Chapter 55: Photoshoot ~

21 2 0
                                    


( Sheena's POV )

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang start ng photoshoot namin. And syempre para makapag-ayos na din ng gamit. Wala naman kasi si Paul dito, kapag kasing umaalis ako or may project na gagawin laging siya ang nag-aayos ng gamit ko. Hay, namiss ko tuloy siya. Matawagan nga. Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni Paul.

The subscriber cannot be reach. Please try again later.

Nakailang dials ako pero laging yan ang sumasagot. Tss. Badtrip din minsan yung babaeng nagsasalita diyan e. Hindi naman siya yung tinatawagan mo siya yung sumasagot. Tsk!!

Kaya ayun, tinext ko nalang si Paul. Gabi nga pala sa US niyan baka tulog na siya.

---
To: Paul Beb
Hey beb. I miss you. Take care :) I love you.
---

After nun naligo na ako at nag-ayos ng sarili ko.

Saktong 6 am naman ng umalis na kami ni Manager sa hotel at pumunta sa Airport.

Pagdating naman namin dun halos lahat nandun na even Brace. Sobrang aga naman nila.

"Ms. Irah." salubong ni Manager Lee sa akin at bineso ako. Nagsmile lang naman ako.

"Maya maya aalis na din tayo. Umupo ka muna." sabi ni Manager Lee. Tinanguan ko lang namab siya at umupo na. Nagcellphone nalang muna ako since wala naman akong magawa.

Busy ako sa pagtitwitter ng biglang may kumalabit sa akin. Pagtingin ko si Brace pala.

"Bakit?" tanong ko at ibinalik na ang tingin ko sa phone ko.

"Goodmorning." sabi niya. Tinanguan ko lang naman siya.

"Busy?" tanong niya

"Hindi naman." sagot ko ng hindi man lang siya tinitignan.

"Guys let's go." sigaw ni Manager. Kaya naman tumayo na kaming dalawa ni Brace.

"Ako na." sabi niya at kinuha niya sa akin yung luggage ko.

"Thanks." sabi ko nalang. Knowing him, hindi naman siya magpapatalo. Kaya hinayaan ko nalang.

Pagsakay namin sa plane, 2 seats na magkatabi nalang ang available. Nanadya ba itong mga to? Tss.

"Irah, Brace. Come on, umupo na kayo at aalis na tayo." sabi ni Manager Lee sa amin. Kaya naman ayun, no choice ako kung hindi ang umupo katabi siya. Kaysa naman sa tumayo ako diba? -_______-

Kinuha ko naman yung sleeping mask ko at natulog muna.

***

Nagulat nalang ako ng magising ako. Eh kasi naman yung ulo ko nakapatong na sa balikat ni Brace na kasalukuyan ding natutulog ngayon. Habang yung ulo niya naman nakadikit sa ulo ko? Gets nyo ba? Basta ganun.

Dahan dahan naman akong umayos ng upo at inilagay yung ulo niya sa balikat ko. Kawawa naman. Sarap pa ng tulog e.

Pinagmasdan ko naman siya habang natutulog.

Ang gwapo niya pa din.

Ang perfect ng mukha.

Magandang mata ✔

Matangos na ilong ✔

Makinis na mukha ✔

Red lips ✔

Hays. Nakakaattempt tuloy siyang ikiss.

Arghh!! Ano ba itong pinagsasabi ko. Stop Sheena!! Stop!!

Ilang oras pa ay nakadating na kami sa destination namin.

Sa El Nido Palawan.

Halos lahat ng kasama namin ay lumabas na ng plane. Kaya naman ginising ko na yung katabi ko.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon