Chapter 16: Camping ~

24 3 0
                                    


[ Sheena's POV ]

Nandito na ako ngayon sa Airport. Iiwan ko na kasi si Brace dahil pupunta na akong ibang bansa para dun mag-aral.





























Pero syempre joke lang yun hahahaha ^___________^

Pero nasa Airport talaga ako dahil may camping kami ngayon. Last week sinabi yun, at yung camping na yun ay last activity, performance and project namin sa lahat ng subject. Kaya lahat required lahat na sumama. Nakakalungkot lang kasi hindi ko kasama sina Yeri and Carla. Iba kasi section nila e. And per section kasi iba-iba pupuntahan namin. Yung section naman namin sa Palawan pupunta.

"Goodmorning love." bati ni Brace sa akin na kakadating lang kasama si Nash.

"Goodmorning." sabi ko naman tapos nagsmile ako sa kanya.

"Okay guys. Ready na daw kayo. Within 2 minutes aalis na daw tayo." sabi ni Sam which is our President. Kaya naman lahat ay inayos na ang mga gamit. Maya maya naman ay pinasakay na kami ng adviser namin sa airplane. Nabigla naman ako ng biglang buhatin ni Brace yung luggage ko.

"Brace. Kaya ko na yan. Nasan na." sabi ko tapos pilit ko itong kinukuha sa kanya ngunit ayaw niya talagang ibigay.

"No. Kaya ko na ito. Let's go." sabi niya tapos lumakad na siya papunta dun sa plane. So ayun, sumunod nalang ako. Hay Brace, why so gentleman?

Umupo naman ako dun sa may tabi ng bintana tapos katabi ko naman si Brace.

"Buti nakasama ka." sabi ko kay Brace.

"Kailangan e. Nakapagpaalam na rin naman ako sa manager namin e." sabi niya naman. Napahikab naman ako. Hay. Kulang pa kasi ako sa tulog e.

"Tulog ka na muna." sabi niya tapos inilagay niya yung ulo ko sa may balikat niya.

"Sure ka? Okay lang sayo?" tanong ko sa kanya

"Oo naman." sabi niya. So ayun, natulog na muna ako.

***

Nang magising ako ay nasa isang kwarto na ako. Wait? Nasa palawan na ba kami? Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Gising kana pala love." si Brace lang pala. Akala ko kung sino na.

"Hindi na kita ginising kanina kaya naman binuhat nalang kita papunta dito sa kwarto niyo. Si Grace daw pala yung kasama mo dito sa room." dagdag ni Brace

"Thanks love. Pero dapat ginising mo nalang ako e." sabi ko

"Okay lang. Let's go. Kakain na daw tayo." sabi niya tapos inintertwined niya pa yung kamay namin bago kami lumabas sa kwarto.

"Okay class. After nyong kumain proceed to the activity area. And take note no gadgets." sabi nung adviser namin. Kami naman ng mga kaclassmate ko kumain na muna.

"May balak ka bang patabain ako?" tanong ko kay Brace. Ang dami niya kasing nilagay na food sa plate ko e.

"Wala naman. Ayaw ko lang na magutom ka." sabi niya naman

At nang matapos nga kaming kumain ay pumunta na kami sa may activity area.

"Complete na ba?" tanong ni Sir

"Yes sir. Chineck ko na din po lahat. At wala naman po silang dalang kahit anu mang gadget." sagot ni Sam which is our President.

"Good. So yung activity natin for two days ay ganito. Pupunta tayo dun sa isang isla, by pair kayo para dun sa activity. Simple lang naman yung activity. Kayo ng kapair nyo ang bahalang maghanap ng makakain at masisilungan o kahit ano pang kailangan niyo for two days." sabi ni Sir

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon