Chapter 3: Sweet Dance ~

54 1 0
                                    


Brace Arquiza on the multimedia

Sheena's Point of View.

From: 09161823043

Hello :) meet me at the veranda dito sa may second floor. I will wait for you :) -Brace


Omg. Si Brace kaya talaga ito? Pero sa kanya ko lang naman din binigay number ko kanina. Mapuntahan na nga lang. Hindi naman siguro kidnapper yun. Parang nagiging OA na ako ha.



Pinuntahan ko naman sina Raine at Shar para magpaalam na aalis muna ako.


"Girls. May pupuntahan lang ako ah." sabi ko sa kanila.


"Sama ako. I need fresh air. Hindi pa din ako makaget over dun sa pagwink ni Brace dun sa babae na yun." iritadong sabi ni Raine.


"Hindi ka pweding sumama." bigla kong sabi. Nagulat tuloy siya. Eh kasi naman what if si Brace nga yun? Oh edi mas kinilig pa si Yeri kaysa sa akin. Ayoko nga. Tss, ano ba itong pinag-iisip ko?


"Ang sama mo naman. Sasama lang." malungkot naman na sabi ni Raine.


"Basta. Saglit lang naman ako e." sabi ko naman.


"Whatever!" asar na sabi naman ni Raine.


"Sige na Shee. Alis ka na para hindi na magdrama to." sabi naman ni Shar and with that umalis na ako. Magdadrama pa si Raine e.


Pumasok na ako sa may elevator papunta sa may second floor nitong hotel. Pagkadating ko dun agad akong dumiretso sa may veranda. I saw a boy wearing a black tuxedo. Si Brace kaya yun? Hindi ko kasi siya makita kasi nakatalikod siya sa akin.



"Brace?" tawag ko dun sa boy. And beng. Humarap siya. Si Brace nga.



Omg. Ang gwapo nya lalo na ng dahil sa suot niya. Kanina kasi dun sa performance nila naka jeans and polo shirt lang siya e. Lumapit naman siya sa akin.


"Buti dumating ka." masaya nyang sabi dahilan para lumitaw na naman ang napakalalim niyang dimples.



"Diba sinabi ko naman sayo na dadating ako." sabi ko naman. Kapag sinabi ko naman kasi, gagawin ko naman. Inshort, may isang salita ako.


"Thanks...Hmm let's go. May papakita ako sayo." sabi nya tapos hinila nya ako papunta sa may elevator at nagstop yun sa may rooftop ng hotel. Pagkalabas naman namin sa elevator tinakpan ni Brace ang mga mata ko gamit ang mga kamay nya.


"Careful." sabi nya habang inaalalayan ako sa paglakad.


"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko naman.


"Dito." sabi nya at tinanggal niya na yung kamay nya sa mga mata ko. Nashocked naman ako sa nakita ko.



"Wow!!" amazed kong sabi. Eh kasi naman ang ganda ng view. May mga petals ng rose sa sahig na nakaform ng heart. Tapos may mga heart balloons din na nagkalat. And sa gitna may table for two people. Inalalayan naman ako ni Brace sa pag-upo. Okay. Siya na ang gentleman.


"Ikaw yung gumawa nito?" tanong ko. Tumango naman siya.


"Yeah. After nung performance namin kanina. Did you like it?" sabi nya



"Super. Pero bakit mo ginawa ito? Para saan?" sabi ko naman at natawa. Feeling ko tuloy crush niya ako, ang assuming ko naman.



"Para sayo. Buti na nga lang nagustuhan mo e." sabi nya with full of smile in his face. Cute ng dimples nya. Ang lalim. Kaasar!



If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon