Chapter 34: QuinRi ( Yeri & Joaquin )

17 2 0
                                    



QuinRi on the multimedia :)

( Joaquin POV )

First POV. Haha thank you stunning gorgeous author XD

By the way, Im Joaquin Reyes. The cutest member of Gimme 5. Walang aangal. Haha

Well, Im here to tell you the story kung paano kami naging close ni Ms. Yeri Cheon.

Naalala niyo ba nung valentine's party ng Hayward University? Kung saan din nakilala ni Brace si Sheena. To tell you honestly, unang kita ko nun kay Sheena naging crush ko siya. Pero crush lang. Alam ko naman din na destined na sila ni Brace.

And that day, nakapair ko si Yeri for the sweet dance. Si Yeri yung tipo ng taong always jolly, masayahin, mapagbiro, at higit sa lahat. Matakaw. Haha kaya na din siguro kami nagkasundo dahil dun. Pero Yeri is a nice and very pretty person.

Yung mga katangian na yun ang naging dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

**Flashback

First day palang namin sa Hayward ang dami ng sumalubong at nagtilian sa amin. Gimme 5 eh :)

Ako naman papasok na sa room ng makita ko si Yeri. Yung nakapartner ko sa sweet dance nung valentine's party.

"Hey Yeri." sabi ko dito

"Yow Joaquin." sabi niya naman at niyakap ako. Chansing to ha.

"Hm. Alam mo ba kung saan ang room na ito?" sabi ko at pinakita ko sa kanya yung papel kung saan nakalagay ang section at room ko. Hindi ko kasi kaklasi yung ibang member ng Gimme 5.

"Ah yeah. Tara." sabi niya tapos pumunta na kami dun sa room.

"Thanks sa pagturo." sabi ko tapos pumasok na ako sa room. Nagulat naman ako ng pumasok din siya dun.

"Oh? Bakit ka din pumasok? Wala ba kayong class?" tanong ko sa kanya

"Classmate mo ako no!!" sabi niya

"Ay sorry. Hehe hindi mo naman agad sinabi e." sabi ko at ayun nagkwentuhan lang kami. Saya nga niyang kausap e.

And then yun, dun na nag-umpisa ang pagiging magkaibigan namin. Halos araw araw sabay nun kaming pumapasok at minsan sa pag-uwi din. And minsan din kapag weekends lumalabas kami at nagmamall or kaya naman maglilibot kahit saan.

Until one day. Dumating na ang araw para sa school fest namin. At pareho kami ni Yeri sa Jail booth. Marami kaming nahuli that time. Halos lahat din couples.

Pinagtripan pa nga nun namin sina Brace and Sheena e. Remember? Kaya sila ikinasal sa sariling booth nila dahil sa amin. Ang cute kasi nilang dalawa e.

Pero hindi namin inaasahang gaganti sila sa amin ni Yeri.

At nung sinabi na nung so called priest nila na 'You may now kiss your bride'.

Hindi ko alam, pero parang may something na nagtulak sa akin para halikan ko labi si Yeri.

After that incident. Parang may pagka awkward na nangyari sa amin. Medyo hindi niya na ako pinapansin sa room nun e. Kung kakausapin niya man ako about sa mga school works lang. Hindi na rin siya sumasabay sa pagpasok at pag-uwi sa akin.

Kaya nagdecide ako na dukutin siya. Oo dinukot ko siya. Saktong uwian nun hinintay ko siya sa may gate sa likod ng school. Alam ko kasi na dun siya dumadaan kapag hindi niya kasama sa pag-uwi sina Carla and Sheena. Kaya ayun, inabangan ko siya dun. Sakto naman nung dumaan siya walang tao kaya naging madali para sa akin na isakay ko siya sa van namin.

"Hey. Joaquin. Ano ba!! Stop the car!!" sigaw nito at pilit na lumalabas.

"No. Hindi kita papakawalan hangga't hindi tayo nag-uusap." sabi ko naman

"Ano bang dapat nating pag-usapan ha?!!" iritado niyang tanong.

"Yung hindi mo pagpansin sa akin. At kung bakit mo ako iniiwasan." sabi ko

"Wala lang yun. Kaya please stop the car!! I need to go home!!" sigaw niya. Inistop ko naman yung car sa tabi.

"Nang dahil ba yun dun sa kiss?" tanong ko. Natahimik naman siya.

"Kung yun nga ang dahilan. Sorry hindi ko sinasadya." sabi ko

"Ano bang ginawa mo sa akin na sinadya mo diba?! Can you please stop this Joaquin. Stop protecting me!! Stop acting like you care!! Stop acting being so kind!! Naguguluhan at nahihirapam na ako e. Habang ikaw ano? Lahat ng ginagawa mo hindi mo sinasadya?! Sorry Joaquin pero minahal kita e. Minahal kita dahil diyan sa mga kinikilos mo na hindi mo sinasadya!!" umiiyak niyang sabi tapos lumabas siya ng kotse ko at tumakbo kaya naman hinabol ko siya.

"Yeri wait!!" sabi ko at nang maabutan ko siya niyakap ko siya.

"Hindi ko lang naman sinadya dun yung kiss e. You don't know Yeri how much I love you. Natatakot lang akong umamin sayo dahil baka layuan mo ako at masira yung friendship natin. Naduwag ako sorry. Akala ko kasi one sided lang e." sabi ko habang yakap ko pa din siya.

"Ang duga mo!! Hindi mo agad sinabi. Pinahirapan mo pa ako." sabi niya naman

"Sinisi pa ako." pagbibiro ko

"I love you Quin." sabi niya. Sweet naman kapag siya nagsasabi nun. Haha

"I love you too Ri." sabi ko naman.

**End of flashback**

At doon nabuo ang QuinRi loveteam. It's been 2 years na since nagkaaminan kami ng feelings. Pero hindi kami officially couple. Ayaw muna kasi namin. Mas gusto muna naming maging magkaibigan pa. Pero nangako naman kami sa isa't-isa na kami hanggang huli. Sana. Sana kami na nga :)

Actually kasama ko siya ngayon. Nandito kami sa yellow cab. Favorite kasi namin yung pizza dito.

"Happy 105th weeksary." bati niya sa akin.

"Happy 105th weeksary din. I love you." sabi ko naman

Nakaugalian na kasi namin din ito. Ang icelebrate ang weeksary namin. Tignan niyo naman 105th weeksary na namin. Siguro mas maganda na nga siguro muna ito. Hindi man kami official but were acting like a couple. Haha paano pa kaya kapag kami na? Ano yun, pakasal na agad? Joke hahaha


-----------------------

Author's Note xx

Musta ang QuinRi tandem? Haha pakiPOT ba masyado? Haha. Inemphasize pa talaga ang POT. Lol. Miss ko na kasi si Brace e. Sorna. Kaya sa susunod na chapter balik na tayo sa SheAce loveteam :) Next time nalang ulit ang CrAsh and QuinRi tandem.

Keep reading guys. Love you mwa:*

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon