Chapter 18: Pride ~

21 1 0
                                    



( Sheena's POV )

Bahala siya sa buhay niya. Tss. Kung ayaw niyang makipag-ayos. Fine. Edi wag. Tsk!! Tsk!! Badtrip.

Pumunta nalang ako dun sa room ko at natulog.

***

Mga 2 oras din ako nakatulog. Pero pakagising ko ang sakit ng ulo ko.

"Okay ka lang?" tanong ng ka room mate kong si Grace. Tumango naman ako.

"Pinapapunta na pala tayo ni prof. sa dining. Kakain na daw tayo ng dinner." sabi ni Grace. Tinignan ko naman yung watch ko. 6:30 pm na pala.

Sabay naman kaming pumunta ni Grace doon. At pagkadating namin dun lahat ng classmate namin nandun na.

Kumuha naman kami ni Grace ng pagkain. After nun naghanap kami ng mauupuan.

"Sheena. Grace. Dito nalang kayo." sabi ni Sam sa amin na kasama si Brace sa table nila. May 2 vacant seats pa kasi dun sa place nila.

"Ahh wag na. Dun nalang kami kina Nash." sabi ko at niyaya ko na si Grace dun. Si Alexa lang naman kasi kasama ni Nash.

"Hmm can we join?" I asked.

"Yah. Sure." sabi naman ni Alexa.

"Hindi ata kayo nagpapansinan ni Brace?" tanong sa akin ni Alexa.

"Hindi. Bahala siya." sabi ko naman.

"Hindi pa din kayo nag-uusap?" tanong naman ni Nash.

"Nag-usap na. Pero nag-away lang kami." sabi ko

Nagpatuloy lang naman kami sa pagkain. Maya maya naman ay may inannounce yung prof. namin.

"Okay class. After this pahinga na kayo dahil bukas na natin gagawin yung activity 2. Okay?" sabi ni prof. Nag Yes Ma'am naman kaming lahat.

"Sige una na ako ha. Medyo masama pakiramdam ko e." sabi ko sa mga kasama ko at bumalik na sa room. Medyo masama kasi talaga pakiramdam ko e. Hindi ko alam pero nahihilo pa din ako kahit kumain na.

Kinuha ko naman yung laptop ko hoping na sana online sina Carla and Yeri. Pagkabukas ko naman sa skype ko online si Carla. Agad ko naman siyang tinawagan, inaccept niya naman ito agad.

"Hello bestfriend. Miss you." sabi niya ng mag-appear na yung mukha nya sa screen.

"Miss you na din bestfriend. Sayang hindi online si Yeri." sabi ko

"Busy siguro ang bruha. Haha." sabi niya

"By the way bakit parang ang tamlay mo? May problema ba?" dagdag niya. Napayuko naman ako.

"Nag-away kami ni Brace e." sabi ko

"Ahh kaya naman pala. Bakit ba kayo nag-away?" tanong niya

"Long story bestfriend. Pero hindi ko akalain na matitiis niya pala ako." sabi ko and with that naiyak na ako.

"Shhh. Tama na. Siguro ngayon kailangan nyo muna ng space sa isa't-isa para makapag-isip. Pero for sure kung ano man yang problem nyo. Maaayos nyo yan." sabi niya naman

"Sana nga maayos e. Hindi ko kaya na hindi kami nagpapansinan." sabi ko

"Maaayos nyo yan. Osige pano ba yan? Need ko ng matulog e. Goodnight. Ingat sa camping." sabi niya

"Goodnight. Ingat ka din." sabi ko tapos nawala na ang mukha ni Carla sa screen.

( Brace's POV )

Nandito na kami ng mga classmates ko sa dining. Pero si Sheena wala pa. Nasaan na yun?

Maya maya naman dumating na din siya kasama si Grace.

"Sheena. Grace. Dito nalang kayo." sabi ni Sam sa kanila. Napatingin naman ako kay Sheena habang hinihintay ang isasagot niya.

"Ahh wag na. Dun nalang kami kina Nash." sagot niya. Nakakadismaya. Akala ko pa naman tatabi na siya sa akin.

Mga ilang minutes lang naman ay lumabas na siya ng dining. Oh? Saan na naman pupunta yun?!

"Sige sundan mo na. Baka mawala ulit yun." sabi ni Sam. Nginitian ko lang naman siya at sinundan na si Sheena. Nakita ko naman siya na pumasok sa hotel.

Baka naman matutulog na? Susundan ko pa ba? Hayyss. Sundan na nga.

Binuksan ko ng konti yung pinto nila at narinig ko na may kausap siya.

"By the way bakit parang ang tamlay mo? May problema ba?" naring kong tanong ng kausap niya. Si Carla ata yun?

"Nag-away kami ni Brace e." sagot naman ni Sheena.

"Ahh kaya naman pala. Bakit ba kayo nag-away?" tanong ni Carla

"Long story bestfriend. Pero hindi ko akalain na matitiis niya pala ako." umiiyak na sabi Sheena.

"Shhh. Tama na. Siguro ngayon kailangan nyo muna ng space sa isa't-isa para makapag-isip. Pero for sure kung ano man yang problem nyo. Maaayos nyo yan." sabi naman ni Carla.

"Sana nga maayos e. Hindi ko kaya na hindi kami nagpapansinan." sabi ni Sheena. Don't worry love. Maayos natin to.

"Maaayos nyo yan. Osige pano ba yan? Need ko ng matulog e. Goodnight. Ingat sa camping." sabi ni Carla.

"Goodnight. Ingat ka din." sabi ni Sheena at nakita ko na humiga na siya sa kama niya.

Sinigurado ko namang tulog na siya ng pumasok ako sa room nila.

"Goodnight love." sabi ko at hinalikan ko siya sa noo. Pero wait?! Parang ang init niya ha. May lagnat ba siya? Hinawakan ko naman yung noo at leeg niya. Ang init grabee. Nagmadali naman akong kumuha ng towel at basin na nilagyan ko ng warm water. At nilagay ko yung towel sa noo niya.

"Hay. Sheena. Lagi mo akong pinag-aalala." sabi ko. Lumabas naman ako at binili ko siya ng gamot sa pinakamalapit na drug store.

Pagkabalik ko dun nilagay ko nalang sa side table niya yung gamot and strawberry ice cream.

"Pagaling ka ha." sabi ko bago tuluyang pumunta sa room namin.











-------------------

Author's Note xx

Sorry for the short update. Bawi ako sa next. Keep reading mwa~

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon