Chapter 59: Struggles ~

20 2 0
                                    


( Sheena's POV )

Ngayong araw napagpasyahan namin ni Brace na bumalik na sa Manila. Sasabihin na namin sa mga parents namin about our engagement.

Hindi naman kasi pweding habang buhay nalang kaming magtago sa kanila.

"Sheena!!" salubong sa amin ni Ate Sisa at niyakap ako. Namiss ko siya. Ang tagal na din pala since last ko siyang nakasama.

"Namiss kita." naiiyak niyang sabi.

"I miss you din Ate Sisa." sabi ko at kumalas sa pagkakayakap.

"Hi Brace. Kayo na ba ulit?" sabi ni Ate. Tumango naman ako at pinakita ang suot kong singsing.

"Don't tell me engage na kayo?!" tanong ni Ate Sisa

"Oo ate." masayang sagot ni Brace sa kanya.

"Omg. Congrats to the both of you." sabi ni Ate at pareho kaming niyakap ni Brace.

"Ate nandyan ba sina Mom and Dad?" tanong ko kay Ate

"Ah oo. Nasa loob sila." sagot ni Ate

"Puntahan lang po namin." sabi ko kay Ate at pumasok na kami ni Brace sa loob.

Pagpasok namin nakita ko sina mom and dad na nakaupo sa living room namin.

"Sheena finally your here." masayang sabi ni mom at niyakap ako.

"Hi Tita." bati naman sa kanya ni Brace. Nginitian naman siya ni mom at bineso-beso.

"Dad." sabi ko at nilapitan si dad na nakaupo sa sofa.

Isang malakas na sampal naman ang ibinigay nya sa akin.

"Arthur!!" sigaw ni mom sa kanya habang si Brace ay nilapitan ako.

"Buti naman at umuwi ka na!! Pero bakit mo kasama yan?!" sigaw ni Dad sa akin.

"Dad I'm sorry. Pero I really love Brace. I really do." umiiyak kong sabi

"Engage na din kami." dagdag ko ngunit isang sampal na naman ang ibinigay sa akin ni Dad.

"Arthur tama na!!" sigaw naman ni Mom sa kanya.

"Lumayas ka sa pamamahay namin!!" sigaw niya kay Brace

"Pero sir----" pinutol naman ni dad ang sasabihin ni Brace

"Ilabas nyo na ito." utos ni dad sa mga bodyguards niya.

"Ikaw sumama ka sa akin!!" sabi sa akin ni Dad at kinaladkad paalis ng living room.

"Sheena!!" sigaw ni Brace. Hanggang sa hindi ko na siya nakita dahil tuluyan na siyang nilabas nung mga body guards ni Dad.

Tatakbo sana ako para habulin si Brace pero hinila ako ni Dad papunta sa office niya.

"Arthur tama na please." pagmamakaawa ni mom sa kanya at niyakap ako.

"How could you Sheena!! Hindi ka namin pinalaki para ganyanin kami!! Nag-iisip ka ba ha!! Engage kayo nung lalaki na yun? Habang ano? Siya engage sa ibang babae? Stop this nonsense drama of yours Sheena!! Magimpake ka na ng gamit mo. Bumalik kana sa US." galit na sabi ni Dad

"No. I will not going back to US. I will stay here together with Brace!!" sigaw ko

"Are you out of your mind?!! Sisirain mo ang buhay mo ng dahil lang sa lalaking yun!!" sigaw ni Dad sa akin

"He is my life Dad." umiiyak kong sabi.

"No!! He's not!! Go to your room and fix your things. Wag mo na akong suwayin pa." galit na sabi ni Dad

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon