Chapter 56: Bracelet ~

18 2 0
                                    


( Sheena's POV )

Napatakip ako sa mukha dahil sa sikat ng araw. Kaya naman bumangon na ako sa kama ko.

Nagulat naman ako ng makita ko si Brace na nakahiga sa sofa.

Oh my God!! Anong ginagawa nito dito!!

Bigla ko namang naalala na kasama ko nga pala siya kagabi.

Hay, kawawa naman dito pa tuloy natulog sa sofa dahil sa takot ko.

Pumunta naman ako sa CR at naligo na. After ko namang mag-ayos ay bumaba na ako at kumuha ng breakfast para sa amin ni Brace.

Wag mag-isip ng kung ano ha!! Pambawi ko lang.

(A/N: Defensive bwahahahah)

Shut up Author -_______-

Pagkakuha ko naman ng breakfast namin ay umakyat na ulit ako sa taas. Ngunit pagkadating ko dun tulog pa rin siya.

Mukhang napasarap tulog niya ha. Hintayin ko na nga lang magising para sabay na kami kumain.

Natigilan naman ako ng magring ang phone ko kaya naman pumunta muna ako sa veranda at doon sinagot ang tawag.



( Brace's POV )

Nagising ako ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko.

Muntikan pa akong mahulog ng tumayo ako.

Naalala ko nasa sofa lang pala ako natulog.

Pero teka? Asan na si Sheena?

Tumayo ako sa sofa at hinanap siya. Napatigil naman ako sa pinto ng veranda ng may marinig akong may kausap sa phone.

[ Yeah beb. Uuwi din ako agad dyan. Haha ikaw talaga. Sige na. Opo. Mahal na mahal din kita. ]

Nagulat naman ako ng nasa harap ko na si Sheena.

"Kanina ka pa gising?" tanong niya

"Ah hindi. Kakagising ko lang." sagot ko

"Tara kain na tayo. Kumuha na ako ng breakfast." sabi niya at pumunta na sa kusina. Kaya naman sumunod na ako.

"Thank you nga pala kagabi. Baka kung wala ka, hindi talaga ako nakatulog." sabi niya

"Ah wala yun." sabi ko

"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Are you sure?" tanong niya ulit.

"Oo. Ah sige. Balik na ako sa room ko." sabi ko at lumabas na agad sa room niya.

Hay. Bakit ba masyado kang affected kung may boyfriend na siya. Eh ikaw nga engaged ka na e!! Tsk! Tsk!

Wala ka ng karapatan sa kanya Brace. Kaya shut up ka nalang.

***

"BREAK TIME!!" sigaw ni Manager Lee. Nandito na kasi kami sa set. Inumpisahan na yung photoshoot.

Umupo muna ako sa isang kubo since break time naman. Dito kasi sa tabing dagat ang place namin ngayon.

"Hey. Bakit ang tahimik mo?" napatingin naman ako kay Sheena na umupo sa tapat ko.

Anong gusto mo? Matuwa ako kasi narinig ko na sweet na sweet kayo ng boyfriend niyo sa isa't-isa? Tss.

"Ahh wala. Sige bili lang akong drinks." sabi ko at umalis na dun.

Pumunta naman ako dun sa isang store at bumili ng maiinom at tumambay muna dun.

Nagcellphone nalang ako dun habang hinihintay na tawagin ako para sa next shoot namin.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon