Chapter 26: New Beggining ~

17 2 0
                                    



( Sheena's POV )

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Nandito ako ngayon sa room ko at naglalaptop. Tinitignan ko yung page na ginawa ko noon about sa amin.

SheAce Forever.

Natawa nalang ako dun sa mga nabasa kong mga post doon.

Ang dami ring nadismaya sa mga BU ng malaman nilang break na kami.

Haysss.

It's been 2 years since I decided to go in US.

Oo nga pala, kakadating ko lang ngayon galing US.

Sa US ko kasi tinapos yung 2 years ko pa sa highschool. Eh summer ngayon. Kaya I decided na umuwi na.

Hindi pa alam nina Carla and Yeri na nakauwi na ako. May balak kasi ako na isurprise sila.

It's been 2 years.

Ang dami ng nagbago.

Pero yung necklace suot ko pa din.

At yung feelings ko for him, walang nagbago. Nadagdagan pa nga e.

I really miss him.

Nang pumunta kasi ako sa US wala na akong naging balita sa kanya.

Siguro hindi talaga kami ang para sa isa't-isa.

"Babygirl tayo ka na dyan. May bisita ka." napatigil ako sa pagbabasa ng mga post ng pumasok si Ate Sisa sa room ko.

"Sige Ate Sisa. Sunod po ako. Ligpit ko lang po ito." sabi ko

Inoff ko na yung laptop t inayos yung mga gamit ko. After that bumaba na ako.

"Yeri? Carla?"

"Omg. Girl!!" sigaw nilang sabi tapos nilapitan nila ako at niyakap.

"Baliw ka. Bakit hindi mo sinabi na nakadating ka na." sabi ni Carla

"Balak ko nga dapat na isurprise kayo e. Kaso ako ang nasurprise nyo e." sabi ko naman

"Buti nga sinabi ni Ate Sisa na nandito ka na e." sabi ni Yeri

"Ate Sisa talaga." sabi ko

"Namiss ka namin!!" sabi ni Carla

"Namiss ko din kayo." sabi ko

"Tara sa room ko. May mga dala ako para inyo." dagdag ko tapos pumunta kami sa room ko.

"Here." sabi ko tapos inabot ko sa kanila yung malaking paper bag. Syempre tig-isa sila.

"Sorry nagkahalo-halo na diyan." sabi ko. Hindi ko na kasi naayos e. Dapat aayusin ko pa. Eh kaso ako nga nasurprise nila sa pagdalaw.

"Anu ka ba. Okay lang. Thank you." sabi ni Carla

"Thank you girl. Your the best talaga." sabi naman ni Yeri.

"Group hug!!" dagdag ni Yeri at naggroup hug nga kami.

"Namiss ko ito." sabi ko sa kanila

"So kamusta ka naman?" tanong ni Carla ng kumalas kami sa pagakakayakap.

"Okay lang naman. Eh kayo kamusta na? May mga boyfriend na kayo no?" sabi ko

"Wala kami no. Study first. Haha" sabi naman ni Yeri

"Sobrang sikat na ng Gimme 5 ngayon." napatigin naman ako kay Carla ng dahil dun sa sinabi niya.

"Oh. Really?" sabi ko nalang

"Yes. As in sobra. Sa sobrang kasikatan nga nila wala na kaming communication sa kanila e. Haha" sabi ni Yeri

"Baliw since umalis si Sheena nawalan na tayo ng communication sa kanila." sabi naman ni Carla

"Girls. New beginning na. Forget the past." sabi ko

"Past? Nakamove on ka na ba sa kanya?" tanong ni Yeri. Hindi ko naman siya sinagot. I just smiled.

"Hindi mo na mahal?" tanong naman ni Carla.

"Girls. I already accept. Wala na sigurong dahilan para balikan pa ang nakaraan." sabi ko

"What if magkita kayo ulit?" tanong ni Yeri

"Edi magkita kami diba? Ganun lang yun." sabi ko

"Wala na ba talagang pag-asa?" tanong naman ni Carla.

"Girls. Ang dami nyong tanong. Let's go kain na tayo." sabi ko tapos bumaba na kami para kumain ng dinner.

After naman naming kumain nagpaalam na din silang umuwi. Hinahanap na daw kasi sila ng parents nila.

Cecilia, you're breaking my heart
You're shaking my confidence daily
Oh, Cecilia, Im down on my knees
Im begging you please to come home

Ringtone ko po yan.

Unknown number yung nagcacall.

Sino naman kaya ito at tumatawag siya ng ganitong oras.

Like wtf!! It's already 11:59 in the evening.

Pinindot ko naman yung answer key.

"Hello?" sabi ko pero walang sumagot sa kabilang line.

"Hello? Sino to?" sabi ko ulit pero wala pa ding sumasagot.

"Alam mo kabadtrip ka!! Panira ka e. Alam mo yung feeling na nagmoment ako dito tapos sisirain mo." sabi ko pero wala, hindi pa din siya nagsalita.

"Tutal sinira mo na din ang gabi ko. Sayo nalang ako mageemote. Hindi mo naman siguro kilala yung guy." sabi ko, hindi ko alam pero feel ko talagang magkwento ng nararamdaman ko ngayon e.

"It's been 2 years since last kaming nagkita. Alam mo sa two years na yun kahit hindi na kami nagkita. Mahal na mahal ko pa rin siya. Namimiss ko na siya. I hope na sana one day magising nalang ako sa panaginip na ito. Ang sakit na e. Wala akong nagawa noon para isalba yung relationship namin. Medyo stupid kasi ako e. Ay, hindi pala medyo. Stupid talaga. Oh ayan ha, inamin ko na. Pero siguro, ito talaga ang itinadhana para sa amin. Ang paghiwalayan kami." sabi ko pero ni isang react dun sa caller wala.

"Hayss. Mukhang hindi ka na talaga magsasalita. Osige. Salamat sa paninira ng gabi ko. At salamat na din sa pakikinig kung talagang nakinig ka." sabi ko tapos inend na yung call.

Tinignan ko naman yung teddy bear na binigay niya sa akin. Remember yung gift niya noong first anniversary namin. Hindi ko makakalimutan yung araw na yun. Yun nga lang din yung napagcelebrate namin sa lahat ng monthsary / anniversary namin e. Dun sa iba namin kasi nung monthsary greetings lang. Kasi were both busy. Lalo na siya.

Sa halos loob ng 1 year na yun. Oo halos 1 year and 2 weeks lang ata kami. Oh diba bilang ko. Haha. Nakakatawa lang kasi mas marami pa yung araw na nagkahiwalay kami kaysa sa nagkasama kami.

Niyakap ko naman yung teddy bear.

"Ang sabi mo noon, kapag mamimiss kita yakapin ko lang ito. Sobrang miss ko na ang daddy ni Sheace." sabi ko at hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Hay. Sheena malala ka na. Pati bear kinakausap mo. Itulog mo nalang. Lilipas din ito." sabi ko tapos humiga na ako at natulog na yakap yung Teddy Bear / anak daw namin na si Sheace.










( Someone's POV )

Babawiin kita...

---------------------

Author's Note xx

Oh no! Sino kaya yun?

Sorry kung napabilis yung flow ng story. Sana may readers pa ito. Don't forget to vote and comment. Keep reading ~

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon