Chapter 40: Christmas ~

19 2 0
                                    



Song for this chapter: Your Love by Juris Fernandez

( Nash's POV )

"Sayang Carla. Magpapasko na hindi ka pa din nagigising. Pero hihintayin pa din kita. Gising ka na." sabi ko at hinalikan sa noo si Carla.

It's been 3 weeks pero hindi pa din siya nagigising.

Magpapasko na. Pero mukhang hindi ko pa siya makakasama. Hayyss.

It's already December 24. I miss you Carla. Maghihintay ako. Umabot man ito ng forever. Maghihintay ako.

( Sheena's POV )

3 weeks.

Pero hindi pa din nagigising si Carla. I really miss her so much.

Nandito ako ngayon sa room ko. Inaayusan na ako ng stylist ko dahil ngayon na ang Christmas Ball ng Cheon's Family.

Sa totoo lang, ayaw kong pumunta. Pero ayaw ko namang maging unfair kay Yeri.

"Ang ganda mo pero hindi ka nakasmile." sabi ni mom na kakapasok lang sa room ko. Nilapitan ko naman si mom at niyakap.

"Miss ko na si Carla mom." sabi ko

"Don't worry dear. I know Carla is a strong person. Makakaya nya yun. Gigising siya. Kaya wag ka na dapat malungkot. Just go with the flow dear. At dapat mas maging matatag ka ngayon para sa kanya at hindi kalungkutan ang sagot doon." sabi ni mom

"Fix yourself. Hihintayin ka namin sa baba ng dad mo." dagdag ni mom at lumabas na siya ng room ko.

Maybe tama si mom. Hindi kalungkutan ang sagot para magising si Carla.


*click*

*click*

*click*

Camera here. Camera there. Camera's everywhere. Yan ang sumalubong sa amin pagkababa namin ng kotse kasama sina mom and dad. Dito kasi sa isang hotel ginanap ang event. At ang bongga dahil may red carpet pa.

Tumuloy naman kami sa loob ng hotel. Pagkadating namin dun agad kong nakita ang Arquiza Family.

"Mom, Dad if okay lang sa inyo. Gusto kong mameet niyo ang parents ni Brace." sabi ko kina mom and dad.

"Sure dear." sabi ni mom si dad naman nagsmile lang. Kaya naman lumapit kami sa Arquiza Family. Nang makalapit kami nagbeso-beso kami ni Brace.

"Gorgeous." bulong ni Brace sa akin.

"Tss. Don't state the obvious." sabi ko naman

"Hi Dada. Hi Mama." sabi ko kina Tita at Dada at bineso-beso din sila.

"Mama, Dada. I want you to meet my parents. Celine and Arthur Santos." sabi ko

"Goodevening. It's nice to meet you." sabi ni mom kay Tita Alma at nagbeso-beso sila. Sina Dada at Dad naman nagkamayan.

"Excuse po. Pero puntahan lang po namin ni Sheena yung mga kaibigan namin." sabi ni Brace

"Yah sure." sabi ni mom kami naman ni Brace pinuntahan namin yung mga kaibigan namin.

"Are you okay?" tanong ko kay Nash

"Oo naman. Lalaban ako para sa kanya." sagot nya then he smiled. Kahit alam kong fake lang naman yun. I know na nasasaktan siya. Pero tinatago nya lang yun. I must say na, Nash is a storng person. At alam kong mahal na mahal niya si Carla. Sana lang maging okay na ang lahat para sa kanila.

"Hi Sheena. Hello sa inyo." bati ni Jane na kadadating lang kasama sina Ravie at Tin.

"Thank you for coming." sabi naman ni Yeri at bineso-beso sila.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon