Chapter 33: CrAsh ( Carla & Nash )

24 1 0
                                    



Nash and Carla on the multimedia :)

( Nash's POV )

Thanks for the POV Shee. Bagay talaga kayo ni Brace. Hehe :)

----

So ayun, Im Nash Aguas. Haha for sure kilala niyo naman ako. Eh since bata palang ako nasa showbiz na ako e.

Nga pala, may POV ako dahil may sasabihin akong secret sa inyo.

May girlfriend na ako :)























Si Carla Salazar ♥♥♥

Oo tama kayo. Yung kaibigan yun ni Sheena. And yeah. Were officially couple for more than 2 years. Gulat kayo no? Haha.

But that's true. Gusto nyo ng flashback pano nangyari ang lahat? Eto oh.

**flashback

Nandito ako sa 7-11 ngayon malapit sa amin, kumakain lang ng noodles. Napatingin naman ako dun sa girl na nasa isang sulok. Mukha siyang malungkot. Kaya naman nilapitan ko siya.

"Carla?" sabi ko dito. Yung schoolmate ko pala na friend ni Sheena.

"Oh! Nash ikaw pala." sabi nito

"Gusto mo?" pag-aalok ko ng noodles sa kanya.

"Ahh hindi. Okay lang. Salamat nalang." sabi niya

"Pwede ba kitang samahan dito?" tanong ko sa kanya.

"Oo sige." sabi niya. Tipid namang sumagot -_______-

"Anong nangyari? Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa kanya

"Huh? Wala to." sabi niya

"Come on. Spill it out. Makikinig naman ako." sabi ko sa kanya

"My mom and dad are seperated. Iniwan na kami ni mom at sumama dun sa lalaki niya. And si dad ayun, lagi nalang siyang lasing. Everytime na umuuwi ako sa bahay. Nakikita ko kung gaano kalungkot si dad. Hindi na nga siya nagtatrabaho e. Kaya nalugi ang company namin. Kaya ito, kailangan ko ng maghanap ng trabaho para may pang-aral. Ang sakit lang kasi, hindi ko iniexpect na mangyayari ito sa akin. Akala ko nung bata ako, perfect yung family ko. Akala ko mahal nina mom and dad ang isa't-isa. Pero akala ko lang pala ang lahat." sabi nito at tuluyan ng umiyak. Tinabihan ko naman ito at pilit na pinatahan.

"Tahan na. Alam kong wala ako sa lugar para sabihin sayo ito. Pero, everything that happens in our life has a purpose. Maganda man ito o hindi. And si God, hindi niya naman ito ibibigay sa atin kung hindi natin kaya e. Hindi pa ito ang huli. Pwede mo pang baguhin ang kapalaran ng pamilya mo." sabi ko sa kanya. Nabigla naman ako ng niyakap niya ako.

"Thanks for being here. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko e." sabi nito

"Hayaan mo. Tutulungan kita." sabi ko.

Dun nagstart ang lahat. After that halos lagi na kaming nagkikita dito sa 7-11. Tinulungan ko din siyang makahanap ng part time job para makapag-aral pa din siya. At sa araw-araw na magkasama kami. Nahulog na ang loob ko sa kanya. Si Carla siya yung tipo ng taong kung titignan mo sa panlabas always okay lang, pero ang totoo deep inside. Siya yung tao na nahihirapan na. Pero kinakaya pa din. Siya din yung tipo ng taong sobrang bait. Kaya hindi ko alam kung bakit nagawa pa siyang iwan ng mama niya at siya din yung tipo ng tao na hindi mahirap mahalin.

Pero sa mga pagkikita namin. Ni isa dun walang nakakaalam sa mga kaibigan namin.

Until one day. I ask her to be my girl. Pumayag naman siya. Sa madaling salita. Naging kami din.

Exact the day na naging kami pinakilala niya ako sa dad niya. At hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi ng dad niya nun sa akin.

"Takecare of my daughter. I love her so much. Kaya sana wag mo siyang sasaktan."

Yan yung sinabi ng dad niya. Wala naman din akong balak saktan ito e. Dahil mahal na mahal ko siya. Pinakilala ko din naman nun siya sa family ko at nagustuhan naman siya ng family ko for me.

Naging masaya ang pagsasama namin. Kahit secret lang ang relationship namin. Masaya pa din. Siguro dahil wala kaming mga rumors. Kaya masaya lang.

Until one day, dumating na nga yung time na nagbreak sina Brace and Sheena. I admit, natakot nun ako dahil baka mangyari din sa amin yun. Pero nawala ang kaba ko ng sabihin sa akin ni Carla na.

"Kahit na anong mangyari. Hinding hindi kita susukuan. At hinding hindi kita iiwan."

With that words. Naging panatag ang loob ko. And tinupad nya yun.

Maraming struggles na dumating din sa relationship namin.

Syempre hindi maiiwasan ang tampuhan at awayan. Pero hindi rin naman natatapos ang araw na hindi namin ito naaayos.

Kaya din siguro tumagal ang relasyon namin. Dahil sanay na din kami sa mga flaws namin.

Until one day, yung mom niya bumalik sa buhay nila. Pero bumalik siya para lang kunin si Carla at patirahin kasama niya sa Canada.

Pero hindi sumama si Carla. Hindi niya kami iniwan ng Papa niya. Dahil ganun naman daw talaga yun.

Kung mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari. Hinding hindi mo ito iiwan.

Natapos kami ng Grade 12 ni Carla na kami pa din. Stay strong sabi nga nila.

At nang makapagtapos din kmi ni Carla ng Grade 12, ay naasikaso niya na ang kanilang company. Kaya naman hindi na niya kinailangan pang magtrabaho para lang may pang-aral siya.

Naging successful na din ulit ang dad niya. And even her mom bumalik na sa kanila.

And now... Buo na ulit ang pamilya niya.

**End of Flashback

"Happy 2 years and 5 months bhie." sabi ko sa kanya. Nandito kami sa 7-11 ngayon. Kung saan kami unang mas naging close.

"Happy 2 years and 5 months din bhie. Ito nga pala. Para sayo." sabi niya sabay abot ng maliit na box. Binuksan ko naman ito.

"A ring? Nagpopropose ka na ba bhie?" pagbibiro ko.

"Baliw bhie hindi. Promise ring yan. Akin na. Ako ng magsuot sayo." sabi niya tapos sinuot niya sa akin yung singsing.

"Nagustuhan mo?" tanong niya

"Oo naman. Ang ganda." sabi ko

"Kulang pa yan para sa ginawa mo lahat sa akin. Thank you so much for everything Bhie." sabi nito at niyakap ako. Niyakap ko naman din siya.

"I love you bhie." dagdag niya

"I love you more bhie." sabi ko naman.



---------------------

Author's Note xx

Kamusta ang CrAsh loveteam? Haha pangit man ang combination ng name maganda naman ng tandem? Diba? Diba? Hehe dont worry may continuation yan. But hindi sa next chapter. Dahil yung next chapter ay sa QuinRi naman. Haha ang bantot ng mga tandem nila. Hahaha

Hope you enjoy the story guys. Please vote and comment :)

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon