Chapter 28: Tadhana ~

16 1 0
                                    



Song for this chapter: Tadhana by Up Dharma Down

  
( Brace's POV )

"Pot. Nagsumbong si Jelai sa akin. Bakit ka naman umalis dun sa album launch niyo?" sabi ni Mama sa akin pagkadating ko sa bahay.

"Ma, nakita ko siya." sabi ko

"Huh? Sinong nakita mo?" nagugulong tanong ni Mama

"Si Sheena po. Nakita ko siya." sabi ko

"Pot naman. Huwag mo ng saktan sarili mo." sabi ni Mama

"Ma, mahal ko parin siya e." pagkasabi ko nun ay tumulo na ang luha ko. Nilapitan naman ako ni Mama at niyakap.

"Tama na nak. Magkakaayos din kayo." sabi ni Mama

"Malabo na ma." sabi ko ng humiwalay sa pagkakayakap si Mama.

"Anak, kung kayo talaga. Mismong tadhana ang gagawa ng paraan para pagsamahin kayo." sabi ni Mama

"Sana nga ma. Sige po. Akyat na ako." sabi ko tapos pumunta na ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nakita ko yung pillow na captain america na binigay ni Sheena sa akin nung kami pa.

"I miss you Sheena." sabi ko nang sa sarili ko at niyakap yung pillow.

"Kuya?" nabitawan ko naman yung pillow ng pumasok si Sacha sa kwarto ko.

"Okay ka lang kuya?" tanong ni Cha at tinabihan ako sa kama.

"Oo okay lang si Kuya." sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Nakita mo na siya kuya?" tanong ni Sacha. Tumango lang naman ako.

"Hindi pa kayo nagkabalikan." sabi nito

"Hindi pa. At mukhang hindi na din." sabi ko

"Magkakaayos din kayo kuya." sabi ni Sacha tapos nagpaalam narin siya para matulog.

Hanggang kailan ba ako maghihintay sa taong pinakawalan ko noon?

( Sheena's POV )

Matutulog na sana ako ng biglang magvibrate yung phone ko.

Unknown number calling...

Sino na naman ba ito? Unregistered number na naman. Tss.

( phone conversation )

[ Hello? ]

[ Hi Ate Sheena. ] wait? Si Sacha ba ito?

[Cha?! Ikaw ba to?]

[ Yes Ate. I miss you. ] sabi ng kausap ko sa kabilang linya. Si Sacha nga.

[ Namiss din kita Cha. Bakit ka nga pala napatawag? ]

[ Ate can we meet tomorrow? ]

[ Ah? Osige Cha. Saan? ]

[ Sa starbucks nalang ate para walang masyadong tao. ]

[ Osige. Itext mo nalang ako kung anong oras. ]

[ Sige ate. Salamat po :) ] yan ang last na sabi ni Sacha tapos pinatay niya na yung phone. Ako naman natulog na.

***Kinabukasan

I received a message from Sacha. 11 am daw kami magkikita. 9 am palang naman kaya I decided na lumabas muna ng village at pumunta sa park.

Umupo ako dun sa isang bench pagkadating ko sa park.

Ang ganda ng panahon ngayon.

Ang sarap titigan ng napakagandang mother earth :)

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon