Chapter 21: Welcome to AFam :)

17 2 0
                                    



( Sheena's POV )

Blue dress or Pink dress?

Heels or flat shoes?

Braid or nakalugay?

Hayss. I can't decide >________<

Nandito ako ngayon sa room ko at kasalukuyang naghahanap ng maisusuot ko. Nagtext kasi si Brace sa akin kanina at ang sabi niya.


May dinner kami together with his family.

Kaya ito ako ngayon. Problemado sa isusuot ko. Ayaw ko naman kasi na madisappoint ko yung whole family niya. Mas maganda na ding maging handa. Lol.

Mamayang 7:30 pa naman daw ako susunduin ni Brace. Kaya naman nanuod muna ako ng  My Love Donna dito sa sala ng kwarto ko.

( A/N: Maganda po yung Story ng My Love Donna. Promise. Korean movie po ito. Magplug ba naman daw. Haha kaso tapos na siya kanina. So sad. Huhu T.T Pero atleast may Ang Probinsyano pa. Osya yun lang. Haha )

5:00 o'clock ng matapos ang pinapanuod ko. Maaga pa kaya naman naisipan ko munang mag online at tignan yung SheAce Forever page.

Yung SheAce Forever page na yun para na din siyang blog. Ginawa ko yun since nung naging kami ni Brace. Kaso minsan lang ako makapag update.

"Hello to everyone. Goodevening. Today is one of the most unforgettable evening in my life. Because I will meet the family of my boyfriend. Arquiza Family. I hope everything will be fine. Goodluck to me. Haha till next time."

Message post...

Tinignan ko naman yung mga ibang comments and messages. Halos lahat ng nabasa ko kinakamusta yung relationship namin ni Brace. Oo nga pala, nasabi na ni Brace sa public na may girlfriend na siya. Pero tanging BU lang ang may alam kung sino. Hindi niya sinabi ang pangalan ko sa iba para iwas issue nalang daw. Naiintindihan ko naman siya e. At isa pa ayaw ko naman ding masira ang career niya ng dahil lang sa akin.
And some of his fans naman tanggap nila pero syempre may mga disagree pa din. Pero okay lang yun, dahil magsimula ng naging boyfriend ko si Brace. Alam ko na, na mangyayari ito. Kaya sanay na ako. Hahaha

***

"Babygirl. Gising na. May naghahanap sayo." nagising ako ng dahil sa pagyugyog ni Ate Sisa sa akin. Nakatulog na pala ako. Tinignan ko naman yung relo ko.

"OMG!! 8 NA!!" sigaw ko at nagmadali ng pumunta sa CR at naligo. After that nagbihis na ako.

I only wear a pink dress and dollshoes. Tapos nag apply nalang ako ng light make up at nagponytail ng hair. Omg. First dinner with Arquiza Family late ako. Nakakahiya T.T

Kaagad na akong bumaba after kong mag-ayos. Nakita ko naman si Brace sa sala na mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Sorry Brace. Nakatulog ako e." sabi ko

"Ano ka ba. Okay lang yun. So tara na? For sure kanina ka pa hinihintay ng mga yun." sabi niya naman.

"Sige Ate Sisa. Alis na po kami." pagpapaalam ko kay Ate Sisa bago kami lumabas ng bahay ni Brace at pumasok sa kotse niya.

Habang nagbibiyahe naman kami papunta sa bahay nila ay hinawakan niya ang kamay ko.

"You look so nervous." sabi niya

"Baka kasi hindi ako magustuhan ng papa mo at mga kapatid mo e." sabi ko. Mama niya palang kasi ang nakakakilala sa akin e.

"For sure magugustuhan ka nila." sabi niya naman.

"Pinapalakas mo lang loob ko e." sabi ko naman

"Wag kana kasing kabahan. Magiging okay ang mangyayari sa gabing ito. Pangako."  sabi niya

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon