ko

"Oo naman. So let's go?" tumango nalang ako tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman talaga ng boyfriend ko ;)

"Hindi ka papasok?" tanong ko kay Brace habang siya nagmamaneho.

"Hindi man e. Hindi pa din kasi tapos yung mga ginagawa naming music videos e." sabi niya. Nalungkot naman ako dahil dun. Akala ko pa naman makakasama ko na siya. Ilang weeks na din kasi akong walang kaseatmate e. Madalang lang kasi talagang pumasok si Brace.

"Huwag ka ng malungkot. Wag kang mag-alala. Mamayang uwian nyo susunduin kita. Magpapaalam ako kay Ate Jelai." sabi niya. Nabuhayan naman ako ng dahil dun.

"Promise?" tanong ko

"Promise." sabi niya tapos kinuha niya yung kamay ko at hinalikan ito.




"Sige love bye. Thank you sa paghatid. Ingat." sabi ko kay Brace nang makadating na kami sa school. Niyakap niya naman ako bago siya tuluyang umalis. Ako naman pumasok na sa school.

"Girl. Girl." sabi ni Yeri and Carla sa akin habang papalapit sa direksiyon ko.

"Oh napano kayo?" tanong ko sa kanila

"Walang yung mga teacher ngayon sa morning. Gala tayo." sabi ni Yeri

"Hindi ko dala yung car ko e. Hinatid kasi ako ni Brace." sabi ko

"Don't worry nandyan yung driver ko." sabi naman ni Carla

"So let's go?!" excited na tanong ni Yeri. Tumango lang naman ako at pumunta na sa kami sa may parking lot.

---MALL

Pagkadating namin sa mall pumunt kami sa may arcade at dun naglaro ng kung anu-ano. After that kumain kami sa McDo, kumain din kami ng DQ after nun. Last naman kaming pumunta ay sa isang boutique. Bibili daw kasi kami ng pare-pareho naming T-Shirt.

So ayun namili kami kung anong maganda. Napukaw naman yung atensyon ko dun sa couple shirt na Captain America. Kinuha ko naman ito.

"Bibilhin mo yan?" tanong ni Carla sa akin

"Oo. Gift ko kay Brace. Favorite niya itong Captain America e." sabi ko tapos binayaran ko na sa cashier yun. After naman naming makabili ng damit bumalik na kami sa school.

Mabilis naman na natapos ang afternoon class. At nang mag-uwian nga ay sinundo ako ni Brace. Kumain din kami sa isang restaurant bago niya ako inihatid dito sa amin.

"Thanks ulit sa paghatid at pagsundo." sabi ko ng makarating na kami sa amin.

"You're always welcome love." sabi niya

"Ayy oo nga pala, may gift ako sayo." sabi ko tapos kinuha ko yung T-shirt sa bag ko.

"Wow. Captain America. Thanks love." sabi niya ng makita ito tapos niyakap niya pa ako.

"Nagustuhan mo?" tanong ko

"Sobra." sabi niya naman

"Sa susunod na date natin suotin mo yan ha." sabi ko sa kanya

"Oo naman. Kung gusto mo hanggang sa pagtulog pa e. Parang yung ginagawa mo lang." pabiro niyang sabi

"Osige na. Baka hinahanap kana. Bye. Ingat." sabi ko tapos hinalikan ko siya sa cheecks. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa bahay.




------------------------

Author's Note xx

Wag kakalimutang iclick yung star guys please. Keep reading mwa~

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon