Chapter 53: This Time ~

20 2 0
                                    


Sheena Santos / Irah Shey on multimedia :)

( Sheena's POV )

"Sheena dalian mo. Baka malate tayo dun sa event." sigaw ni Manager mula sa labas.

"Yes manager." sabi ko at agad ng sinuot ang heels ko. Tumingin muna ulit ako sa salamin bago lumabas. Papunta kasi kami ni Manager sa Star Magic Ball. Ininvite kasi ako ng STAR MAGIC ng malaman nila na nandito ako sa Pilipinas. So hindi ko na tinanggihan since next week palang ang photoshoot.

"Laki ng eyebugs mo. Natulog ka ba?" tanong ni Manager ng makalabas ako. Napansin niya pala. Paano ba naman kagabi hindi ako nakatulog dahil dun sa napag-usapan namin ni Brace kahapon. Aish. Bakit ba kasi affected pa rin ako.

"Hindi po gaanong nakatulog e." sagot ko

"Bata ka talaga. Wait lang." sabi ni Manager at kinuha ang concealer sa bag at nilagyan ang mga eyebugs ko para hindi naman daw halata. By the way, for your information babae ang Manager ko si Ms. Wy. Pati yung manager ng Candy Mag babae rin yun which is si Ms. Lee.

After akong inayusan ni Manager Wy bumaba na kami.

"Ay wait lang. Hintayin mo ako dito may nakalimutan lang ako sa taas." sabi ni Manager at iniwan ako sa lobby. Umupo muna ako habang hinihintay ko siya.

"Sheena?" napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Siya na naman? Tss.

"Oh Brace? Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Susunduin ko lang si Yeri, dito kasi siya nagcheck-in sa hotel namin." sabi niya

"Sa inyo itong hotel?" tanong ko

"Ah oo. YAB hotel. Stands for Yeri And Brace Hotel. Invited ka rin ba sa Star Magic Ball?" tanong niya. Omg. Sobrang ganun na ba kaliit ang mundo? At dito pa ako nagiistay sa hotel nila? Myghad!! Im gonna die!!

"Ah yes. Invited ako." sagot ko sa kanya.

"Brace nandito ka na pala." napatigil kami sa pag-uusap ni Brace ng dumating na si Yeri. I know siya yun kahit nakatalikod pa ako sa kanya.

"Sino itong kausap mo?" tanong niya kay Brace. Nagulat naman siya ng humarap ako sa kanya.

"Sheena!" hindi niya makapaniwalang sabi.

"Ako nga. It's nice to see you again Ms. Yeri Cheon." sabi ko sa kanya.

"Sheena let's go." buti nalang at nandito na si Manager.

"Sige una na kami." sabi ko dun sa dalawa at lumabas na kami ng hotel ni manager.

Tahimik lang naman ako sa byahe. I don't know pero nawala ako bigla sa mood.

"Are you okay?" tanong ni Manager. Tumango lang naman ako.

"Yung ex mo yung kanina diba?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Halatang affected ka pa din. Mahal mo pa?" dagdag pa ni manager.

"Mahal ko si Paul." sabi ko

"Hindi yan yung tanong ko." sabi ni manager. Natahimik lang naman ako.

"Aish. Hayaan mo muna yun. Just enjoy this night." sabi ni manager at nginitian ako.

*click* *click* *click*

Ang daming camera's ang sumalubong sa amin sa red carpet. May mga ilang reporters din ang nagtatanong pero ni isa dun wala akong sinagot. Tumuloy lang kami ni manager sa venue.

Pagdating namin doon, marami ng artista. Halos naman ay ginreet ako ng makita nila ako. Umupo naman kami ni manager dun sa table na wala pang tao.

"Kuha lang akong drinks." sabi ni manager. Tinanguan ko lang siya kaya umalis na siya.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon