Chapter 31: New Characters ~

19 3 0
                                    


Yung nasa multimedia yung mga new characters.

( Sheena's POV )

Halos 1 month na din since nagstart ang class. And 1 month na din since naging close kami ni Brace.

Papunta ako ng locker room ko para ilagay sana yung books ko ng biglang may nakabunggo sa akin kaya nahulog yung mg books ko.

"Omg. Siya yun girl." dinig kong bulong nung isa sa mga kasama ng nakabunggo sa akin.

"Oo nga Jane. Siya yung ex." sabi pa nung isa nilang kasama.

"Tss. Next time. Tumitingin ka sa dinadaanan mo. Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo." sabi nung nakabangga sa akin.

"For all I know, ikaw ang bumunggo sa akin. Kaya nahulog mga books ko." sabi ko naman.

"Huh? Hindi mo ba talaga ako kilala ha?!" asar na sabi nito.

"Wala akong pakialam kung sino ka." akma na sana kong aalis pero hinila niya ako sa braso.

"Im Jane Lim. Ang aagaw sa ex mo!" sabi nito tapos umalis na sila ng mga kasama niya. Tsk! Napaka low class na tao.

Tumuloy na ako sa room dahil mag-uumpisa na ng first class.

"Goodmorning." bati ni Brace. Nagsmile lang naman ako.

"Wala man lang goodmorning din?" tanong niya

"Arquiza wag mo akong binibwiset." asar kong sabi

"Oh? Napano ka na naman?" tanong niya

"May nakabunggo sa akin kanina. Siguro mga fans mo yun. Kairita yung ugali. Jane Lim daw yung name." sabi ko sa kanya

"Ituro mo sa akin mamaya." sabi niya naman.

"Huwag mo na. Okay na." sabi ko naman

Maya maya naman ay dumating na yung prof. namin.

"Class, fall in line and go to the auditorium. May activity tayo dun together with other section." sabi nung prof. namin kaya naman nagline na kami at pumunta sa auditorium.

Nagulat naman ako ng may biglang humila sa akin pagdating namin sa may auditorium.

"Brace?!" sabi ko. Siya lang pala. Akala ko kung sino.

"Tabi tayo." sabi niya tapos hinila niya ako sa may bandang harap at doon umupo.

Nabigla naman ako ng makita kung sino yung mga nakaupo sa may harapan namin.

"Hi Brace." bati nung Jane kay Brace.

"Hello." tipid na sabi ni Brace.

"By the way Im Jane Lim and this is Christine Manglicmot and Ravie Banega." pagpapakilala nung Jane.

"Tss ang landi." bulong ko

"Kayo yung nang-away dito kay Sheena?" tanong ni Brace sa kanila.

"Hey, hindi namin siya inaway no." sabi nung Christine.

"Oo nga hindi namin siya inaway. Si Jane lang nang-away." sabi naman nung Ravie.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?!" sabi naman ni Jane sa kanila.

"Say sorry to Sheena." sabi naman ni Brace kay Jane.

"Tsk! Okay. Sorry Sheena." sabi ni Jane tapos bumalik na sa inuupuan niya.

Maya maya naman ay nagsalita na yung isang prof. sa may harapan.

"Okay were here para gawin ang isang activity. Actually parang meeting palang ngayon. Pinili kayo ng head ng school dahil kayo ang higher sections. So were here dahil may theater play tayong gagawin. And the theater play will be the Romeo and Juliet. So your here para kayo mismo ang magvote who will be the Romeo and Juliet." sabi nung prof.

"So let's start. Voting for the role of Romeo is now open." sabi nung prof. Ang dami namang nagtaas ng kamay for that role.

"I will vote Brace Arquiza for the role of Romeo." sabi ni Nash

"Bakit ako?" reklamo naman ni Brace. Tumawa lang naman si Nash at umupo na.

"So who's in favor of Mr. Joaquin Reyes?" tanong nung prof. Oo navote din si Joaquin, actually sila yung mas napili ni Brace for votings. Binilang naman nung prof. yung nagtaas ng kamay. Sorry Joaquin, pero para kay Brace yung vote ko e.

"35. And who's in favor of Mr. Brace Arquiza?" tanong ulit nung prof. Sa tingin ko medyo mas madami ang nagtaas kay Brace kaysa kay Joaquin.

"55. So malinaw naman ang lahat. Brace Arquiza will be the Romeo. So punta naman tayo sa magiging Juliet." sabi nung prof.

"For sure si Sheena na yan!!" sigaw naman ni Joaquin. Natawa tuloy halos ng nasa auditorium. Baliw talaga si Joaquin. Haha

"Ma'am I vote Sheena for the role of Juliet." sabi ni Grae. Seriously Grae? Tinotoo mo?! Nakita ko namang nagtaas ng kamay si Jane.

"I will vote myself as the role of Juliet." matapang nitong sabi. Hays. Kapal talaga ng mukha!! At sa kasamaang palad, kami ang napili ni Jane para sa votings as Juliet.

"So who's in favor of Ms. Jane Lim?" tanong nung prof. Medyo kinabahan naman ako dahil ang daming nagtaas ng kamay sa kanya.

"44. And who's in favor of Ms. Sheena Santos?" sabi nung prof. at nagcount na.

"Whoa. That was too close. 46. So the Juliet will be Ms. Sheena Santos." sabi nung prof. Tinignan naman ako ng masama ni Jane. I just smirk. Tss. Talo kasi. Lol.

"So yung maiipong pera for that theater play ay gagamitin para sa outreach program. And next week na ang practice. Other roles ay pipiliin nalang namin. So that's all for today. You can take your break." sabi nung prof. tapos bumaba na siya sa stage.

"Congrats." sabi ni John sa amin.

"Bagay talaga kayo." pang-aasar naman ni Grae.

"Im so excited for the play." sabi naman ni Carla.

"At dahil kayo ang napili. Manlilibre kayo mamayang uwian." sabi naman ni Nash.

"Oo nga. Oo nga. Yellow Cab tayo." sabi naman ni Joaquin.

"Oo sige. My treat." sabi naman ni Brace.

"Yehey. Sana uwian na." sabi naman ni Yeri. Natawa naman kami sa sinabi niya. Bagay talaga sila ni Joaquin parehong matakaw. Hahaha

Pero seryoso this past few days mas nagiging close sina Joaquin and Yeri pati na rin sina Carla and Nash. Hmmm. I smell something fishy. Hahaha

Nang maguwian na nga ay pumunta kami sa yellow cab para sa treat ni Brace.

"Ubos na naman allowance ko sa inyo." sabi ni Brace

"Okay lang yan bro. Napasaya mo naman kami." sabi naman ni Nash

"Baliw talaga kayo." sabi naman ni Brace.

Hay. Ang saya lang talaga kapag sila ang kasama. Sana lang hindi na umeksena pa yung Jane Lim na yun. She's getting into my nerves. Tsk!!

---------------------

Author's Note xx

Hello kaway kaway dun sa dalawang BraceUnited na nakasali sa mga new characters. Ravie and Cristine :) And hello na din to Gorgeous Ate Jane Lim ;) Feeling close XD haha

Please vote and comment guys. Labya:*

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon