It's All About Cassie

2.9K 65 3
                                    

CASSIE'S POV

Lahat ng Damit ko nakahanda na alas kwatro ng Madaling araw ang alis ko papuntang Manila٫ Pero parang may pumipigil sakin na wag nalang umalis siguro dala lang ito sa Hirap na nararamdaman ko ngayon.

"Anak, di na ba magbabago ang Desisyon mo? pwedi ka naman mag hanap ng Trabaho dito sa bayan bakit gusto mo sa Manila pa mag hanap."

Alang-ala sabi ni nanay saken habang hinahaplos ang buhok ko.

"Nay alam mo naman na subrang liit ng sahod dito sa Bayan!di kasya sa araw-araw na gastusin tapos may maintenance pa kayo na gamot kada bwan. Di ko hahayaan na lumalala ang sakit nyo."

"Wag mo akong alalahanin anak, gagaling din ako. Palagi akong magdadasal na sana gumaling na ako kasi naawa na ako sayo ang Responsibilidad ko bilang nanay nyo ikaw na lahat sumalo nito ikaw na lahat gumagawa."

"Hindi naman sa ganun nay٫ ako ang panganay mong anak kaya responsibilidad ko din na tulungan ko kayo. niyakap ko siya ng Subrang higpit. Nanay wag na po kayo malungkot ginagawa ko lang to para sa pamilya natin."

"Mamimis ka talaga namin anak!wag kang mag papaloko sa mga tao sa Manila at higit sa lahat wag kang magtitiwa kahit kanino."

"Ako din nay mamimis ko kayo pati mga kapatid kong sina Pinipig, Otap,Piaya at Hopia."kumalas ako sa pag yakap sa kanya."wag na po kayo mag alala sakin nay ako pa maiisahan nila tsk nagkakamali sila kasi baka sila pa ang maiisahan ko. Sige na po nay wag na tayong magdramahan dito baka mamaya magising pa sila at di ako makaalis"

"Ohh sya sige anak mag-iingat ka ha??tumawag kaagad samin pag nasa manila kana para panatag na ang loob na nandon kana. Ako nalang bahala mag paliwanag sa mga Kapatid mo."

"Sige nay tsup alis na po ako ingatan nyo po ang sarili nyo wag na kayong masyadong mag alala sakin para di lumala ang sakit nyo. Bye nay."

"Bye Anak mag Ingat ka."

Niyakap ko ulit si Inay bago tuluyang umalis ng Bahay..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Di ko alam kung ano ang kahahantongan ko sa Manila, basta ang iniisip ko pag dating na pag dating ko sa Manila mag hananap kaagad ako ng Trabaho. Kahit anong trabaho kaya kong gawin,basta legal lang at di ko ikakahamak. Ginagawa ko to para sa pamilya ko.

Ako nga pala si Cassie Dela Cruz. Cass ang palayaw ko 23 yrs old single at walang plano mag boyfriend o mag asawansagabal lang yan sa mga plano ko sa buhay pati na sa mga kapatid ko. Ulila ako sa Ama namatay si tatay dahil inatake sa puso sa subrang Saya nya naka Graduate ako ng High School.

I Don't Wanna Fall In Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon