Chapter 48: Moving On ~

24 1 0
                                    


[ Sheena's POV ]

Time check.

12:46 am.

Ghaddd!! Anong oras na pero hindi pa din ako makatulog. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko pero wala. Hindi talaga ako makatulog.

Bumangon naman ako at kinuha ko yung laptop ko. Nag online nalang ako.

Ang daming nagmessage at mga friend request. Hinayaan ko lang naman. Ni isa wala akong pinansin dun. Tinignan ko lang yung notification ko. At ang nasa una ito pa.

Wolfie Brace Arquiza just phosted a photo. - 1 minute ago.

1 minute? So it means online siya. Tinignan ko naman yung sa chat. And ayun, naka green yung name niya. Online nga siya.

Tinignan ko naman yung pinost nyong photo. And wow!! Wow talaga!!

Picture nila ni Yeri kanina. Tss. Close na talaga sila. Oh well that's life. Masakit man pero kailangan nating tanggapin.

Sa sobrang asar ko naman nagcomment ako.

Comment: Nice :) Bagay kayo.

Ayan yung comment ko. And hindi lang yun nilike ko pa. Haha :)) Masaya na siguro siya dun.

At dahil nakakabadtrip lang mag online, nag log-out nalang ako. Mas nakakabanas lang pala yun. Tss.

Bumaba nalang ako ng kwarto ko at tumuloy sa kitchen. Kumuha ako ng ice cream sa ref at umupo sa isang stool.

You need to move on Sheena. Hayy. Ano bng gagawin ko?!

Maya maya naman ay nagvibrate ang phone ko.

Joaquin calling. . . . .

Oh? Ano na naman kayang kailangan nitong pula na ito? Sinagot ko naman yung tawag.

"Oh anong kailangan mo?" pambungad ko.

"Ito naman. Magpapaalam lang. Thank you sa pagsama kanina. Mamimiss ko yung pang-aasar ko sayo." sabi niya

"Well hindi mo na ako mamimiss. Anong oras ba flight mo?" tanong ko

"3 am pa. Bakit?" sabi niya

"Hintayin mo ako diyan. Bye." sabi ko at binabaan ko na siya. Agad kong tinawagan yung secretary ni Papa at nagpabook ng flight papuntang US.

Pumunta na ulit ako sa kwarto ko at nagimpake ng mga gamit ko.


Buo na ang desisyon ko. Aalis na ako dito sa Pilipinas. Sasabay nalang ako kay Joaquin papuntang US. Nandun din naman sina Mom and Dad.

It's time to move on. :))

Tinext na ako nung secretary ni Dad at sabi niya napabook niya na ako ng flight. 3 am. So sakto sabay kami ni Joaquin.

After kong magimpake kumuha ako ng sticky note.

Ate Sisa. Pumunta na akong US. Pupuntahin ko na sina mom and dad dun. Dont worry okay lang ako. Thanks for everything Ate Sisa :)

Yan yung sinulat ko dun sa sticky note tapos idinikit ko dun sa may pintuan ni Ate Sisa bago lumabas ng bahay.

Agad naman akong pumunta sa airport. Buti nalang maaga pa kaya naman hindi traffic.

Pagdating ko dun nakita ko agad si Joaquin.

"Oy. Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit may dala kang mga maleta?" tanong niya

"Sasabay na ako sayo papuntang US." sabi ko

"Aalis ka din? Seryoso ka ba dyan?" tanong niya. Tumango naman ako.

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon