Chapter 5: Fries in Sundae

51 2 0
                                    


Sheena's Point of view.

Ilang months ding hindi nagparamdam si Brace sa akin, gaya ng sinabi ko sa kanya iniwasan niya ako. Minsan nagkakasalubong kami sa school pero parang wala lang, yung tipong parang hindi kami magkakilala. Siguro okay na din yun. Wala na ding nangbabash sa akin. Pero hindi ko alam, parang may kulang. Bawat makikita ko siya gusto ko siyang lapitan at kausapin. Kaso ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko yun. Pinalayo ko tapos ako ang lalapit.


"Girl omg. May mallshow niyan ang Gimme 5 mamaya sa clark. Samahan mo naman ako please." sabi ni Riane ng makadating kami sa tambayan.

Bigla naman akong napatingin sa kanya ng marinig ko ang Gimme 5.

"Ayaw ko Raine sorry." sabi ko naman.

"Hindi pa rin kayo okay ni Brace? Lately napapansin ko kapag nagkakasalubong kayo hindi kayo nagpapansinan ha. Anong nangyari sa inyo?" tanong naman ni Shar. Hindi ko kasi kwinento sa kanila yung napag-usapan nun namin ni Brace sa school garden.

"Wala naman. Siguro natauhan lang siya na ayaw niya ding mabash." pagsisinungaling ko naman.

"Oh wala naman palang nangyari e. So it means okay kayo. Kaya tara na tulungan mo na ako. Si Shar pumayag na kanina oh." napatingin naman ako kay Shar. Hindi naman kasi siya fan ng Gimme 5, so bakit siya napapayag ni Raine?

"Bibilhin niya kasi yung favorite kong case and earphone sa miniso. Sayang din yun kaya pumayag na ako." sabi naman ni Shar. Kaya naman pala pumayag kase may suhol. What a bestfriend.

"Ayaw ko pa din. Kayo nalang." sabi ko naman sa kanila.

"Ibibili kita ng lunch for one week." panunuhol naman ni Raine.

"Talaga ba?" sabi ko naman. Sayang din naman kasi yun, one week yun oh. Edi nakatipid pa ako. Tsaka for sure madami namang tao mamaya at hindi naman ako mapapansin ni Brace. Hay, bakit ba ako affected.

"Payag ka na?" tanong naman ni Shar.

"Osige na nga. Basta Raine, one week na libreng lunch." sabi ko naman kay Raine. Tumango naman siya.

"Basta ba samahan niyo ako. Ako ng bahala." sabi niya naman.

"Oh tara na gora na tayo. Kain nalang tayo sa mall." pag-aaya ni Raine kaya naman pumunta na kami sa parking lot at dumiretso sa Sm Clark sa Pampanga. Nang dahil sa mallshow na ito bumiyahe pa kami. Kung hindi lang talaga sa one week na free lunch hindi ako sasama e. Sayang naman kasi yun.

Pagdating namin sa mall, kumain muna kami sa Mang Inasal alas tres palang naman kasi, sabi kasi ni Raine 4 pa daw ang start.

Nang matapos kaming kumain pumunta na kami sa event center at bumili na ng tatlong album si Raine. Yun daw kasi yung para sa vip and para may photo op. Umupo naman kami sa may ikatlong column. Gusto ni Raine sa harap kami kaso sabi ko sa kanya dito nalang kami kasi masyadong maingay dun.

Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang event. Lahat naman ng fans, tumayo at pumunta sa may harapan including  Raine. Si Shar naman tumayo lang sa may upuan niya para makita niya. Ako? Ito nakaupo lang at natatakpan ng mga fans nila. Hindi ko pa nga sila nakita e. Bigla kasing nagharangan lahat ng fans sa may harapan. Kaya naman kinuha ko nalang yung cellphone ko at naglaro ng games.

After naman ng ilang performance nila, sa wakas umupo na din yung mga fans nila. At nang dahil dun, nakita ko na sila. Lalo na si Brace kitang kita mo sa way namin kaya naman nagtago ako sa nasa harapan ko. Good thing medyo malaking tao ang nasa harapan ko. Si Raine naman kilig na kilig kase ang dami niya daw magandang shots na nakuha nung nagpeperform sila. Edi wow!

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon