Chapter 22: Summer Vacation

21 1 0
                                    



( Sheena's POV )

"Ready na ba? Wala na kayong nakalimutan?" tanong sa amin ni Tita Alma.

"Wala na po." sagot namin.

Nandito kasi kami ngayon ng buong Gimme 5, Yeri, Carla and Arquiza family sa airport. Magoouting daw kasi kami. Summer vacation na din kasi. Nakaisip nito si Tita at sinuggest naman ni Brace na isama nga namin ang mga kaibigan namin.At pupunta kami sa boracay.

Maya maya lang ay tinawag na ang flight number namin. Syempre tabi kami ni Brace. Actually nakagitna ako sa kanila ni Sacha. Sa lahat kasi ng kapatid niya siya pinakaclose ko e.

***

"Whoooaa!! Ang ganda!!" manghang sabi ni Joaquin ng makadating na kami sa Boracay.

"Oh tara na. Punta na muna tayo sa hotel na tutuluyan natin. Maya nalang ang libot." sabi ni Tita Alma at pumunta na kami sa hotel na tutuluyan namin.

5 rooms ang kinuha namin. Yung isang room dun sa Gimme 5 yung isa naman sina Dada, Tita Alma, Jeanne and Baby Alexa at yung isa naman kina Kuya Edward, Kuya Ian at Ate Kim, yung isa sa amin nina Yeri, Carla and Sacha. Yes, sa amin sumama ng room ni Sacha. Per room kasi may 2 beds naman e.

"Ate tabi tayo ha." sabi ni Sacha sa akin na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya.

"Sure." sabi ko naman

"Mukhang close na kayo ng future sister in law mo ha." pagbibiro naman ni Yeri.

"Gaga ka. Manahimik ka nga." sabi ko naman

"Oo naman po close na kami. At ako ang maid of honor nila sa kasal nila ni Kuya." sabi naman ni Sacha

"Aba't inagawan pa ako ng pwesto." pagbibiro naman ni Carla

"Ano ba yan. Kasalanan na nga pinag-uusapan nyo." sabi ko naman.

"Ate puntahan ko muna si Mama." sabi ni Sacha

"Sige cha." sabi ko naman tapos lumabas na siya ng room.

"Uy girl. Mukhang boto sayo ang family niya ha." sabi ni Yeri ng makalabas na si Sacha.

"Haha. Oo nga e. Ang kaso siya hindi ko pa napapakilala sa parents ko." sabi ko naman

"Ay bakit naman hindi pa?" tanong naman ni Carla

"Alam nyo naman yung mga parents ko. Always busy sa work. Minsan nga lang kami magkasama sa bahay e. Mas close ko pa nga si Ate Sisa sa kanila e." sabi ko naman

"Ah I see. Pero syempre dapat pag may time ipakilala mo na din si Brace." sabi ni Carla

"Kinakabahan ako girls. Hindi ko alam pero parang ayaw ko muna din siyang ipakilala." sabi ko

"It's your choice." sabi ni Yeri

"Hay ewan. Osige maiwanan ko muna kayo. Magshoshower lang ako." sabi ko at tumuloy na sa CR.

After ko namang magshower ay bumaba na kami nina Carla and Yeri.

"Ohh. Couple shirt sila oh!!" pang-aasar ni Grae. Napatingin naman ako kay Brace. Suot niya din pala yung captain america na niregalo ko nun sa kanya.

"Iba talaga kapag inlove." sabi naman ni John

"Uy. Magsitigil nga kayo dyan." sabi naman ni Brace.

"Tara na. Kakain na." sabi naman ni Tita Alma.

Kumain na nga kami. At after nun ay nagkayayaan kaming magswimming sa dagat.

Kami namang magkakaibigan nagkayayaang maglaro sa dagat. Ganito yung game, by pairings tapos may nakapasan sa isa, magtutulakan lang nun at kung sino ang mahulog sila ang talo. Nasa bandang ibabaw ng parte lang naman kami ng dagat kaya okay lang kung may malaglag. Haha.

So ito na yung pairings.

Grae - Carla

Nash - John

Joaquin - Yeri

Brace - Ako

At nag-umpisa na ang game...

Tulak dito...

Tulak doon...

Hulog dito...

Hulog doon...

And guess what?

Talo kami ni Brace :(

Tinulak kasi ako ng napakalas ni Yeri kaya ako na out of balance. Kaya ayun, sila ang panalo.

"Sayang hindi tayo yung nanalo." sabi ko kay Brace habang papunta kami sa isang kubo para makapagpahinga muna. Yung mga kasama naman namin, ayun magsiswimming pa din. Ayaw pa awat e. Hahahaha

"Okay lang yun. Hindi naman din sa lahat ng bagay ay mananalo ka palagi." sabi naman niya

"Aba't humuhugot na din ang boyfriend ko." pagbibiro ko

"Psh!! Hindi no." sabi nya. Kinurot ko naman siya sa pisngi.

"Ang cute cute mo talaga!!" pang-aasar ko.

"Love naman e. Ang sakit!" reklamo nya ng tanggalin ko yung kamay ko sa pisngi niya.

"Masakit pa din?" tanong ko

"Oo. Ang sakit kaya ng kurot mo!!" sabi niya hinalikan ko naman yung magkabilang cheecks niya.

"Chansing huh." pagbibiro niya at ngumiti siya ng nakakaloko. Kaya naman yung dimples niya, ayun. Nakakamatay!!

"Chansing pala ha!!" sabi ko tapos pumasan ako sa likod niya at kinurot ulit yung pisngi niya.

"Araaayyy!! Masakiiit!! Mamaaaaaa!!" sigaw niya. Bumaba naman ako at tumawa ng tumawa.

"Ang epic mo love. Hahahaha!" sabi ko habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Tsk!! Ang girlfriend ko bully na." sabi niya

"Sorry na. Haha pero ang epic mo pa din." sabi ko at binack hug siya.

"Hmm. Pweding favor?" tanong ko sa kanya

"Ano yun?" sabi niya naman

"Smile ka." sabi ko

"Niloloko mo ba ako?" natatawa niyang tanong.

"Hindi no!! Smile ka na kasi." sabi ko tapos nagsmile naman siya.

"Pahawak ng dimples ha." sabi ko tapos hinawakan ko yung dimples niya kahit hindi pa siya nago-oo. Haha

"Ang lalim talaga." dagdag ko

"Tsk!! Dimples palang naiinlove ka na." pagbibiro niya

"Yabang ha!!" sabi ko naman

"Mahal mo naman." sabi niya at niyakap niya ako.

"Oo na!! Mahal na mahal kita." sabi ko sa kanya at niyakap fin siya.

"Promise me na hindi mo ako iiwan ha." sabi niya

"I promise. Pero baka nga ikaw ang mang-iwan e." sabi ko naman

"No. I will never do that. And no matter what happen, I will always by your side." sabi niya.

Sana...

Sana itong pinangako namin sa isa't-isa. Matupad namin.

"Walang bibitaw ha!!" sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.














----------------------

Author's Note xx

Happy summer to all. Haha masaya talaga ang summer ko ngayon dahil inspired na inspired ako kay Brace :) ♥♥♥
Tapos yung Author ng Escaping Lights na napakaganda friend ko na. Hihi^^ Hindi ko talaga inexpect na magiging friend ko si Ate Jane Lim / Nocturnal Oblivion :) Hello sayo Ate Jane:))

So ayun, please vote and comment guys :*

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon