Chapter 47: Hurting each other ~

24 0 0
                                    

[ Brace's POV ]

"Pot!! San ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ni mama sa akin. Kakauwi ko lang kasi.

"Pagod ako ma. Maya nalang po." sabi ko tapos umakyat na ako sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Dada pero hindi ko na sila pinansin.

Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong humiga sa kama ko at niyakap yung captain america na pillow na binigay ni Sheena nung 1st anniversary namin.

Tsk!! Tsk!! Tsk!! Sheena again and again and again!!

Hindi ko na ata talaga kayang tanggalin sa buhay ko si Sheena.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng bumukas yung pinto.

"Kuya!!" sabi ni Jeanne at niyakap ako.

"Gwapo mo!" pagbibiro niya

"Sus wala lang si Kuya Ed kaya mo sinasabi yan." sabi ko naman

"Kuya saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong naman ni Cha

"Wala yun." tipid kong sagot

"Nagkita kayo ni Ate Sheena no?" sabi ni Cha

"Tss. Alam na alam mo talaga ako." sabi ko sa kanya

"Nagkita nga kayo?!" masayang sabi ni Cha. Tumango naman ako.

"At last na din yung pagkikita namin na yun." sabi ko

"Huh?! Bakit naman Kuya?" tanong naman no Jeanne.

"Long story Jeanne." sabi ko naman

"Gusto nyo bang magmall tayo? Bonding tayo." pagchichange topic ko.

"Sige kuya. Gusto ko yan." sabi ni Jeanne

"Pero wala ka pang tulog kuya." sabi ni Cha

"Okay lang ako Cha. Bihis na kayo dali." sabi ko. Sila naman lumabas na ng kwarto ko.

Matagal ko na din kasing hindi nakakasama ang mga kapatid ko kaya naman babawi ako sa kanila ngayon.

"Oh Pot? Saan kayo pupunta?" tanong ni Dada

"Sa mall da. Ipapasyal ko lang po ito." sabi ko kay Dada

"Osige. Ingat kayo." sabi ni Dada kami naman nina Jeanne at Cha sumakay na sa kotse ko at pumunta sa mall.

**Mall

"Anong gusto nyong unahin?" tanong ko sa kanila.

"Hmm arcade tayo kuya." sabi ni Cha kaya naman pumunta na kami sa may arcade.

So ayun, ilang oras din kaming nasa arcade. Nag-enjoy sila kalalaro e. Sayang wala si CJ. Kasama kasi siyang umalis ni Kuya Ed kanina kaya di ko na nasama.

"Kuya tara kain na tayo." sabi ni Jeanne

"Osige tara." sabi ko at tumuloy na kami sa McDo.

"Umupo na kayo dyan. Ako na mag oorder." sabi ko sa kanila at tumuloy na ako sa counter.

Pagkaorder ko bumalik na ako sa table namin.

"Kuya. Thank you sa araw na ito." sabi ni Jeanne

"Oo nga kuya. The best ka talaga." sabi naman ni Cha

"Wala yun. Kayo pa ba." sabi ko naman. Napatigil naman ako sa pagkain ng may tumawag sa akin.

"Brace?!" pagkatingin ko si Yeri pala.

"Oh yeri? Ikaw pala." sabi ko

"Kamusta kana?" tanong niya

"Okay lang naman." sabi ko kahit yung totoo hindi naman.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon