Chapter 57: Stay With Me~

25 2 0
                                    


( Brace's POV )

Buti nalang after that scene nag pack up na agad. Hindi ko na kasi talaga alam yung gagawin ko. Nakakahiya -________-

Nang makabalik na kami sa hotel ay agad na akong naligo. Pagkatapos nun humiga na ako sa kama ko.

Kakahiga ko lang ng may biglang kumatok. Badtrip kakahiga lang e. >_____<

Tumayo naman ako at binuksan yun. Nagulat naman ako ng si Sheena ang nakita kong nandun.

"Hmm. Bakit?" tanong ko

"May ibibigay lang ako. Naiwan mo kagabi." sabi niya sabay abot ng bracelet. Yung bracelet na binigay ng Dad ni Yeri sa amin.

"Ah. Thank you." sabi ko nalang. Hanggang ngayon kasi nahihiya pa din ako sa kanya.

"Nice bracelet." sabi niya

"Hindi ko ito pinagawa. Binigay lang ito sa amin ng dad ni Yeri." sabi ko

"Psh. No need to explain. Ano ka ba." sabi niya. Bakit nga naman nageexplain pa ako? Eh wala na rin naman siyang pakialam sa nakaraan namin? Tss.

"Ah sige balik na ako sa room ko." sabi niya. Paalis na sana siya ngunit hinawakan ko siya sa braso.

"Bakit?" tanong niya

"Mahal mo ba talaga yung boyfriend mo?" hindi ko na mapigilan kaya tinanong ko na. Mas magandang maaga palang alam ko na. Kaysa sa magmukha na naman akong tanga.

"Ano ba naman klasing tanong yan. Syempre mahal ko." sabi ko nga dapat hindi ko na tinanong.

"Sige alis na ako." sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.







( Sheena's POV )

Agad na akong pumasok sa kwarto ko. Baka mamaya kasi kung ano pang itanong niya at baka kung ano pa ang masagot ko.

Aish. Mababaliw na ako dito!!

Bakit ba kailangan nya pang magexplain dun sa bracelet?

At bakit kailangan nya pang itanong kung mahal ko si Paul?

Ghad Brace!! You're making me crazy!!

***

"Guys break time." sigaw ni Manager Lee. Ilang hours na din kasi kaming nagshoshoot. Buti nalang this time solo kami. Kaya hindi ko na kailangang mailang pa kay Brace.

"Irah. Can you give it to Brace naiwan niya kasi e." sabi ni Manager Lee at inabot yung wallet ni Brace.

"Ah sige po." pupuntahan ko nalang siya since nakita ko siyang pumunta lang naman siya dun sa kubo.

Naisipan ko namang buksan yung wallet niya para icheck kung sa kanya ba talaga. Baka mamaya kasi hindi naman. Edi pahiya pa ako. Sabihin pa niya gumagawa pa ako ng way pra lang mapalapit sa kanya. Aish. Ayoko ng ganun no. Sheena OA na promise -_______-

Ngunit nabigla naman ako ng buksan ko ito.

Picture namin ang nakalagay.

Hays. Bakit mo ba ako pinapahirapan Brace?

Sinarado ko nalang ulit ito since malapit na ako dun sa kubo. Papasok na sana ako kaso narinig ko na may kausap siya sa phone.

"Sorry Joaquin. Pero mahal na mahal ko siya."

Para naman akong naistatwa sa narinig ko. Kausap niya si Joaquin? And worst sinasabi pa niya dito kung gaano niya kamahal si Yeri?!

Iniwan ko na yung wallet niya sa may upuan at tumakbo palayo dun.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon